ROXAS HALL

8 0 0
                                    


I'm a 1st yr. BSIT student here in BSU malolos. Buong akala ko magiging masaya yung first week ko dito sa school na to, akala ko lang pala.

8am ang klase ko ngayong araw, As usual introduce yourself tas orientation every subject. Pagkatapos ng 12:00-1:00 na klase namin may vacant time na 4hrs kaya ikaw bahala kung anong trip gusto mong gawin, bale ang ginawa ko since di pako nakakahanap ng buddy that day, naglibot libot muna ko kase di pako pamilyar sa campus.

Habang naglilibot napadpad ako dito sa ROXAS building normal lang naman ang lahat, pero habang naglalakad parang may kumalabit sa batok ko kaya nilingon ko ito agad, malayo sakin yung tao sa hallway nung mga oras na yun kaya pinagsawalangbahala ko nalang.

After ng kalabit na yun nakaramdam ako ng pagsakit sa tyan, natatae ako na ewan kaya dumiretso agad ako sa cr, kaso pagdating ko sa cr biglang nawala yung nararamdaman ko. Habang nasa cr nakarinig ako ng bungisngis mula sa pinto kaya't nilingon ko ito, nakita ko ang isang batang babae na walang mga mata.

Agad itong tumakbo palabas at ako nama'y nawala sa sarili na di na alam kung anong gagawin.

Mga alas singko imedya na ng mga oras na ito ng maalala ko na may huling klase pa pala ako, di parin mawala sa isip ko yung bungisngis nung bata habang naglalakad papunta sa sunod ko na klase, NSTP building room ACAD 2 yung building ng next subject, pagpunta ko pumasok agad ako sa building at nagtanong kung saan ang malapit na cr at ang sabi nung attendant sa baba.

- "May malapit po bang cr dito?"

Manong : dyan sa 2nd floor lakad kalang ng kaunti, may cr dun sabay ngiti.

Pinuntahan ko agad ito dahil ihing ihi na ko, di ako nakaihi dun sa Roxas building na yun. Bago makarating may nakasabay akong maintenace ata o janitor na papunta din sa cr, wala namang kakaiba bukod sa tinurbo ko na yung pag ihi ko kase naalala ko yung mukha nung bata, biglang nag salita yung janitor.

Janitor: "Madilim nadin pala ano."
- "oo nga po"

Nauna na ako lumabas sa kanya, pagbaba ko ng hagdan nagulantang ako nang makita ko ang janitor paakyat ng hagdan, iniwasan ko nalang ito ng tingin at dumiretso na sa room. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin yung mukha ng janitor na nakasabay ko sa cr palabas palang si kuya kase inayos daw yung butas sa tabi ng aircon kasi bumuhos nadin ang ulan. bat ako pa napagtripan ng mga building na to, habang nagoorient di mawala sa isip ko yung mga nangyari...

Basta hinding hindi na ko mag ccr sa BSU ket kelan.

- Josh

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon