Mt. Cristobal

2 0 0
                                    

Mt. Cristobal  (The Devil's Mountain)

Dahil malapit na yung birthday ko. Nag usap usap kaming mag kakaibigan kung ano magiging plano. Dahil matagal ko ng pangarap makaakyat ng bundok kaya sinabi ko nag mag trekking nalang kami at ang Mt. cristobal ang napili namin. Hiningi ko kay mama yung pera na sana ipang hahanda at gagamitin ko nalang pang budget. Bali tatlo kaming mag kakaibigan si jake, brian at ako. . High school friends ko sila. Dahil mag kakaiba ang gusto naming kuning kurso sa college nag hiwa hiwalay kami pero kahit ganon hindi padin nawawala yung bonding namin kapag may free time. At masasabi ko na ito na ata yung pinaka the best na mang yayare sa birthday ko.

6 am nag umpisa na kaming mag asikaso ng mga dadalhin namin. Nahati kami sa tatlong grupo. At sa pangatlo kaming grupo mag kakaibigan at kami lang yung member. Yung guide namin ay doon na lumaki sa paanan ng mt cristobal. Kaya kabisado na niya ang bundok. Bago kami umakyat pinaalalahan niya kami na bawal mag ingay at huwag mag iwan ng kalat habang paakyat ng bundok. Dag dasal muna kami pagkatapos pumila na kaming lahat at nag handa sa pag akyat. Tinignan ko sila isat isat. Makikita mo sa kanila lahat excited maliba sakin. Dahil nung nasa byahe palang kame nag research na ako sa bundok para kahit papaano may background kami. Nagulat ako sa mga lumabas dahil kadikit sa pangalan ng mt cristobal ay devils mountain nag research pa ako about doon kung bakit siya tinawag na ganon. Kinilabutan ako sa mga nabasa ko. Kaya nag dalawang isip ako kung tutuloy kami o hindi. Pero dahil sa malapit na kami nonsense pa kung aatras pa kami.

Pumito na yung leader ng unang grupo at nag simula na kaming mag lakad. Habang nag lalakad kami paakyat nag salita yung leader namin na huwag kaming maingay at sundin lang ang utos niya makakababa kami ng ligtas. Napakunot ng noo yung mga kaibigan ko. Habang ako tahimik lang na nasa likod. Naalala ko na nmn yung nabasa ko. Mas pinili ko nalang maging positive na hindi sana samin mang yayari yung nabasa ko dahil especial yung araw na to at ayaw kong maging kill joy sa mga kaibigan ko. Habang naakyat kami hindi ko maiwasang mag palinga linga sa paligid dahil parang may mga kasunod kami. Yung pakiramdam na may nakatingin sayo at nakatago lang sa kung saan. Hiniram ko nalang kay jake yung camera niya para kumuha ng mga letrato namin. Mauubos nalang ata yung film ng camera dahil sa litrato naming tatlong magkakasama hindi pa ako nakaka kuha ng litrato ng paligid. Agaw pansin yung mga matatabang puno na may malalaking ugat at huni ng mga ibon at sariwang hangin.

First stop namen dahil pagod nayung iba. Kumain daw muna kame. After a few minutes nag simula na uli kame maglakad. Napansin ko yung mga naiwang kalat ng mga ibang grupong nauna samen. Buti yung guide namen may dalang trash bag at doon pinalagay samin yung mga lagayan ng pinag kainan namen. Nainis ako dahil yun pa naman yung mahigpit na bilin na wag mag iwan ng kalat. Naagaw yung attention ko ng ingay na ginagawa ng una at pangalawang grupo. Tawanan sila ng tawanan. Nag sisigawan pa sila dahil yung iba nahuhuli at pasigaw pa nilang tinatawag.

Maya maya Bigla nalang may malakas na alulong kamig narinig na nagpa tigil saming lahat parang sa aso na na alulong sa gabi Narinig ko yung leader namin na hindi maganda ang nangyari. May nagambala daw kaming bantay. Tumigil kame saglit at nagpatuloy ulit sa pag akyat. Hindi na dapat tutuloy yung grupo namen kaso mareklamo yung mga naunang grupo kesyo masasayang lang daw ang pera at pagod nila. Kaya nag patuloy padin kame at wag nalang daw namin pansinin yung narinig namin.

Napansin ko na parang hinaharangan ng mga ulap at puno yung sinag ng araw. Kaya kahit maliwanag parang and dilim padin ng paligid. Ng bigla nalang akong bumunggo sa likod ng kaibigan ko dahil sa nakatingala ako hindi ko napansin na bumabagal na pala yung lakad ng grupo namin. Medyo lumalayo nadin kame sa una at pangalawang grupo. Tinanong ko yung leader namin bakit tayo nagpaiwan. Sabi niya hindi daw maganda kung tutuloy pa daw kami dahil nga may nagambala daw kaming bantay at sinasadya daw nitong padilimin ang paligid para maligaw at hindi na makabalik yung mga naakyat at ayaw niya daw kaming magaya doon. Naalala ko yung nabasa ko na article meron daw mga trekkers na hindi nadaw nakakabalik dahil naligaw daw ito kung may ma swerte man daw na makabalik wala nadaw sa katinuan yon.

Kaya sinunod nalang namin si kuya. Magdasal nalang daw kami at humingi ng tawad at hintayin na maging normal ang paligid. Madilim, ang tahimik ng paligid yung
wala kaming marinig na huni ng mga hayop o ingay ng pag galaw ng mga dahon gawa na hangin.

Sa tagal naming nag aantay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ganon din yung mga kaibigan ko.

Pag gising ko wala nayung leader namin kaya ginising ko na din sila jake at brian. At nakita nalang namin yung leader namin na nag lalakad papalayo kaya nag madali kami sa pagsunod sa kanya. Kaso sobrang bilis niya maglakad kahit anong sigaw namin hindi siya nahinto. Tapos bigla nalang siya lumiko sa malaking puno. Pagdating namin don. Wala na siya. Kaya nagulat kame. Natakot na kame parang pinag lalaruan na kame ng mga nilalang na hindi namin nakikita. Binag ligtad namin yung mga suot naming damit. Sabi ni jake para daw hindi kami maligaw at makabalik.

Inabot na kami ng gabi pero kahit na sino wala kaming makita. Buti nalang meron kaming flashlights na dala. Tinignan namin yung cellphone namin, walang signal.

Sa paglalakad namin nakakita kami ng kubo. Mukhang may tao dahil may usok na ng gagaling doon. Kakatok palang sana ako ng may lumabas na matandang lalaki at inalok kaming pumasok sa loob. Maaliwalas sa loob ng kubo, nakakapag taka dahil walang ganoong gamit. pinaupo niya kami sa malaking higaan na gawa sa kawayan. Binigyan niya din kami ng maiinom at yung baso gawa sa biniyak na niyog at sinabi samin na doon nalang kami mag palipas ng gabi, dahil hindi daw maganda kung gagabihin kami sa paglalakad ituturo niya nalang daw samin yung daan pauwi. Binigyan niya din kami ng tubig na panglinis ng katawan na galing sa malaking banga. Habang nag lilinis hindi ko maiwasang ma guilty sa sarili ko at sa kanila. Sinabi ko na kasalan ko kung hindi lang sana ganto yung idea ko wala sana kami sa gantong sitwasyon. Hindi nila ako sinisi at hindi sila galit sakin tutal nga daw parang adventure padaw yung nangyari samin. Dahil sa sobrang pagod nakatulog kami kaagad.

Kinabukasan pag gising namin nagulat kami dahil sa lupa na kami nakahiga. Nag taka kami dahil wala nayung kubo. Nag ayos na agad kami. At nag simula na uli mag lakad ng makita namin yung matandang lalaki na nag lalakad. Sinundan namin siya, naging lakad takbo yung ginawa namin nakakapg taka dahil ang bilis niya maglakad para sa edad niya at kahit anong gawin namin hindi namin siya maabutan.

Hanggang sa makakita kami ng trail sa lupa. Nakita uli namin yung matandang lalaki at sinenyasan niya kami na pumasok sa malaking butas na gawa sa katawan ng puno nag alin langan pa kami sa pag pasok pero sinabi niya samin na magtiwala kami sa kanya na makakapabas kami at makakabalik kami kung saan kami nang galing. Nginitian niys kami. Nag tinginan kaming mag kakaibigan pero paglingon namin sa kanya wala na siya doon. Nag taka man kame pero sinunod parin namin yung sinabi niya. pagapang naming tinahak yon.

Sa paglabas namin nakarating kami sa open field kung saan kami nag start sa pag akyat. Ang dungis namin at Mangiyak ngiyak kami sa tuwa. Nakita din namin yung leader namin. Tuwang tuwa siya non. Inaya niya kami sa bahay niya at doon namin kinuwento lahat. Kwento din niya na nung nag aantay pala kami nag pasya narin muna siyang mag pa hinga dahil nakita niya kaming natutulog. Pero pag gising niya wala nadaw kami. Hinanap niya daw kame pero hindi na niya kami makita. Sinabi din namin sa kanya na paggising namin nakita namin siya nag lalakad kaya sinundan namin siya. Tapos bigla nalang siya nawala. Sinabi niya na engkanto daw yon at niligaw kami. Sinabi din namin na may nakita kaming matandang lalaki at pinatuloy kami sa kubo. At tinuro samin yung daan pauwi. Hindi na kami naka pag pasalamat kasi bigla nalang siyang nawala. Mabait daw na bantay yon at mag pasalamat daw kami dahil tinulungan niya kami.

Bumalik kami kung saan kami lumabas kanina, kaso wala nayung butas kundi isang malaking tumpok nalang ng lupa. Nag alay kami ng pagkain at onting dasal. Tinanong namin yung leader namin kung bakit siya papa akyat ng bundok. At nagulat kami sa sagot niya. Balak niya daw kaming hanapin uli dahil apat na araw na pala kaming nawawala.

Bumalik at Nag stay muna kami sa bahay ng leader namin para makapag palit at kumain uli. Pag katapos nag paalam nadin kami.

Habang nasa byahe kame biglang nag alarm yung mga cellphone namin. Tadtad ng message and missed calls. Alam kasi ng parents namin na 1 week kaming mawawala siguro nag taka nalang sila na apat na araw na hindi kami ma contact.

Bago kami umalis eto yung sinabi samin ng leader namin.
Pasalamat daw kami at tinulungan kami ng isa sa mga bantay ng bundok. Hindi lahat ng katulad namin ma swerteng nakakabalik. At kahit anong bundok daw ang akyatin namin matuto kaming gumalang. At higit sa lahat tahimik daw kaming umakyat at siguradong makakababa kami ng ligtas.

- jasper

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon