Sa probinsya namin ito nangyari, year 2017, nung gabi na yon, hinding-hindi ko makakalimutan.Siguro naman halos lahat tayo, alam ang SELINDRINA horror game (?) Sa mga hindi pa nakakaalam, hindi naman talaga siya nakakatakot, nakakagulat lang talaga. Yung tipong nakakatakot i-ikot sa kabilang side, kasi baka meron si SLENDRINA, may kasama pa nga siyang lola niya, pero malaking ulo lang siya at may mga paa na katulad ng gagamba. Kailangan mo kasing makuha yung mga pieces ng book, para makuha yung susi, at buksan yung box (?)
rade 10 ako ng nangyari ito, sa laki 'kong yan katabi ko pa si mama matulog. Around 12:00am gising pa ako, pati si mama patulog na din, nag OT kasi siya sa pinag tra-trabahohan niyang bahay, kasi business owner amo ni mama.
Nung tumabi si mama sakin, sinabi pa niyang matulog na ako, pero di ko siya pinansin, at tinuloy ko lang maglaro ng SLENDRINA, nagulat ako kasi may naamoy akong 'sampaguita' sumabay pa sa ihip ng hangin, bato yung bahay namin, pero wala pang kisame, kaya napasok parin yung hangin.
Habang busy ako sa paglalaro, biglang nagtaklob ng kumot si mama, which is may napansin akong maputing matanda na dumaan mismo sa gilid ni mama, tapat kasi ng higaan namin yung pintuan.
Dahil nga sa naglalaro ako, akala ko nag ha-hallucinate na ako, kaya di ko pinansin, pero nagtagal yung amoy SAMPAGUITA.
Ilang araw nakalipas, nag kwento si mama na may naamoy siyang sampaguita sa uluhan namin, at may nakita siyang matandang nakaputi.
Ibig sabihin, yung nakita ko ng gabing yon, hindi pala guni-guni ko lang?
-J***** 0000
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
De TodoIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...