So here it goes.. Since bihira kami mag bonding ng aking mudrakels eh nagkatuwaan kaming mag inuman.. At first kwentuhan lang about sa life and so on, hanggang nakarating kami sa dreams and interpretations..
Marami silang nakwento ng friend nya pero yung isang storya nya ang pinaka pumukaw ng atensyon ko..
Nung mga panahong dalaga pa daw sya, nagttrabaho daw sya noon bilang isang baby sitter. Since tulog yung baby, sinabayan nya rin daw ng tulog sa room.. (nasa pangalawang palapag sila ng bahay) Nag umpisa ang panaginip nya sa isang patayan, tumatakbo daw ng tumatakbo si mama ngunit hinahabol parin sya ng pulis sa kadahilanang sya raw ay nakapatay. Sa kanyang pag takbo ay naabutan sya ng isa sa mga ito at sa kasamaang palad ay nabaril daw sya sa ulo. Ramdam ni mama ang sakit at pag bagsak nya sa lupa habang malayang dumadaloy ang malapot na dugo mula sa kanyang ulo.. Unti unting nanlalabo ang kanyang paningin at ang kanyang huling nasaksihan ay ang mga pulis na nagkakagulo.
Napadilat si mama ng maramdaman nyang humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawang lupa. Paakyat ito ng paakyat sa langit ngunit natatanaw nya parin ang nangyayari sa kanyang katawang lupa..
Nang makalampas ang kaluluwa ni mama sa makapal na ulap ay may nakita syang isang nakakasilaw na liwanag. Nakita nya rito ang isang simbahang yari sa kahoy. Nagulat si mama dahil inisip nya lang na gusto nyang pumasok dito ngunit ang kanyang kaluluwa na nakalutang ay unti unting pumasok sa loob nito. Sinalubong sya ng isang matandang lalaki na nakasuot ng puting damit hanggang tsinelas nito. (kagaya sa sinaunang panahon) "Halika, tumuloy ka rito.." batid nito. Walang alangang sumunod daw si mama dito.
Pagkapasok nya ay nakita nya ang bawat upuan ng simbahan na may nakatirik na tig iisang kandila. Pinalapit sya ng lalaki sa unahan, "Nakikita mo ba itong kandila na ito?" tanong ng lalaki. Napatingin si mama sa isang kandilang may kahabaan at saktong lapad sabay ibinalik ang tingin sa lalaki ng walang ibinibigkas ni isang salita. "Iyan ang iyong kandila. Hindi mo pa oras sapagkat masyadong pa itong mahaba. Matagal pa ang iyong panahon.. Bawat isang patak nito ay isang taon ang katumbas." batid ng lalaki. Hinatid ng lalaki si mama palabas ng simbahan at sa kanyang paglabas, nakita nya ang isang malawak na lugar kung saan ay puro masasayang bata ang naglalaro at nagtatakbuhan. Sa kabilang dako, sa itaas na bahagi nito ay mayroong isang mistulang terrace na may nakaupong isang babaeng mukhang madre. Umakyat daw si mama sa hagdang kanyang nakita at umupo sa tabi ng babae. Nginitian sya nito sabay sabing, "Ikaw sana yung una, kaso nakapatay ka. Dalawa sana kayo kaso nakapatay ka.. Hindi kapa dapat nandito.." kasabay nito ay may pinindot ang babae sa kanyang tabi at nakaramdam si mama ng para syang nalalaglag.
Pagka dilat nya ng kanyang mga mata, ang batang kanyang binabantayan ay nasa dulo na ng hagdan. (malapit na malalaglag) magkahalong kaba at takot ang naramdaman ni mama. nagtataka si mama kung papano nito nabuksan yung harang at nakalabas ito
-shAphrodite<3
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...