Umuulan. Malakas. Yung tipong mapapahinto ka sa pwedeng masilungan kapag no choice dahil walang payong. Pauwi ako nun galing work.
3AM na at mangilan ngilan na lang ung tao sa Baclaran, 2013 tapos merong bagyo. Pagkababa ko ng bus mabilis akong pumasok sa simbahan ng Baclaran para pansamantalang magpatila ng ulan.
May mga tao sa loob, usually yung mga may alsa balutang dala na akala mo naglayas at walang mapuntahan. I decided to sit on the last row. Since balak ko rin manuod muna ng movie sa phone ko at di ko dala ang headset ko, dumulo na lang ako para di ko maistorbo yung mga nagpapahinga. Komportable akong nakaupo habang nakataas yung paa ko sa kasunod na upuan.
Malakas pa rin yung ulan. Nagdecide na ko lumabas para bumili na lang ng payong since 50 pesos lang naman. Tatayo na sana ako nang biglang napansin ko na may papel na nakatiklop siguro sa apat. Medyo may kalakihan at parang madumi na.
Out of curiosity, pinulot ko siya at binuksan ko. Well, malay ko ba baka number ng mga babaeng gusto ng good time.
After opening ng first fold ng papel nakalagay agad ay SALAMAT. Wala pa kong inisip nun. Binuksan ko na ng tuluyan ung papel. Medyo mahirap intindihin. Di ko alam kung ung nagsulat ba nun eh bad lang talaga ang penmanship. Pambata kumbaga. Ito sabi ng sulat.
""Kinuha nila ako. Lahat. Wala atang tinira. Sinakay sa van. Tapos may tinusok sa leeg ko. Dalawa silang lalaki. Binigyan pa nga ako ng lollipop. Pero di na ko nakabalik.""
Natakot agad ako. Dati kasi, nauso yung mga van na may kinukuhang bata tapos tinatanggalan ng lamang loob para ibenta. Di ko na tinapos yung sulat. Umuwi na ko. Mabasa na ng ulan.
After 2 months, nagsimba ako noon sa Baclaran. Naisip ko, umupo sa lugar kung saan ko nakita yung sulat. Alam ko kung san uupo. Pagkalapit ko sa row kung saan ko nakita yung sulat, may babaeng nakaupo.
May kasamang bata. Siguro mga 6 yrs. old. Nagdasal ako. Lumuhod. Naalerto ako kasi bigla na lang umiyak ung nanay nung bata.
Sinasabi niya ""Anak ko patawad. Di ka nabantayan ni mama"".
Bilang lalaki, pinatahan ko ung babae. Nagkwento siya. Sabi niya, sa lugar daw na iyon nawala ung bata.
Isang taon ng pagkawala at wala silang balita. Ang sabi daw sa kanya ng mga tambay sa simbahan nung araw na iyon ay baka nga kinuha ng mga taong nagbebenta ng lamang loob ng mga bata.
Sinabi ko sa babae, kalimutan na lang ang nangyari at siguro naman ay masaya na ang anak niya kung san man iyon naroroon. Niyaya ko siya ipagdasal ung anak niya at tirikan ng kandila.
Tumayo siya at sumama sakin. Pero, ung bata na nakita kong katabi niya di niya kasama. Tinanong ko siya, asan na yung anak mo kanina.
Sabi niya, isa lang daw ang anak niya at siya lang mag isa. Bigla akong kinilabutan. Baka kasi kaluluwa iyon nung bata.
Pero di ako nagpahalata ng reaksyon. Nagdasal kami. Mukhang nakumbinsi ko naman ung babae na mag move on na. Huling sinabi niya sakin ay mag ingat ako pag uwi.
Pagkauwi ko, kinuha ko ung bag ko. May hinanap. Yung sulat. Naalala ko naitago ko un. Naisip ko na baka, siguro nga. Binuksan ko na lang yung sulat. Wala na yung salamat sa unang tiklop.
Binuksan ko ng buo yung papel. Isang stick drawing na lang ng bata na nakangiti ang nakalagay doon.
Hanggang ngayon, nakatabi pa rin sakin ung sulat. Lagi kong dala pag magsisimba ako. At dun lang ako uupo sa row kung san ko un nakita.
Para kung sakaling makita ko ulit yung babae, ikekwento ko sa kanya lahat. Ibibigay ko sa kanya ung huling drawing ng anak niya.
Pero wala, hanggang ngayon di ko pa rin nakikita...
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...