POSPORO

6 0 0
                                    

ANG POSPORO NI KA MANUEL

*Ang kuwentong ito ay totoong karanasan ni ka Manuel, isa siyang magsasaka na nakatira sa probinsya ng Masbate. Hindi ko na lamang pa sasabihin ang eksaktong baryo kung saan siya naroroon. Noong mga panahong iyon ay hindi pa uso ang mga de-batong panindi hindi kagaya nitong kasalukuyan nating panahon na marami na ang modernong panindi.

TAONG mil-nuwebe y sintos otsenta y nuwebe, el-ninyo nang mga panahong iyon, ang mga pananim ay hindi na umaabot pa sa rurok  ng pagsibol dahil kulang sa tubig. Naghirap ang mga tao sa baryo nila Ka Manuel noon. Ang iilan ay naging animo’y mababangis na lobo dahil sa gutom kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Pero si ka Manuel at sampo ng kaniyang mga kasamahan ay nanatili sa iniingatang dignidad.

Kilala kasi siyang gumagawa ng mga posporo, bukid kasi sa pagsasaka ay natutunan niya itong gawin sa pamamagitan ng mga tsinong nakapunta sa lugar nila. Ang mga ito ang nagturo sa kaniya para gumawa ng produksyon ng posporo. Hanggang sa natigil nga ito dahil ninais niyang protektahan ang bukirin nila sa mga masasamang loob.

Ang sinasabi niya noon ay ang mga tao raw ay sadyang gahaman sa kapangyarihan, dahil sa taglay na  epekto ng taggutom ay pinag-aralan ng iilang mga tao ang itim na mahika, ang ilan ay nagpasakop sa mga hindi nila kauring tao. Marami ang nakatirang pamilya sa baryo nila ang hinihinalang aswang.

Isang gabi noon ay inabutan ng takipsilim sina ka Manuel at mga kasamahan niya sa pagbabakod ng lupain.  May mga kakatuwang pangayayrari ang hindi nila inaasahan, bagama’t hindi sila natatakot ay nabanaag niya ang sindak sa mga kasamahan nang biglang lumitaw ang isang kabaong sa harapan nila. Nakalutang iyon na animo’y may sariling buhay.

Ka Manuel! M-May kabaong!”

Sigaw ng isa niyang kasamahan habang itinuturo ito. Dali-dali nilang nilabas ang matatalim nilang mga itak upang sagupain iyon, subalit pinigilan ito ni ka Manuel dahil ang anumang bagay na matatalim ay hindi uubra sa babalang iyon.

Anon pong ibig ninyong sabihin, ka Manuel?”

Pagtatakang tanong ng isa niyang kasamahan. At sinabihan daw ito ni ka Manuel na,

May mamamatay sa atin, hindi man sa hanay natin kundi isa sa mga kapamilya natin.”

Pagkawika raw ni ka Manuel nang mga oras na iyon ay bigla na lang nawala ang kabaong at napalitan ito ng puno ng saging na lumapat na lang sa lupa. Mas ikinasindak ng mga kasamahan ni ka Manuel ang babalang iyon. Dahil maaaring ang kamatayan ay hindi kailan man mapipigilan, subalit kung may paraan ay kanilang susubukan.

Lumipas ang dalawang araw ay namatay ang anak ng kaniyang kasamahan. Naghinagpis sila dahil wala pang kamuwang-muwang ang paslit. Nagpulong sila sa maliit na yunit na itinayo ni ka Manuel upang solusyonan ang mga babala at pangitain. Kaya nakabuo sila ng isang desisyon na magpunta sa bantog na babylan noon. Pero ayon kay ka Manuel ay alam niyang hindi sila basta-basta makakaapak sa nasasakupang lupain ng babaylan, isa lang namang ordinaryong tao ito na kagaya nila ngunit marami ang nalalaman sa orasyon, sumpa, at mahika. Hindi raw ito nakikipagkaibigan kahit kanino, maliban na lamang kung maganda talaga ang intensyon mo sa kanya.

MAAGANG naghanda sina ka Manuel at dalawa niya pang kasamahan. Siyempre hindi raw sila basta lang naghanda kundi napaghandaan na rin nila ang kamatayan. Sa pagtapak pa lang nila sa lupain ng babaylan ay may sumalubong na agad sa kanilang malalaking aso na may tanikala sa mga leeg. Mababangis ang mga ito kaya kaagad na binunot ng kasamahan niya ang nag-iisa nilang pistol, pinaputukan ang isa, ngunit hindi tinamaan.

Kilabot ang naramdaman ng mga oras na iyon dahil malalakas ang mga asong iyon. Walang panlaban sa mga iyon kundi laman ng tao lamang. Ayon kay ka Manuel ay nakagawa siya ng masakit na desiyon upang malampasan lang ang mg aso. Tinaga niya ang isa mga kasamahan niya upang ipain sa mga aso, hindi na nagulat ang isa niya pang kasamahan dahil simula pa lang pag-alis nila ay napagusapan na nila ang pagsasakripisyo ng kanilang mga buhay.

Hindi nga sila nagkamali dahil nang ihagis nila ang duguang katawan ng kasamahan ay kaagad na nilantakan ito ng mga gutom na aso. Dali-dali silang umiskapo sa lugar na yun. Hanggang sa nakarating na nga sa mismong hinihinalang bahay ng babylan. Ang bahay na payak ay nakatindig sa malaking bato sa tabi ng malaking kahoy ng balete.

