Naging Bantay ng Bahay
Kakalipat lang namin ng bahay sa isang subdivision dito sa aming bayan ng Mindanao, bago pa kami nakalipat never nagkasakit ang aking partner. At ako ay nakakaramdam at nakakakita.
Etong bahay na nalipatan namin ay aming inuupahan. May 27, 2023 dun kami natulog at maraming uwak sa plaza na nasa harap bahay lang namin sabi nila normal nga raw dun na maraming uwak d na bago.
Kinagabihan dun kami natulog pero bago pa nong nag alay kami ng dalawang itlog at isang sigarilyo bilang parte ng paniniwala nila at nirerespeto ko rin.
Araw ng Linggo sya ay may trabaho, kami ng aking anak ang naiwan sa bahay. Sinilip ko ang lagayan na pinaglagyan ng dalawang itlog at isang sigarilyo, laking gulat ko dahil ang sigarilyo ay wala na. Akala ko eto ay tinapon ng aking partner.
Kinatanghalian sya ay umuwi at aking tinanong ang sagot nya d nya raw pinapakialam at baka raw ay kinuha ng nakatira sa mismong bahay. Maayos at maalwan ang bahay hindi kami nakakaramdam ng takot o ano pa man ngunit nagbago ang nararamdaman ko nong minsan ay may gumaya ng kanyang boses na tinatawag ang aming anak sa likurang bahagi ng aming bahay. Nagkatinginan kami ng aking anak dahil wala ang ang kanyang ama dun kay kami ay nagtataka.
Kinabukasan paguwi ng aking partner galing trabaho agad namin etong sinabi sa kanya at kinagabihan sya ay nagpausok sa buong bahay at labas gamit ang insenso. At naging kagawian na pag kada alas 6 ng gabi nagpapainsenso kami. Nong buwan ng hunyo biglang bumagsak ang kanyang katawan at nong sya ay d makalakad pinapunta ko ang manghihilot/manggagamot pagkapasok nya sa aming inuupahang bahay agad nya kaming sinabhan na meron 3 nakatira sa bahay isang bata, at matatanda na lalaki at babae.
Pagkatapos mahilot ang aking partner alas dose ng hating gabi rinig na rinig ko may tumatakbo sa aming sala kung saan kami natutulog at ramdam ko na may bumubulong sa akin na duol na duol na ibig sabihin malapit na malapit na at dun nagising ako dahil ang akin partner ay sobrang maputla at parang nagsasalita mag isa.
Kaya agad ko syang dinala sa hospital at ang findings sa kanya ay sa lumbar at diabetes at pagkalabas nya ng hospital kinagabihan sya ay natulog sa duyan at agad ko ginising dahil nakita ko ang maitim na anino nasa kanyang gilid nakatayo.
Buwan ng Hulyo, Anniversary namin napanaginipan ko na sya ay nasa ataul at pinaglalamayan, Sinabi ko sa kanya habang ako ay humahagulhol ako ay tinawanan nya at sinabihan na ako ay natatanga lang daw. Pero nong araw ng anniversaryo namin bigla nya nalang sinabi na baka huling aniversaryo na namin daw iyon kaya ako ay nagulat at d sya pinansin.
Buwan ng Augusto lahat ng bago dahil bigla nalang syang kinuha ng Puong maykapal pero habang ako ay humihingi ng tulong marami ang nakarinig na may batang tumatawa habang ako ay humihingi ng saklolo.
Sabi ng albularyo, sya raw ay naging bantay na ng bahay na aming inuupahan para kami ay proteksyonan sa bata na nakatira dun dahil ang tawa ng bata ay mala demonyo. Umalis na kami sa bahay na iyon at dun din nag umpisa na palagi ko napapaniginipan aking partner. Kung totoo man na sya ay andun at bantay ng bahay napakaswerte ng titira dun dahil ang bantay nila ay magiting na tao na handang proteksyonan ang andun.
Kahit ngayon pag kami ay napapadaan doon pakiramdam namin andun sya kahit mga kapitbahay namin nagsasabi rin.
111216
-Victoria Dont Tell Anybody
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...