Based in true story.
Magkasama kami ng kaibigan ko sa isang apartment sa isang Village sa Bulacan. Una, dahil mura ang renta at pangalawa, malapit sa eskwelahan naming dalawa.
Si Miyuki ay nakasanayan ng magjogging tuwing madaling araw sa kalye ng village. Sobra kasing sensitive sa katawan, ayaw ng nadadagdagan ang timbang at hindi naman daw delikado dahil may mga security guards naman. Ilang linggo ang nakalipas, napansin kong mas pumayat pa lalo si Miyuki. Siguro dahil sa pagjajogging nito araw-araw. Dahil medyo tumataba na ako, naisipan kong sumabay sa kanya magjogging.
Lunes ng madaling araw. Lumabas kami ni Miyuki ng apartment. Makalipas ang ilang minuto, nagsimula na kaming mag-jog. Habang tumatakbo ng mabagal, sinabi ni Miyuki na may madadaanan daw kaming isang kalye na medyo may kadiliman. Wag daw ako matakot kasi hindi naman delikado. Nang malapit na kami sa kalyeng sinasabi nya na medyo may kadiliman, tumakbo ng mabilis ang loko at iniwan ako. Sinadya nya talaga akong takutin kasi alam nyang matatakutin ako. Nagkataon pang wala akong nakikitang ibang nagja-jogging. Tumuloy ako sa pagtakbo mag-isa palapit sa madilim na kalye. Hindi ko na din nakikita si Miyuki. Sa isip ko, bibilisan ko na lang para makalampas kaagad. Nang nasa madilim na kalye na ako, naramdaman kong may sumusunod sa akin na tumatakbo rin. Medyo kinabahan ako kasi wala naman akong nakita kanina sa likuran ko.
Kinilabutan na ako nang maramdaman kong nasa tabi ko na sya. Dahil madilim pa rin, di ko sya nakikita. Sa isip ko, kung multo ito, mahihimatay ako. Nang malapit na kami sa medyo maliwanag na bahagi ng kalye, halos magkadikit na kami ng nagja-jogging. Lalaking nakagreen na kasing tangkad ko lang din. Medyo nawala ang kaba ko nung nakita kong jogger din pala. Pero nung tiningnan ko yung paa nya, t**na, muntik na akong himatayin. Hindi sumasayad sa lupa yung mga paa nya. Nanginig ako at halos hindi na makatakbo. Pakiramdam ko, nawala lahat ng dugo sa katawan ko. Tumingin ang lalaki sa akin. At dito na ako bumagsak sa takot. Biyak ang kanang bahagi ng ulo nito at parehong butas ang mga mata. Dumilim na lang ang paningin ko ng sinabi ng multo sa akin na “Sa susunod ulit.”
-JyslRfl
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
De TodoIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...