"𝚀𝚄𝙸𝙰𝙿𝙾"

2 0 0
                                    

2013, isa pa akong studyante sa isang university sa taft manila. Bilang isang estudyante na may mabigat na kurso, mahirap para sa akin ang magpunta sa simbahan para magkumpisal. Lalo pa’t gabi na natatapos ang shift ko. Isa akong roman catholic at ang pagkukumpisal ay isa sa pinakaimportanteng gawain sa amin.

Nuong linggo araw ng nstp namin ay maagang nagpauwi, chance ko na to para makapunta ng simbahan. Sa quiapo church ako nagpunta para magkumpisal. Napakagaan sa pakiramdam pagkatapos. Sobrang feel mo yung prisensya ng Diyos. Pagkalabas ay may lumapit na lalaki. Iniimbita niya ako sa isang bible study na hindi naman daw magtatagal sa oras. Dahil nakasuot siya ng caritas shirt, akala ko legit na grupo ito. Nakailang beses din ang pagtanggi ko pero may sinabi sya na ikinakonsensya ko. At dahil kakakumpisal ko pa lang noon ay pumayag na din ako.

Sumakay kami nuon sa jeep. At duon ay nalaman kong meron pa pala siyang dalawang kasama. Ang isa ay may meron ding naimbitahan tulad ko. Habang kami ay nasa byahe ay kinukwentuhan niya ako ng mga makaDiyos na bagay. Bagamat nakikinig ay pasulyap ang pagtinggin ko sa dinadaanan namin at inaalam ang lugar. Nabanggit niya na marami na din silang naimbitahan galing sa univ ko. Sandali lang din ay nakarating na kami.

Pagkarating, dinatnan namin ang isang bahay. Masasabi kong isa regular na bahay. Dito na ko nagsimulang kabahan. Ang ineexpect ko ay isang chapel o isang malaking hall. Pero tumuloy pa rin ako. Tumingin ako sa babaeng naimbitahan din. Pero kalmado sya. Nilibot ng mata ko ang paligid ng bahay. Sa bungad ng pinto ay may malaking istatwang agila. Pagpasok pa ay makikita mo ang isang piano at puno ng all seeing eye o pyramid na may mata sa gitna (poster), ito ay kaliwang bahagi ng bahay nandoon din ang hagdan paakyat puno din ng all seeing eye. Alam kong ang simbolong ito ay nangangahulugan din ng nurture. Nakikita tayo ng Diyos at Siya ay patuloy na nagmamahal sa atin. Pero sa eksenang ito iba na ang pakiramdam ko. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Sa kanang bahagi ng bahay ay may maliit na kama. May isang malaking krus, singlaki ng tao. Sa krus na iyon ay nandoon si Kristo. Ngunit may kakaiba sa kanyang braso. Ang kanang kamay ng nasa krus ay nakapatupi parang bahagyang nakayakap paharap mahirap ipaliwanag. Palakas na ng palakas ang kabog sa dibidib ko. At tulad ng nasa kaliwa puro all seeing eye din.

Biglang nagtext si papa. Pero hinarap na kami ng matandang lalaki. Kulay puti na ang buhok niya, mga 6 feet ang taas, maputi at masasabi kong may lahi syang foreigner. Nagsimula siyang magsalita, fluent ang pagsasalita niya ng tagalog. Binasa niya ang isang verse sa bibliya. Natapos siya sa pagbabasa pero hindi ako nakinig. Tumingin siya sa amin at nagtanong tungkol sa binasa. Hindi ako tumitingin sa mata niya. Naalala ko ang sabi na posible kang mahypnotize kung nakatitig ka sa mata. Sumasagot ako minsan pero nakatingin sa ibaba, napansin ko ang tattoo niya sa paa. Ang sumasagot madalas ay ang kasama kong babae. Nalaman kong magmamadre pala siya dapat. Binasa ko ang text ni papa, nasan kana nak?.Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng lalaki. Tumigil siya sa pagsasalita at bumaling sakin. Iha may gusto ko bang gawin? Hindi mo na ba gusto makinig? Nakaramdam ako ng pagkakonsyensya sa hindi pakikinig. Nakatingin na din ang kasama kong babae. Sorry po pero nagtext na ang papa ko, hinahanap na po ako. Okay lang iha, nagsasalita ako pero parang di ka nakikinig kaya mabuti pa na saka na lang tayo magusap para mag-aral ng bibliya. Nakonsensya talaga ko pero sa kabilang banda ay panatag kasi makakalabas na ko. Pero naisip ko din ang babae.  Ayaw ko siyang iwan pero parang gusto niya makinig.

Inihatid na ako sa sakayan pauwi ng lalaking nagimbita sa akin. Habang naglalakad tinanong ko siya kaano ano niyo po siya? (Yung matandang lalaki na nagtuturo) Ah si apo ba, matagal na kaming mga tagasunod niya. Mabait si apo, kinupkop niya ako at pinakain. Yung mga nakita mong kasama ko, galing pa sila sa trabaho. Gumagawa sila ng oras para makapagimbita. Ah okay po sabi ko. Meron po ba kayong number ng kasama kong babae? Concern kasi talaga ako kay ate. Wala, bakit gusto mong makuha?. Meron lang po akong gustong tanungin. Ah pwede mo pa rin naman siyang makita sa susunod. Kunin ko ang number mo, itext kita at kung kelan ka free para sa discussion ulit kasama si apo. Binigay ko ang number ko pero wala na akong balak bumalik pa doon. Hindi ko alam pero parang may parte sa akin na parang hindi niya kontrolado ang sarili niya , yung kuya na nagimbita. Parang may kakaiba sa mata niya, katulad ng sa mga kasamahan siya.

Nakauwi ako ng safe at puno ng katanungan.

Pero kapag napadaan o nagpunta ako sa quiapo church di ko pa rin maiwasang mapatingin sa harap ng simbahan at hanapin ang lalaki.

-𝓗𝓮𝓻𝓶𝓲𝓸𝓷𝓮 💞

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon