PASAKAY

3 0 0
                                    

  2017

Nagdadrive ako motor ko nung una kong maramdaman na totoo pala!
Totoo na may naangkas sa motor mo na isang kaluluwa, o maligno kung mararamdaman mo ito.
Solo ako noon na bumyahe pauwi  sa amin galing bayan, ang lugar namin ay parte ng bundok kayat kung saan kakaunti ang poste na may ilaw sa gabi kung minsan pa nga ay wala.
Galing bayan masasabi ko na 20 to 30 mins ang travel time kung naka trike at 15 to 20 kung naka motor.

Nautusan ako ni lola mamili ng paninda nya sa bayan bandang alas kwatro ng hapon, dahil puro sitchirya at tinapay lang naman e magaan at nasa kahon naman ito na itinali ko sa motor. Saktong paakyat na ako ng bundok kung tawagin ay "Linang"  sa amin ay medyo madilim na. Bibihira ka makasabay o makasalubong ng ibang sasakyan dahil may oras ang byahe sa amin, at kakaalis lang ng jeep na pa "Linang.

Habang nag dadrive ako e pakanta kanta pa ng sintonado at minsan ay nabusina kada may likuan dahil hindi mo kita ang kasalubong mo.
Hanggang makarating ako ng parteng puro palayan at puno ang makikita mo sa paligid at mga posteng walang ilaw. Madilim na noon ng biglang naramdaman kong ang bigat ng motor ko na parang may angkas akong kasama ngunit wala naman at kahon ng tinapay at iba pang pinamili  lamang  ang nasa motor ko, medyo nagtaka ako noon kaya tumigil ako  nag check ako ng gulong baka flat lang or nasingaw. Pero okay naman . Hanggang sa pagdadrive ko ay may isang madilim na nakaharang sa side mirror ko ng dumaan ako sa isang posteng may malabo at malilim na ilaw. Nilingon ko ito saglit at wala naman ako nakita at ng tinignan ko ulit ang sidemirror ko at may nakatayo na lalaking itim o parang anino. Kinabahan ako pero
Binaliwala ko  eto hanggang makauwi sa amin.
Nabanggit ko sa lola ko ang lugar na iyon at tinawanan lang ako sabay sabi

"Mabait naman yun, nakikisakay lang yun mula sa may ibaba ng bayan hanggang sa may poste na malilim na ilaw"

Sa madaling araw naman daw ay papuntang bayan ang sinasakyan.

*Ethan*

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon