"Marites"

3 0 0
                                    

"Marites"

Dec.2021

Ishare ko lang itong naalala kong naging problema ng isang lumapit sakin.

Tawagin natin siyang Ate Norma. Isang labandera.

Pinakita nya sakin ang kanyang nag-nananang paa. Hindi nya alam kung saan nya daw ito nakuha.

Dahil sa perwisyong bigay nito, tumigil na siya sa pagtatrabaho.

Di naman daw siya diabetic kaya napapaisip siya kung bakit di ito gumagaling, halos isang taon na.

Tuluyan na kasing kumalat ang sugat sa buo nyang paa. Kaya pinakuha ko siya ng isang baldeng may tubig.

Pinapicturan ko iyon sa kanya at hinipan ng dasal. Saka ko siya pinaghugas gamit ang tubig na iyon.

Tinanong nya kung saan nya daw nakuha ang mga sugat na iyon.

"Isang matandang babae na malaki ang mata ang nagbigay sa iyo ng sakit na yan. Medyo mataba ito at may kakayahan sa itim na salamangka."

Mayamaya, may sinend siyang  larawan.

"Ito ba, ma'am?" aniya.

"Oo siya nga!" wika ko habang pinagmamasdan ang lumang larawan na kuha pa sa makalumang camera.

"Kilala na talaga siya ma'am na mangkukulam, pero di ako naniniwala. Dati po kaming nakatira sa paupahan nya at nagkasagutan kami. Ang akala ko nga po ay dahil lang ito sa mga kinakain ko. Di ko akalain na magagawa yan ni Aling Delia." paliwanag ni Aling Norma.

"Wag po kayong mag alala dahil gagaling na kayo." wika ko sa kawawang ginang.

"Ma'am may ipapasilip pa po sana ako. Para kasing mabigat itong bago naming inuupahan. Pwede mo ba tingnan?".

Vinideo nya at may nahagip ang aking paningin.

"May kapre sa bahay nyo. Mapuno ba diyan sa likod?"

"Opo, mapuno sa likod namin! May malapit din kasing ilog."

Tinuruan ko siya ng dapat nyang gawin. Pinabalik ko siya dun kay Aling Delia upang makipagbati.

Naichismis daw kasi siya nito dahil sa may iniwan silang bayarin sa bahay na kanilang inupahan. Inayos na nya rin na daw ang bayarin dahil alam nyang may mali din siya.

Sa ngayon, magaling na si Ate.

- Yam.

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon