"November 10, 2014 pangatlong araw na ng burol na lola ko. Sakto sembreak namin yun kaya kasama ako ng mga tita at pinsan ko sa pagpupuyat.
November 10, ayan din yung araw ng pag eenroll ko. 6am nag-ayos na ako ng sarili ko para lumuwas ng Manila (kahit wala pa talaga akong tulog).
Bago pa man namatay yung lola ko, nagpapasama na yung bestfriend ko sa Divisoria para bumili ng pang giveaway nya sa debut nya, pumunta na din kami ng divisoria after ko mag enroll.
10am natapos ako mag enroll, 12pm dumating yung bestfriend ko. Natapos kami magdivisoria mga past 5pm na. Pumunta muna din ako sa Dangwa para makabili ng bulaklak para kay lola.
Mga past 8pm na at saka kami umuwi sa Bulacan. Nagjeep lang kami kasi pagod na pagod na din kami kung tatayo pa kami sa lrt. Nung nasa Monumento na kami sabi ko dun sa bestfriend ko daan muna kami sa bahay namin bago pumunta sa burol ni lola.
10pm nakarating na kami sa Bulacan at dumiretso muna sa amin. Agad agad kami pumanik ng bestfriend ko sa kwarto. Yung kwarto namin may cr sa loob kaya iniwan ko muna sya sa bed tapos ako naman naligo. Napakabilis ko maligo non kasi iba na talaga nararamdaman ko. Odi nagbihis na ako tas yung bestfriend ko naman busing busy sa pag aayos ng mga giveaways nya.
Maya maya lang may bigla bigla na lang ako naamoy na sampaguita (YUNG BINILI KONG BULAKLAK SA DANGWA AY ROSAS). Di ko sinabi sa kaibigan ko yun kasi alam ko na matatakot at mag uunahan lang kami sa pagbaba ng hagdan.
Habang busing busy nga sya sa pag aayos agad agad ko sinabi sa kanya na umuwi na kami sa bahay ng lola ko (malapit lang bahay ng bestfriend ko at bahay ng lola ko na pinagbuburulan). Nagmamadali na akong bumaba sya naman nagmamaganda pa sa pagbaba. At nung nakalabas na kami sa gate namin at chaka ko na lang agad sinabi sa kanya na nakaamoy ako ng sampaguita kaya minamadi ko na sya. Inamoy din naman namin yung binili naming bulaklak di naman amoy sampaguita.
Pagkadating ng pagkadating namin sa burol ng lola ko. Kinuwento ko agad sa mga tita at ate ko, at ang sabi nila baka nga daw hinahanap na daw ako ng lola ko, dahil wala pa ako e.
Di pa din ako makapaniwala na wala na sya.
-Lola's girl
Bulacan
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
De TodoIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...