December 25 2016 naisipan ng mama ko na mamasyal sa luneta. ofw yung mama ko 1month na syang bakasyon dito sa pinas non . Ako at 2 kong kapatid na babae , Boyfriend ko at Boyfriend ng kapatid, kasama den yung mga pinsan ko 3 silang magkakapatid mga bata pa 9 pinakamatanda lalaki . 7 yung pangalawa Babae at 5 yung bunso lalaki den may sakit sya sa puso. naisipan silang isama ni mama kase yung mama nila pagkatapos ng noche buena hindi na umuwe. inaantay namen yung tita ko na kapatid ni mama si tita Jen, para sana ipaalam na isasama yung mga anak nya tutal pasko nman kaso 12 pm na wala pden sya so umalis na kame .
Nakarating kame sa luneta maggagabi na kase dumaan pa kameng manila zoo . sa time na nandon kame nakakaramdam kme ng lungkot na hindi maipaliwanag kahit na ang saya nman ng paligid dahil madameng tao .
8pm kausap ni mama yung tito ko (kapatid nya)sa phone at sinabe na di paden daw umuuwe yung tita ko kaya mas lalo kameng nagaalala.
10pm naisipan na ni mama na umuwe kahit pinagusapan namin na 4am na sana kame uuwe . di nya daw alam basta uweng uwe sya non .
mga 20mins na mula nung sumakay kame ng bus tumawag sa phone ko yung tito ko, madameng tao sa bus at siksikan may mga nakatayo pa dagdagan pa ng pagkahilo ko diko sinagot naka 3missed calls sya, maya maya nagtext na sya ng " Pakisagot please importante lang" kaya nung tumawag sya sinagot ko agad tapos sinabe nya na pakiabot daw kay mama dahil di nya macontact, at dahil mga 3 upuan ang layo ni mama pinakisuyo ko nalang sa mga nakatayo sa bus .mga ilang minuto den bago ibalik ni mama yung phone ko at wala na yung mga taong nakatayo sa bus kaya nakita ko agad si mama na galing sa iyak .
maya maya pa ay inabot nya saken yung cellphone ko at cellphone nya na kakasagap lang ata ng signal at ngayon lang nakasagap ng messegeMessege from Michael (tito ko)
Yung kapatid mo nakita na .
sagutin mo yung tawag te si ate jen nakita na wala na sya .
Nung nabasa ko yan nanlumo ako kase close nmen yang tita ko nayan
andame pang messege na finorward ng lola ko sa mama ko na puro text ng tita ko sakanya na nagpapaalam . hinahabilin yung mga anak nya . hindi namen alam na nagawa nya yon sa sarili nya kase sobrang masayahing tao yung tita namen na yan Hindi namen inisip na makikita nlang pala syang Nakabigti sa Aircon ng Motel gamit yung comforter (May bakal kase yon na winelding sa pader)
Nag-away sila ng boyfriend nya nyan na kapit bahay lang nmen hiwalay na kase sila ng tatay nung mga pinsan ko sya den yung dahilan kung pano nahanap yung tita ko kung maaga nya kang sinabe na alam nya kung nasan nasave pa yung tita ko, ilang beses syang binalikan ng mga tito ko at kulitin ng paulit ulit para sabihin nya kung nasan kaso sinabe nya 9pm na at sabe ng mga pulis na nadatnan ng mga tito ko nung pumunta sila don sa motel ay around 4pm daw ginawa ng tita ko yung bagay na yan . at dito na nagsimula yung mga bagay na di maipaliwanag . napakasama ng itchura ng tita ko non magang maga ata nakasimagot yung mukha nya na parang galit.Gabi gabi kame ang bantay magpipinsan sakanya picture dito picture don picture kasama yung kabaong nya.
Yung Boyfriend ng tita ko hindi sya makapunta kase lahat kme sya yung sinisisi.5days nakaburol yung tita ko nakiusap samen yung Bf nya na sana pagbigyan syang sumilip . so kahit galit kame hinayaan namen sya, paglapit nya sa kabaong habang nagiiyak sya yung mga ilaw ng kabaong nya kumukurap ng kumukurap . sorry sya ng sorry ilang oras den syang nandon hindi namen sya pinapansin . sobrang laki ng galit nmen sakanya dahil nabasa den nmen yung convo nila ng tita nung araw na nagbigti sya .
around 9pm nagpaalam sya na uuwe muna at babalik sya ulet kinabukasan .
Pagkaalis na pagkaalis nya Alam nyo paglapit namen sa kabaong ng tita nmen sobrang aliwalas ng mukha nya at may konting basa yung mata.
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
AcakIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...