"ANG SIKRETO NG SIRA'NG BAHAY"
may nabanggit ako na sira'ng bahay sa likod ng bahay na binabantayan ni kuya bert.
ito ay luma na at sa labas ay halos matakpan na ito ng matataas na talahib at damo, mga limam'pung hakbang mula sa kwarto ni kuya bert ang layo nito. pero matatanaw mo dahil sa mababa ang lupa'ng kinatatayuan nito at mataas naman ang kinatatayuan ng kwarto ni kuya bert,natapos sila magluto at mga alas dose emedya ay natapos naman kami'ng kumain, ng kami'y makapag'pahinga ay sinabihan ni kami ni kuya bert na may ipapakita sa amin yun nga ay ang "SIRA'NG BAHAY" sa ibaba ng taniman ng (letsugas o LETTUCE)
ala una na ng kami ay maglakad papunta sa nasabing bahay,
sa labas ay matalahib at marami rin damo at baging. pero sa loob hindi gaano ma damo
luma na ito at wala ng bubong, wala na rin mga bintana at pinto, sira na tanging haligi at pader na lamang nito ang natitira'ng nakatayo.
hindi naman sya ganun kalaki may dalawang kwarto at isang cr sa loob, inikot ko ang bahay at sa likod bahay ay napansin ko ang malaking puno ng "BALETE" kaya agad akong nangilabot at mabilis na pumasok sa loob, sa isang kwarto ay busy ang aking mga kasama kaya't agad ko itong pinuntahan. napansin ko ang ang yero sa sahig at pinag tutulungan nila itong alisin, napansin ko din ang mga plastic na pvc pipe na dekwatro ang taba, na nakabaon sa mismong kwarto.
nilibot ko pa ang aking paningin at nakita ko ang iba pang mga gamit tulad na (exhaust fan) may mga lubid din mga gasmask madali't salita mga gamit sa pag huhukay.nang matanggal na nila ang yero tumambad sa amin ang kwadradong butas, mga 9'feet ang lalim at pag baba ay may butas ito papasok na kasya ang 6'Footer na tao. bago kami bumaba ay ikinabit ni kuya bert ang mga exhaust'fan sa dulo ng mga pvc pipe.( sinet up nya inoon na rin nya ang ilaw may extention wire simula kwarto nya hanggang sirang bahay)
katulad ng dati dasal muna bago pumasok, isa isa kaming bumaba at ako ang kahulihan pag baba namin ay may banker malawak ang loob ng hukay para bang hide'out ng mga hapon nung mapasok pa namin ay halos iba ang amoy, amoy malansa sinundan ko sila halos malula ako sa loob ng makita ko ang 40'feet na hukay maliwanag naman ang pababa dito dahil may wire ito hanggang baba at sa bawat 5'feet may bombilyang nakakabit sa wire.
ilang minuto ay lumabas kami dahil bigla na lang namatay ang mga ilaw sa loob (katakot yun) pag labas namin ay tignan ni kuya bert at tas ang wire at socket nito, nakabunot ang plug nito sa di malaman dahilan, samantalang kaming lahat ay na sa loob ng hukay.
bumalik si kuya bert sa kwarto nya at pag balik nya samin ay may dala itong mga 'head flash'light. pinlug ulit nya ang socket ng ilaw at nag salita " sino ang maiiwan sainyo dito sa taas at mag bantay?? tanong nito saamin.
hindi ako maiiwan dito sagot ko agad ayaw din ni tacker, si kuya ar ay electrician at si kuya tas naman e nakababa nuon sa butas, ay sila na lang daw ang maiiwan.
dahil gusto nga ipakita ni kuya bert kay kuya tor ang nasa ilalim nito kaya kaming apat ang bababa dito, at si kuya ar at kuya tas ang maiiwan nagdala na din kami ng gasmask.bumaba na kami sa hukay (kabado nako) nasa banker kami nang mag tanong si kuya bert sasama ba kayong dalawa sa pinaka baba nito? tanong samin dalawa ni tacker. ayoko maiwan ay ganun din si tacker may hagdan pababa gawa ito sa lubid at kahoy.
bumababa na nga kami sa lalim na 40'feet medyo takot nako kahit may ilaw at hangin na nangagaling sa mga exhaust'fan na dumadaloy sa pvc pipe, pero hindi ito sapat para sa akin.
nang marating namin ang baba ay may butas ulit ito na kasya pa rin ang 6'feet na tao pinasok ulit namin at ganun uli may banker, at may hukay ulit na 30'feet ang lalim, napansin ko agad ang ibang mga gamit mga gasmask at may mga "piko at maliliit na bareta or taktak kung tawagin mga gamit panghukay.
may mga lupa din nasa sako at
gloves sa banker. takot na ko ng mga oras na yun pero nilaksan ko na lang ang loob ko.tinanong ko si kuya bert kung hanggang saan pa kami medyo hirap na din kasi ako huminga ng mga oras na yun ganun din si tacker. hanggang sa huling banker isang banker na lang naman sagot nito saamin. bumaba ulit kami sa 30'feet at dun na nag papatay sindi ang mga ilaw nag uumpisa na rin ako mangilabot kasabay ang panlalaki ng aking ulo at pag tayo ng aking mga balahibo, bumibilis na ang tibok ng dibdib ko.
nandun na kami at sayang naman kung babalik...
pag dating namin sa baba ay naamoy ko agad ang sobrang lansa halos maduwal ako malansa talaga, agad namin tinungo ang banker may 2 exhaust'fan ito at agad pinlug ni kuya bert ito sa socket, dahil hirap narin kami sa pag hinga sa loob kahit na may exhaust'fan, agad ipinakit ni kuya bert ang aming pakay sa loob, kinuha nya ang isang (taktak) sa gilid at itinuktok ito sa kinatatayuan namin ngunit hindi man lamang ito bumaon.
tama kayo( isa itong flooring ng kung saan sinasabi ni kuya bert na ito ang kayamanan) ngunit ang pumukaw ng atensyon ko ay ang mga buto, ( buto ng tao at may bungo) sa isang gilid ng banker may ilan rin mga bato kinuha si kuya bert bato na sin laki ng kamao, halos basa basa din ang lupa. at malansa talaga ang amo'y dahil di ko na talaga kaya hirap na ko huminga ay sinabihan ko na si kuya bert na umahon na kami, kaya nag umpisa na kami umakyat pabalik sa taas.
habang paakyat kami ay may kung anung hangin na bumababa sa amin ramdam ko yun at alam kong naramdaman din nila kasabay nuon ay ang pag patay sindi ulit ng ilaw, kahit na hirap na kami huminga at balot na rin ng kaba ay nag madali kami paakyat hanggang marating namin ang pangalawang banker, nag pahinga kami sandali. lumipas ang isang minuto at kami'y nag si pag tayuan na para maka akyat muli.
di ko sinasadya mapa tingin sa baba halos muntik ako matumba sa nakita ko mga mata at animo'y paakyat din sa kinatatayuan namin.
buti na lang at agad naman ako naalalayan ni kuya tor, nag madali kami makalabas at pag labas namin ay halos mahimatay ako sa kakulangan ng hangin, hinahabol ko na ang aking hininga at ang paningin ko ay unti unti nag dilim.nakita ko andaming kayamanan ginto alahas may mga bara pa (gold bar) sobrang dami masayang masaya daw ako na hinahawakan ang mga ito. nang mapansin ko ang isang kakaibang imahe ng ginto ( mukha ng kambing na may mahabang sungay) dahilan upang akoy mapaatras at mapa upo, maya maya pa ay nag iba ang itsura ng mga ginto nag mistulang mga taong walang ulo ang iba'y naging ahas takot na takot ako nun kaya akoy napa pikit at nag dasal.
maya maya pa ay may narinig akong mga boses pamilyar na mga boses at ng imulat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang pamilyar na lugar at pamilyar na mga mukha(ang aking mga kasama) at nasa loob na ko ng kwarto ni kuya bert nawalan pala talaga ko ng malay at lahat ay isang nakakatakot na panaginip.
bumangon ako sa pag kakahiga at pinainom nila ko ng tubig isang oras din pala akong nawalan ng malay. kinwento ko ang aking panaginip sa kanila,
tama ang iyong panaginip" spaide hindi basta basta ang mga bantay sa hukay sa SIRA'NG BAHAY matagal na namin hinukay yan ngunit pababa lang ng pababa ang kayamanan nung una ay nasa mababa lamang ito, yun yung (first banker) sumunod ay bumaba ulit sa pangalawang (banker) at ang huli ay sa kung saan tayo bumaba halos mag 80'feet na ang lalim ngunit ayaw itong ibigay sa amin marami kami dati nag hukay jan ang hukay ay tumawid na sa kabila ng bakuran ng bahay. ang iba ay nag kasakit at may kasama kaming isa na namatay, may mga kasama kasi kami ni tas noon na marumi ang isip gahaman wika nito sa amin.
maya maya pa ay kinuha nito ang ilang pirasong bato galing sa loob ng hukay, namangha ako sa mga bato kumikinang ito dahil sa mga parang glitters nito na kulay ginto, at yung na amoy kong malansa?? yun ay ang pinaglalagyan ng kayamanan.
-Spaide
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...