Hotel in Malate Manila
Gusto ko lang naman sana ibahagi ang aking karanasan nung nag punta ako sa Malate Manila way back on December 15,2018 kasi nong time na yun nag kayayaan kami ng mga barkada ko mag punta ng manila para mag bakasyon for Christmas gift nalang namin sa aming mga sarili.
Pumayag naman ang lahat sa aming plano kaya dali dali na kami nag pa book ng ticket papunta sa manila ang flight namin ay sa ika- 19 ng Disyembre, nasa manila na kami nun tapos yung hotel na nabook namin sa online eh nasa malate yun.
Pagkadating namin doon okay naman ang ambiance ng hotel elegante tapos may malalaking chandelier sa kisame at may piano pa sa gitna ng hotel tapos may background music pa ng mga Christmas song.
Pagkapasok na namin sa kanya kanyang room dalawa kasi yung kinuha naming room ang isa ay para sa amin mga babae at bakla tapos ang isa naman ay para sa mga lalaki kong kaibigan.
Alas tres na ng madaling araw tulog na ang mga boys. Tatlo lang kami sa room namin tulog na yung isa kong kaibigan si jane tapos yung isa kong kaibigang bakla si barbie hindi kami makatulog dalawa kaya nag pasya si barbie na makipagmeet sa kanyang friend na taga malate din malapit lang yung bahay nila sa hotel na kinaroroonan namin.
Bumaba na si barbie sa lobby at ako nalang ang na iwan na gising dito sa room namin kaya nag sound trip nalang ako, para makatulog na habang papikit na ako nag chat bigla sa akin si barbie sabi nya bumaba daw ako kasi may binili silang ice cream kaya dali dali naman akong lumabas sa room ko.
Habang nag lalakad ako papuntang elevator nasa 11th floor kami nun may narinig akong footstep pababa galing sa stairs kaya tinignan ko si guard lang pala nag rorobing kaya nawala yung kaba ko at nag smile lang ako sa kanya pero hindi siya kumibo at patuloy lang sya sa pag lalakad ang tanging maririnig mulang ay ang galing sa paglalakad ng sapatos nya at ang mga ingay ng kanyang mga susi sa bewang nya.
Nang pagbaba ko sa lobby nakita ko agad sila barbie at ang kanyang kaibigan nag yayaan kami sa may pool nalang kami kakain para matignan din namin yung garden sa hotel.
Nakaupo na kami dun sa may gilid ng pool at biglang may narining kaming mga yabag ng paa pa punta sa amin pag tingin ko si guard lang pala pero hindi yung guard na nakita ko na bumaba galing 12th floor ng hotel kaya nag tanong ako sa kanya Ako: kuya? Sino ba yung guard na nag rorobing sa 11th floor hindi kasi siya nag greet man lang sa akin nung nakita nya ako. Kuya: Ha? Eh ako lang naman mag isa ang naka duty ngayon iha sa umaga pa yun darating ang papalit sa akin.
Kinabahan ako nung narinig ko ang sinabi ni kuya kaya sinabi ko nalang sa kanya ah okay po hihi tapos bigla nalang ako dinalaw ng antok kasi mga alas kwartro na ng madaling araw non kaya hinatid na ako ni barbie pabalik ng room ko tapos bumaba naman agad sya pabalik sa pool area.
Habang pabukas ako ng room namin narinig ko yung music ng phone ko dinig na dinig sa labas ng room namin nakalimutan ko pala patayin yung music bago ako bumaba kanina. Nasa bed na ako sa may bandang pinto ako naka pwesto tatlo kasi yung bed namin si jane nasa may bintana ng kwarto tapos si barbie naman yung nasa pagitan namin so yun na nga nag simula na tumindig ang aking balahibo dahil may naririnig akong naglalakad sa labas at syaka mga tagingting na mga susi kaya pinilit kong pumikit pero hindi talaga ako makatulog tinawag ko si jane pero parang hindi nya ako naririnig kaya nag facebook nalang ako habang nag scroll scroll up lang ako bigla ako na hinto kasi kusang nag scroscroll up yung facebook hindi ko naman pinipondot parang pinag lalaroan talaga ako pawis na pawis ako that time tinitigan ko nalang ang aking sarili sa salamin na nasa harap ko malaki yung salamin dito habang nakatitig lang ako sa salamin biglang may gumalaw sa aking gilid gumalaw bigla ang mga baso nung una mahina lamang, habang palakas ng palakas parang hinahampas na ang mga baso ng kutsara,
sumigaw na ako at tinawag ko si jane hindi nya ako narinig kasi hindi parin sya nagigising umiyak na ako at nag dasal.mayamaya biglang tumunog ang pinto na para may gustong pumasok kumakalabog ang door knob ng pinto takot na takot na ako non ng biglang may tumawag nang pangalan ko sinabi nya “nadia buksan mo ang pinto” pag bukas ko si barbie pala yun kaya napayakap ako sa kanya at sinabi ko lahat ang nangyari duon na nya ako pinahiga sa bed nya tapos nagdasal kaming dalawa nakapikit ako habang nagdadasal at biglang tumunog ang phone ko pag tingin ko si barbie ang nag chat papunta na raw siya dito sa room tulog na ba daw ako pasensya na at natagalan yung pag uusap nila ng kanyang kaibigan. Habang binabasa ko yung message biglang tumawa ang babae sa gilid ko nakakatakot ang mukha nya nag iba ang kanyang itsura naging matandang lalaki siya.
napaiyak na ako ng sobra at tumakbo kay jane ginising ng ginising ko siya hangang dumilat ang kanyang mata nag tanong siya ano ang nangyari pagtingin ko sa kama ni barbie nawala na yung matanda at sakto naman ang pagdating ni barbie kaya ayon inabot na kami ng umaga hanggang nagising narin yung mga kasama ko sa kabilang kwarto. Kinuwento ko lahat ang nangyari kaya dali dali na kami umalis sa lugar na yun.
-Nadz from Cebu
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...