Ayon kay ka Manuel ay namangha sila sa kagandahan ng lugar, samo’t saring palamuti ang naka sabit sa mga sanga ng balete.

MAGMULA nga roon sa pintong kahoy ay bumungad sa kanila ang matandang nakasuot lamang ng pormal na damit. Normal na normal lang ang itsura nito hindi mo raw malalaman na babaylan ito. Iba kasi ang naiisip nila noong mga panahong iyon na ang istura ng babaylan ay mahaba ang buhok na nakasuot ng makalumang damit.

Tinitigan lang sila nito at pagkakuwa’y nagsalita na halatang paos ang boses.

Anong itinatayo-tayo ninyo riyan? Halina na kayo at pumasok na’t baka maabutan pa kayo ng mga aso kong gutom. Nasa malayo pa lang kayo ay alam ko nang maganda naman ang hangarin ninyo sa pagpunta sa akin, isinakripisyo niyo pa ang isa ninyong kasamahan.”

Hindi na nga raw sila nagulat sa sinabi nito’t nahulaan pa nga ang ginawa nila. Nang makapasok na sila loob ay normal din ang kalooban ng bahay. Sinabi na nga nila ang talagang pakay nila. Naintindihan ito ng babaylan kaya may hiningi ito kay ka Manuel, ang kaniyang posporong dala.

Kaagad itong ibinigay ni ka Manuel, pagkatapos ay naghintay sila ng ilang oras.  Nang lumabas ang babaylan sa isang silid na sagrado ay muling ibinigay sa kaniya ang posporo subalit nagliliwanag ang mga liha nito sa tagiliran. Ang sabi ng babaylan ay matinding orasyon at dasal ang ibinasbas sa kaha ng posporo. Bawat kiskis ng palito sa mga liha nito ay maglalabas ito ng bagsik na liwanag na maaaring umanong makakagapi sa babala o kahit pa man sa mga nilalang na hindi nakikita.

PAGKATAPOS nilang magpasalamat sa babaylan ay binasbasan pa sila nito proteksyon sa mga alaga nitong aso. Tahak-tahak na nila ng daan pabalik sa kanila ngunit nauuliningan ni ka Manuel ang mga pumapagaspas sa himpapawid.

Inalerto niya ang kasamahan upang maging handa sa nakasunod na nilalang sa itaas. Hanggang sa may naaaninag silang mga aninong nagkukumpulan sa madilim na bahagi ng kagubatan na hindi natatamaan ng sinag ng buwan. Papalapit ito sa kanila kaya kaagad na binunot ang itak, nagimbal na nga araw sila ng mga oras na iyon sapagkat ang mga nilalang na iyon ay aswang!

Papatayin nila tayo ka Manuel!”

Hintakot na wika ng isa niyang kasamahan habang nakaamba sa papalapit na mga aswang. Kitang-kita ng mga mata nila ang mababagsik na anyo nito. Pero malakas na nagsalita si ka Manuel at tinanong ang mga aswang kung makakaintidi man.

Anong kailangan inyo sa amin? Wala kaming atraso sa inyo para harangin at nais lang namin nang tahimik na paglalakbay.”

Ngunit nang magsalita ang isa mga aswang ay nalaman nila ang pakay—'yon ay ang posporo. Ibigay raw sa kanila ang dapat na sa kanila ibinigay ng babaylan. Ngunit nagmatigas si ka Manuel dahil kung magandang ang intesyon nila ay ibinigay sa dapat sa kanila ang ninanais nilang makuha.

Nang oras na iyon ay nakipagbuno raw sila sa mga aswang. Ginamit ni ka Manuel ang posporong may agimat na binasbasan ng babaylan. Pagkakuwa’y kumaha siya ng apat na palito at mabilis na ikiniskis sa nagliliwanag nitong liha. Pagkasindi nga ng mga palito ay naglabas ito ng mga nakaksilaw na liwanag, halos masunog ang mga balat ng aswang, eksaktong nasa harapan na nila ang mga aswang dahil nauna itong sumugod. Segundo lang ang pagitan ng pagtaga sa mga ulo ng aswang at kaaagad na bumalik sa anyong tao ang mga ito pero wala nang buhay.

Nalagpasan nila ang mga aswang subalit ang kasamahan ni ka Manuel ay nanghihina na dahil sa mga matutulis na kamay na bumaon sa dibdib nito habang nakikipagbuno sila sa mga aswang. Papasikat na ang araw ng mga oras na iyon hanggang sa nawalan na ng hininga ang kasamahan niya. 

Napagtanto na lang ni ka Manuel na kahit may agimat na magpoprotekta laban sa mga ito ay kinakailangan pa rin ng dobleng pag-iingat dahil ang agimat ay nakabase lamang sa tiyempo ng paggamit nito.

NAKAUWI ng matiwasay si ka Manuel na dala-dala ang bangkay ng kasamahan. Ikuwento niya ang mga nangyari sa daan, pero kahit papaano ay natutuwa ang mga kababaryo niya dahil sa magandang idinulot ng pagpunta nila sa lupain ng babaylan.

Ang mga sumunod na pagpapakita ng kabaong ay hindi na agad ito umobra dahil iyon sa agimat ng posporo. Magpahanggang ngayon ay naroroon pa rin ang posporong akin namang nakita na, dahil ipinakita sa akin mimso ni ka Manuel.

-xsaw

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon