provincial bus

2 0 0
                                    

3 years ago, pauwi kami ng Bicol ng sister ko dahil aabay kami sa kasal ng cousin ko.

8pm ang alis ng bus sa Cubao at 7pm pa lang noon nang nagdecide kami ng kapatid ko na bumaba para bumili ng mga snacks para hindi kami gutumin sa byahe.

Pagtayo ko sa bus seat namin, napansin ko yung babae sa katapat na upuan namin. Nakaupo lang siya at medyo nakayuko. Medyo kupasin na grey yung kulay ng suot niya at nakaupo siya sa pang-tatluhang upuan katapat namin. Nandun siya sa bandang bintana. Wala siyang katabi kundi puro bag na bagahe.

Medyo hindi ganon kapuno yung bus dahil hindi naman bakasyon at kukonti ang umuuwi na pasahero. Pagkabili namin ng kapatid ko, sinabi ko sa kanya na mauna na sa bus at dadaan pa ako ng cr.

Nasa dulong cubicle ako nang may narinig akong boses. Medyo mahina. Sinundan ng halakhak.
Pagkalabas ko ng cr, nakita kong nakatayo sa labas yung babaeng pasahero sa tapat naming upuan. Pumasok siya sa cubicle na pinanggalingan ko tapos pakalabog niyang tinulak yung pinto. Humahalakhak siya sa loob.

Naweirdohan ako sa kanya kasi open naman yung dalawang cubicle bago yung dulo pero hinantay niya pa akong lumabas para doon magbanyo. Pero umakyat na lang ako ng bus.

8pm na at paalis na yung bus pero hindi ko pa napapansin na bumalik yung babae sa tapat ko. Makikita ko siya dahil sa aisle lang naman ako banda nakaupo at yung kapatid ko sa bintana, 2 seater yung upuan namin.

Dumaan yung konduktor at tinanong niya kung may kulang pa ba. Sasabihin ko na sana na yung katapat kong pasahero hindi pa nakakabalik, pero paglagpas ng konduktor sa harap ko nakita kong nakaupo na yung babae. Ang pinagtataka ko, hindi naman siya dumaan sa tapat. Hindi ko lang ba siya napansin?

Nakatulog na ko sa byahe sa antok. Nagising ako ng nasa Sariaya na kami at yun ang first stop over ng bus. Ginigising ako ng kapatid ko para bumaba daw kami at kumain. After almost an hour, lahat kaming pasahero ay nasa bus na at sumisigaw na ulit yung konduktor kung lahat daw ba ay nasa bus na.

Napansin kong wala ulit yung babae. So sinabi ko sa konduktor na wala pa yung katapat naming pasahero. Nagtataka yung konduktor at tinatanong kung sigurado daw ba ako dahil wala daw nakaupo sa tapat namin. Pero nakipagtalo pa ko at sinabing meron.

Sabi ng konduktor, "Ma'am, wala pong nakaupo dyan, bagahe lang po ng pasahero sa unahan ang nandyan."

Makikipagtalo pa sana ko nang sabihin ng kapatid ko na wala daw talaga siyang napansin na tao sa tapat ng upuan namin. Pinagtitinginan na ako ng ibang pasahero. Ayokong magpanic sila kaya tumahimik na lang ako. Medyo nakaramdam na ko ng takot kaya nagdasal ako.

Mayamaya nagpatay na ng ilaw yung bus. Dim lang yung light dahil tulog ang mga pasahero. Ako din bumigat na yung talukap ng mata ko pero natatakot talaga ako. Gising naman yung kapatid ko so natulog ako.

Medyo mahimbing na yung tulog ko nang may marinig akong humahalakhak. Lumingon ako sa paligid pero tulog mga pasahero. Tiningnan ko yung kapatid ko pero ang sarap ng tulog.

Sa labas ng bintana, kitang kita ko yung babaeng pasahero na nakalutang habang tumatawa, tinuturo niya ko.

Closed yung bintana pero rinig na rinig ko yung halakhak niya. Hanggang lalo siyang lumalapit at dinidikit niya yung mukha niya sa bintana. Galit yung tingin niya. Nanlilisik yung mata niya habang kinakalampag yung bintana ng bus.

Hindi ako makasigaw pero niyuyugyog ko na yung kapatid ko para magising. Nung nagising siya, dun na ako humikbi ng iyak sa takot. Napapaligiran na ko ng mga pasahero pero tuloy pa din takbo ng bus. Pati si kuya konduktor, nag-uusisa na din.

Nagkukwento ako nang biglang kumurap lahat ng ilaw. Nagsimula na naman yung halakhak. Mayamaya yung tono ng boses ay parang galit na galit. Nagsasalita ng pasigaw at hindi maintindihan ang sinasabi. This time, rinig na ng lahat.

Nagkukumpulan lahat ng pasahero sakin sa gitnang bahagi ng bus ng sumigaw yung driver sabay hinto na halos ikabuwal naming lahat. Tapos umandar ulit. Medyo mabilis yung pagpapatakbo ng driver at halatang may iniiwasan. Nakarinig kami ng malakas na tunog at nabasag yung bintana ng driver's side.

Tumakbo yung konduktor sa driver at sinabi ng driver na may babae daw siyang nilagpasan na pilit pumapara. Nakita daw niya itong galit ang mukha sa bintana niya habang nakalutang at sinabing huminto. Pero binilisan niya dahilan para magalit ito. Dirediretso pa din si driver habang nagdadasal lahat ng pasahero.

Hanggang nakarating kami ng Naga at pasikat na nun ang araw. Sure ako wala ng natulog sa aming mga pasahero. Natatakot pa din ako kapag naaalala ko.

Sabi ni kuyang konduktor, may narinig na din siyang kwento tungkol dun sa pasahero na misteryosong sumasabay sa mga provincial bus pero di daw siya naniwala.

Sa palagay niya rin, yun raw ang pinakamalala.

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon