"ANG BAHAY NA BINA-BANTAYAN NI KUYA BERT"lumipas ang isang linggo muli, kaming nagkita-kita sa bahay nila kuya tor.( Tagpuan namin)
nag kamustahan at kwentohan, mga ilang oras pa ay nag'yaya si kuya bert sa bina-bantayan nya'ng bahay sa "tagaytay" (happy happy since may perang kaunti at maka'langhap na rin daw kami ng sariwang hangin)gamit ang sasakyan, na owner ni kuya ar ay tumungo na kami papuntang tagaytay. hindi naman ganun kasi ka'layo ito sa amin.
ff.
narating namin ang bahay nila kuya bert, alas dos na ng hapon. katulad ng dati malamig dito dahil marami, rin tanim na puno sa loob ng bakuran "PINETREE’s (tama po ba ako spelling? )pag pasok pa lang sa gate ay, nakaramdam na ko ng kakaiba malaki ang bahay, at detalydo ang bawa't parte nito. itsurang bahay ng hapon, dahil sa may patulis sa bubungan nito.
ff.
dumertso kami sa likod ng malaking bahay, dahil nandito ang kwarto ni kuya bert. (hiwalay sya sa malaking bahay), may kalakihan ang kwarto nya kumpleto din ito sa gamit.
may kubo'kubo sa labas ng bahay at may hagdan, na papunta sa baba sa may taniman nya ng LETTUCE.malawak rin ang bakuran sa likod bahay. napansin namin ni tacker, ang isa pang bahay mga limam'pung hakbang sa kinatatayuan, ng kwarto ni kuya bert, halos matakpan na ang bahay ng mga talahib at mga sari saring, damo wala na itong bubong, kita namin iyon dahil mas mataas ang pwesto namin.
umalis sila kuya bert, kuya tor at driver naman nila si kuya ar.
para bumili ng ulam at pagkain,
nag paiwan si kuya tas at ganun din kami ni tacker, since matagal na mag kasama, si kuya bert at kuya tas ay, alam na nito ang pasiko't sikot ng lugar. nag paalam kami ni tacker na libutin, ang labas ng malaking bahay, pumayag naman si kuya tas.nilibot namin ang gilid ng bahay may pinto ito sa likod katapat ng kwarto ni kuya bert. puro alikabok na ang mga salamin nito, patuloy kami sa pag lakad lakad ng marating, namin ang harapan ng bahay.
niyaya ko si tacker na sumilip sa pinto nito, (pintuan nya ay sina'una kahoy at may mga disenyong salamin na kwadrado)naka lock ang pinto pero, makikita mo ang loob dahil narin sa mga salamin na disenyo ng pinto nito. sumilip kami ni tacker at normal naman ang loob, medyo madilim pero aninag mo ang mga puting kumot na marahil ito ang nag'sisilbing balot sa mga gamit sa loob gaya ng mga upuan. hanggang
sa kami'y biglang mapaatras ni tacker sa aming nakita. may kung anong nilalang ang mabilis tumakbo sa loob ng bahay, "nakita mo yun?? tanong ni tacker sa akin oo nakita ko, sagot ko. parang isang malaking pusa. sagot naman ni tacker "ako'y nagtaka at tinanong ko si tacker "paano magkaka'pusa sa loob eh saradong sarado ang buon bahay, maging mga bintana nito??dahil na rin sa pag'tataka namin ay nag lakas loob kami na silipin muli ang loob ng bahay. sa muli namin pag silip dito ay nabalot kami ng takot, nginig, kaba nanlaki ang ulo ko tumayo lahat ng balahibo. kitang kita namin dalawa ang nilalang. naka'pwesto ito sa ibabaw ng kumot na nakabalot sa gamit ng bahay. itsura syang bata na dalawang taon, maitim sya at mahaba ang tenga (pero hindi ako sigurado kung tenga ba iyon oh sungay) nakatingin ito samin.
na stun kami sa aming nakita parehas kami ni tacker na hindi makapag salita, nanlaki ang mata ko at parang sasabog, ang aking ulo nangingig ako sa takot. buti na lang at dumating si kuya tas.di parin kami maka'paniwala sa aming nakita agad kami bumalik sa kwarto ni kuya bert, kasama si kuya tas. tinanong nya kami kung nakita namin,
ang nilalang. sabay kami ni tacker tumingin kay kuya tas.
duon nya na sya nag umpisa mag kwento.( si bert ay mang'gagamot nuon sa probinsya. may asawa ito ngunit hindi, sila mabiyayaan ng anak. isang hapon umalis daw si kuya bert para pumunta sa nayon upang gamutin ang isang matanda. hindi na daw kasi maka punta ang matanda, sa bahay ni kuya bert. nakauwi daw si kuya bert ay mag aalas otso na ng gabi,
nang marating ni kuya bert. ang bahay nya tumambad sa kanya, ang katawan ng asawa na wala ng buhay. wala ng saplot ang katawan nito,binurol ang kanyang asawa, maraming nakiramay kay kuya bert, dahil nga mabait at matulungin at marami, na rin syang na pagaling na may sakit sa lugar nila, at saksi si kuya tas dito.
walang gabi daw na hindi umiyak si kuya bert, sa harap ng kabaong ng kanyang asawa. paulit ulit din daw nito sina'sambit ang mga katagang" SINUSUMPA KO MAMATAY DIN ANG GUMAWA NITO SAYO"isang gabi pag katapos daw, ng libing ng asawa ni kuya bert. napansin ni kuya tas, si kuya bert ay may kung anong ginagawa sa bahay nya( sa probinsya) may mga kandila daw at tila ba nag dadasal ito nakaluhod. ( yung nakahalik sa sahig ganun.)
pinag kalulo na ni bert, ang sarili nya sa demenyo. maipag higanti lang ang asawa, nito'ng namatay. ang nakita nyo sa loob ay hindi basta lamang lupa, oh kung anu man nilalang.
lalo akong natakot at kinabahan sa mga kinuwento, ni kuya tas, samin halos ayoko na rin lumabas ng kwarto ni kuya bert, ganun din si tacker.
maya maya pa ay dumating na sila kuya bert. marami silang dalang pag kain, at may dala din naman na konting inumin.(alak)nag umpisa na sila mag luto at mag ihaw, ihaw ng isda.
alas syete na ng gabi nakatambay kaming lahat sa kubo sa labas, nag sashot ng kaunti. masaya kami kwentuhan, nakita ko ang ngiti, ni kuya bert bakas sa mukha nito ang kasiyahan. ngunit sa loob nya ay, pag dudusa naawawa ako sa kanya. dahil anu mang oras pwede na syang kuhanin nito.
ilang oras pa ay natapos na ang inuman, since di naman ako masyado uminom.
ako, si kuya bert at kuya tas ang hindi gaanong lasing, ang iba, nakatulog na sa kubo
at si kuya bert, ako at si tas ay pumasok na sa kwarto.sa di inaasahan kahit na anong pikit ng mata ko, hindi ako makatulog. naalala ko ang kwento ni kuya tas at ang nilalang, na nakita ko sana ay nag paka lasing na lang ako ng sa ganon naktulog agad ako katulad ni tacker sambit ko saking isipan.
mag katabi kami ni kuya tas, sa (foam) habang si kuya bert sa sofa, nakahiga. katapat namin ilang minuto pa naramdaman ko na tumayo si kuya bert, dahan dahan nya binuksan ang pinto.at lumabas ito tinignan ko ang oras, sa aking cellphone. limang minuto na lang at mag aalas dose na. ilang minuto pa at alas dose na nga, hindi pa rin bumabalik si kuya bert. (kung umihi sya ay dapat naka balik na sya, ang cr kasi ay pag labas lang ng kwarto nya sa may kaliwa).
bumangon ako sa aking higaan at nag isip kung pupuntahan ko ba sya sa labas, inisip ko baka hindi rin sya makatulog. at kahit na takot ako lumabas ako dahan dahan, nakalabas ako pero wala sya duon (tanaw kasi agad ang kubo pag labas mo ng pinto) lumakad ako ng kaunti at lumingon lingon tanging ilaw, lang ng ng poste ng pader ang ang nakikita, lumingon ako sa malaking bahay. nakita ko ang liwanag liwanag ng KANDILA. nakita ko rin mula sa kinatatayuan ko ang bintana at ang anino " anino ang isa ay kay kuya bert at ang isa ay alam nyo na kung kanino!
nabalot nanaman ako ng takot at nginig muntikan pa ko mapa sigaw ng may humawak sa balikat ko si kuya tas, mahiga kana Spaide wika nito sa akin. halos di ko maigalaw ang mga paa ko at katawan, hinawakan ako ni kuya tas at pinasok na ko sa loob ng kwarto.
bukas ko na sasabihin, wika nito sa akin nahiga ako at nag talukbong ng kumot. takot na takot ako at nanginginig,
hanggang di ko namalayan ay umaga naalas sais na ng umaga mag isa ko sa kwarto, agad akong lumabas at nakita ko si kuya tas, nakaupo sa kubo tinawag nya ko para maka pag kape. habang nag kakape kaming dalawa tinanong ko sya " nasaan sila?? kuya tas?" naku kanina pa sila pumunta ng palengke sariwa kasi ang karne ng baka dito kapag madaling araw ka, pumunta ng palengke. sagot nito sa akin,
"silang lahat?
oo sumama din si tacker para makapasyal. di ka na ginising sarap kasi ng tulog mo kanina.
nang bigla ko maalala ang mga nangyari kagabi, tinanong ko agad si kuya tas sa mga nakita ko.oo totoo nakita mo spaide, tuwing hating gabi nag dadasal si kuya bert mo dinadasalan nya ang kanyang anti'ng anting
(agimat) pinapakain nya ito sa tuwing sa sapit ang alas dose.
medyo nalinawan nako sa mga nangyayari, ngunit akoy takot pa rin halos ayoko pumunta malapit sa, malaking bahay.maya maya pa ay dumating na nga sila. may dalang karne ng "baka" ang aking paborito.nag umpisa na sila mag luto. habang nag luluto ay, nag salita si kuya bert. mamaya pareng tor, puntahan natin yung sirang bahay duon sa may taniman ng "LETTUCE” may ipapakita ako sa inyo."wika nito sa amin.
-Spaide
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
AléatoireIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...