👻
Hi admins sana mapost to im from cebu nga pala and may business kami.. Funeral Parlor. Yung beside ng office namin is dalawang chapel, tapos morgue, bahay namin (which is garahe dati), then garahe. Yung office namin dun nakadisplay ang mga kabaong, then sa right side may board sulatan ng pangalan ng mga namatay tapos may pinto sa gilid papunta sa likod. Then sa likod is may lababo, may malaking mesa na kahoy, may fridge, lockers, cr, then yung mga ilaw pang lamay, stretchers, stand para sa kabaong then sa bandang dulo may isang pinto para sa morgue para may ibang daanan lang. (PS: may mesa kasi dun kumakain ang mga trabahador namin, yung ref dun nila nilalagay mga pagkain nila then the lockers are theirs too) Yun yung sa dati naming location which is may sapa sa likod. Gr. 1 ako noon, may yaya ako kasi si mama at papa busy sa business, mga ate and kuya busy so walang makakapag alaga sa akin. Name ng yaya ko is Chan2. Mabait naman sya, aunt ko yung nagrecomend sa kanya. From Asturias sya, province ata yun i think? So ito na nga. Mga 1 month na ata sya nun sa amin, pumunta sya sa likod ng office kasi naghugas ng kamay ng may napansin syang may nakatayo sa may ref. Akala nya trabahador lang namin sabi nya pa "hi kuya"tas nung lumingon sya nakita nya na parang malabo yung nakatayo tas naka barong (nung time na yun may nakalamay sa chapel #1) tas ayun yung pinto naman is 5 steps away lang tas kurtina lang ang nakalagay so tumakbo sya while crying. Mama asked her kung anong nangyari nauutal nya pang sinabi yung nangyari iyak lang sya ng iyak. Pero pagkatapos nun wala na syang napansin na kakaiba. Si papa naman, sa chapel #2 may cr, dun talaga sya nag c-cr parati ayaw nya sa likod (pero dun sya sa likod naliligo) dun sa chapel nakagarahe yung porlon (dko alam tagalog nyan sarreh ) tas sa front nun may outlet so dinala nya radio nya, pinatugtug nya while nag c-cr sya. Around 1 am na yun. Si papa matagal matapos talaga pero nung nandun daw sya, nagtaka sya na tagalog song yung pinakinggan nya pero lumipat sa english. He thought na baka sa station lang yun pero bigla nalang rin lumipat sa español yung language then naging bisaya, tagalog ulit, english ulit kaya binilisan nya nalang. Paglabas nya balik tagalog ulit yung language pero nagtaka sya ba umaandar pa eh nakita nyang di na nakaplug yung wire ba. Eh wala rin batt yung radio so di yung aandar pag di nakasaksak. Nung umaga na nasira yung radio ayaw na umandar.
Yung labandera naman namin which is nakatira lang sa yung sapa sa gilid din nun may mga bahay2, parang squatters area kumbaga at dun sya nakatira. Dun sya sa likod naglalaba at yung pinto ng morgue is closed, the lockers are closed then may malaking cabinet lalagyan ng tools sa gilid ng lockers closed rin. Nung patapos na sya nag goosebumps daw sya ng napansin nyang lumamig ang simoy ng hangin tas nangangamoy formalin siguro natural lang kasi nasa morgue yung lalagyan ng formalin pero locked yung morgue as in nakakandado yung likod from the inside (sa loob kinandaduhan yung door tas lumabas yung trabahador namin sa main entrance ng morgue at kinandaduhan nya ulit dun) pero binalewala nya lang kasi baka sumingaw lang. Dun na sya natakot ng habang nagsasampay sya nasa gilid sya sa door ng morgue ng bigla itong bumukas at may nakita syang patay na nakahiga sa embalming table (sa left side na table) which is impossible kasi wala kaming patay that time and alam nyang nakakandado yun from the inside kasi bago sya naglaba pumunta muna sya sa bahay para kunin yung sabon nasa bahay kasi namin tas nakasalubong nya yung trabahador namin na nagkakakandado. So ayun tumakbo nalang sya palabas at nung nagkwento na sya, parang ang impossible raw kasi nga nakakandado yung door from the inside, nung tinignan nila sa likod, yung chain na gamit sira na pati yung kandado. Pero di nya nalang pinansin at sabi nya nalang "di na ko mahibong kay purenarya bya ni. Naduwaan ra guro ko" (Di na ko magtataka kasi funeral to. Napaglaruan lang siguro ako) at the day after nun bumalik sya para kunin at tupihin yung mga sinampay at wala naman daw syang napansin.
Yung kuya ko naman, may ka live in nung time na yun. Nagtatrabaho yung girl sa isang call center so kadalasan uwi nya is midnight, minsan din 10 pm nakauwi na sya ewan ko ba. Close kami nun, spoiled na spoiled lalo na pagdating sa pagkain. Everytime umuuwi na sya bibili talaga sila ng pagkain ni kuya tas may motor naman yung kuya ko so di na pahirapan. Minsan kaming dalawa bibili. Pizza, fastfood or simpleng pancit canton/siomai. Minsan bumibili kami ng chips at ice cream sa convenience store or sa katabing silogan doon. Nung time na yun 2 or 3 am na ata? Papunta kaming convenience store na walking distance lang then papunta dun, madadaanan mo yung sapa at kitang kita rin yung likod ng office namin. May dogs kami nun na nasa likod linagay, nandun cage nila. Nung nandun na kami sa may sapa, huminto kami kasi nakita ng girlfriend ni kuya yung kaibigan nya. Nagtaka ako bat ang ingay aso namin at tila paatras sya. At yun bang tahol ng aso pag may "nakikita" sila? Ganung ganun. Then yung cr na nasa gilid lang ng cage nila, on off on off yung ilaw at nung nag off na talaga yung ilaw ang weird ewan ko pero tumigil sa pagtahol yung aso pero paatras ng paatras parin sya at yun pag tunog nila pag yun bang may nagpapaawa? Ganun na ganun sya tas may parang kung anong shadow na itim na nag c-crawl sa cage nya? Natakot ako nun pero timing tapos na sila mag usap at paalis na kami. Nung sinabi ko sa kuya ko, inasar nya lang ako at sinabihan na "gutom ka lang" -,- at dun na nagkwento yung gf nya na isang araw rin daw habang naglalaba sya sa lababo ng kitchen namin, parang may kumalabit sa kanya tas may nag blow sa batok nya. Akala nya kuya ko lang pero nung paglingon nya, may nakita syang shadow sa kitchen door tas nung pinuntahan nya pero walang tao. Hinayaan nya nalang kahit takot na sya tas sabi nya dapat daw kasi di mo pinapahalata kasi mas lalo ka nilang tatakutin. Timing na lumabas tatlo kong ate from their rooms edi nagkwentuhan na kami. Dun na nagkwento kuya ko na minsan pag umuwi sya ng midnight galing gala tas mag c-cr sya (yung cr namin nasa kitchen) may naririnig syang bata na umiiyak tas yung ina na nagpapatahan ng bata sa gilid ng cr which is sa morgue. Eh di pwede na sa mga bahay2 yun sa may sapa kasi nga sa morgue talaga galing yung tunog. Yung mga ate ko rin pala naririnig yun tuwing midnight. Then yung mga upuan sa kitchen namin minsan ang gulo. Nagkaroon nga ng yaya yung first nephew ko, medyo matanda na rin at may nakikita raw sya sa kitchen. Sa office naman ni mama may nariring syang tatlong magkasunod na mabibigat na katok sa glass door pero pagbukas nya walang tao. Sinasabi nya nalang na "wag nyo kami saktan. Tulungan nyo kami sa business namin" tas ayun nawawala rin. Sa office kasi ako, mama at papa ko, dun natutulog then mga kapatid ko sa bahay namin. Yung aircon dun pag 3 am naka on naman pero walang lamig na bumubuga.
Sabi nga ng labandera namin, expected na kasi nga funeral yun. Nasanay na nga rin kami. Sabi nga nila, yung iba naghahanap buhay. Pero kami, naghahanap patay.Cat
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...