Apartment sa 2nd floor

3 0 0
                                    

1990's.
Nagdecide si mama magrent ng apartment na malapit lang sa work niya na anytime pwede siya umuwi o kapag OT walang problema sa sasakyan. Pumayag naman si papa na bf niya palang nung panahon na yun. Minsan lang bumisita si papa kaya most of the time mag isa lang talaga si mama don. Di pa uso ata cp noon kaya ang communication nila through letter. Kapag pupunta si papa na di sila nag papang abot. mag iiwan na lang ng letter,para alam niya na pumunta doon.

Tuwang tuwa si mama sa bahay kasi sobrang laki daw saka mura pa.Mas ramdam mo yung laki niya kasi walang partision. Walang kwarto. Napapaligiran ng bintana, iisa lang ang pinto kung saan ka pumasok doon ka din lalabas. May queen size bed saka malaking cabinet.

First night, normal naman lahat pasok sa work, pag uwi higa tulog agad.
Few weeks after doon na nagstart.
OT tinamad na siya umuwi kasi halos 1am na din kaya doon na lang siya umidlip sa shop (mananahi siya) So, sympre walang tao sa bahay. Kinabukasan pag uwi niya kinausap siya ng matanda na nag rerenta sa first floor si Tess

Tess: Oh neng? Kauwi mo lang ba?

Mama: Oo te, OT kagabi kaya doon na lang ako umidlip sa shop.

Tess: Ha? Akala ko umuwi ka, may naglakad sa hagdan ah. Malakas yung tapak kaya nagising ako, lumabas ako para pakiusapan ka sana na dahan dahan lang paglakad (Kahoy kasi yung hagdan pati buong bahay kaya rinig na rinig) kaso nakapasok kana kaya sabi ko bukas na lang kita kausapin.

Mama: Hindi ako umuwi te, kadating ko lang ngayon. Baka si Yoy (Si papa) tanungin ko maya kung pumunta siya kagabi.

Nagpaalam na si mama at umakyat na nag iisip. Nag iwan siya ng letter tinanong kung pumunta si papa kagabi pero ang sabi hindi daw.

OT na naman , pero umuwi siya
11pm,sa sobrang pagod nahiga na agad pinakiramdaman niya paligid kasi feeling niya may kasama siya nang bigla lumubog yung foam, yung tipong kapag may uupo o hihiga lumulubog ng konti ganun daw.

Umaga na naalimpungatan siya, 6am kasi bigla niya narinig yung lagitnit ng cabinet yung tunog na binuksan tapos parang may hinahanap na damit pero pagtingin niya sarado naman so deadma na lang. Maya maya daw may naamoy siya na sabon sobrang bango daw. Nagtaka siya di naman ganun sabon niya inisip niya na lang baka sa baba o sa kabilang bahay. Maya maya na naman cologne na yung naamoy niya...

Nung gabing yun maaga siya nakauwi 9pm habang kumakain siya nakaamoy siya ng yosi doon na siya natakot kasi nakasara lahat ng bintana saan mang gagaling yun?
Naulit nang naulit ang ganung eksena 6am maririnig niya yung cabinet maamoy yung sabon, cologne tapos sa gabi yosi naman.
Inisip niya na may mali na. Kasi parang daily routine daw kapag papasok sa work tapos yung yosi kapag matutulog na ganun daw.

Day off nasa labas siya kwentuhan sa mga kapitbahay nang bigla daw siya tanungin ni Ate beth.

Beth: Neng kamusta ka naman jan?

Mama: Ok naman te.( Di na kiniwento ni mama mga nararamdaman niya sa loob kasi tamad naman daw sya magkwento sa ibang tao)

Beth: Buti tumagal ka jan mag isa, eh minsan lang pumunta bf mo ah di kaba natatakot?

Mama: Di naman po bakit te?

Beth: Di ba nasabi sayo ni Amy? (Landlady)

Mama: Ang alin po?

Napansin ni mama na nakatingin lahat  kay beth na umiiling iling yung parang sinasabi na wag sasabihin pero mapilit si mama kaya nasabi na rin.

Beth: May namatay na jan.

Di pinahalata ni mama na natatakot siya kaya sinabihan niya na lang na Patay naman na sila mas nakakatakot ang buhay.

Pero takot talaga siya deep inside. Kaya pinakiusapan niya yung multo na wag na siya tatakutin kasi lagi siya mag isa. Instead bantayan na lang siya ilayo daw sa kapahamakan.

Kapag mag start na yung daily routine kinakausap niya na "Oh papasok na naman ah"  Way niya daw yun para di siya matakot, pero nalaman niya ky Lola na masama daw yun kasi parang mas hinihikayat mo sila na mag stay. Sa sobrang curious ni mama kinausap niya yung landlady tinanong kung ano ang nangyari sa bahay kasi sinabi niya ngpaparamdam sakanya. Nagdalawang isip pa si ate Amy kasi sympre baka matakot umalis sayang din ang renta kung magkataon. Pero pinilit na naman ni mama kaya ngkwento na, ganito daw ang nangyari.

May 3 nangupahan dati, mag asawa yung isa kapatid ng lalaki.Sina Ruth, Ed (mag asawa) tapos si George(yung kapatid ni Ed)

One time nakipag inuman si George sa kapitbahay pero nagkapikunan at nagkagulo daw binantaan ni George yung ka away na babalikan. Sa sobrang lasing di umuwi si George at sa ibang lugar daw nagpahimasmas. Nagulat na lang sina Ed at Ruth bigla sumugod yung kaaway ni George sa bahay nila may dalang samurai. Sa taranta ni Ed bigla daw sinara yung pinto tapos hinarang niya patalikod tapos ngsisigaw na lang siya na wala doon yung kapatid niya, di naniniwala yung lalaki pilit binubuksan yung pinto nang di nabuksan tinaga ng samurai yung pinto. Tumagos kay Ed kaya napadapa na lang. Nakita ng lalaki na duguan na si Ed kasi plywood lang naman yung pinto kaya nabutas. Nagtatakbo na daw to . Nakagapang pa si Ed pero namatay na rin daw. Si Ruth natataranta di makalabas kasi nandun yung asawa niya nakadapa, sa takot nagiiyak na lang. Nagkagulo daw tapos  dumating si George nung nabalitaan niya na tinaga yung kapatid niya. Hinanap pa niya yung lalaki pero tumakas na daw agad agad.

Si George na ang sumalo ng responsibilidad ni Ed na magiging tatay na sana.
Siya na lang ang nag alaga sa mag ina kasi alam niya na kasalanan niya lahat. Di nagtagal umalis na din daw sa bahay kasi nagsimula ng magparamdam si Ed.

Umalis na din si mama, a month after kasi may nakaaway din daw si papa sa takot na mangyari ulit yung nangyari kay Ed umalis na lang din sila.

-Tan
2019

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon