Embalsamador

5 1 0
                                    

After being broke, we were forced to sell our house in manila so we stayed at our second house in the province of Pangasinan. Sa may Bayambang yung bahay namin. Ayun, dahil mahirap ang buhay, sinipagan ko na pag aaral ko. Yung dating puro lakwatsa ko ng gabi sa mga club at bahay ng mga kaklase ko e napalitan ng pagbabasa ng libro tuwing gabi at minsan paggagawa ng reviewer. Di ako sanay sa ganitong buhay hahaha pero naisip ko din siguro na para sa ikabubuti ko to. Saka wala namang mga club dito.

Ayun so one time while nagrereview ako, nagbrownout kasi may bagyo noon. Napunta ako sa baba para kumuha ng kandila. Nagulat ako kase pagkakuha ko ng kandila at pagkasindi neto, may naaamoy akong mabahong nabubulok tapos merong halo ng amoy ng sampaguita. matatakutin akong tao. Kumaripas ako ng takbo paakyat, nadapa ako non. Buti di namatay kandila.

Pagkatingin ko sa gilid pagpulot ko ng kandila, p*ch* may bata. Karipas agad ako  ng takbo paakyat eh. For 5 seconds natitigan ko siya, as in may shock muna bago agarang karipas ng takbo.

Unlike other stories, sabi nila di daw naaaninag yung mukha nung multo. Ako kasi nakita ko. Namumutla siya pero hindi yung puting puti. Empty yung sockets ng mga mata niya pero walang dugo. Kaya imposibleng tao yun kung may nakapasok man, slightly nakaopen yung bibig niya, di gumagalaw at walang binubulong. Nakaside yung ulo niya habang nakatingin sa akin.

Tanong ko lang, multo ba talaga to o ibang elemento?

Mula nung brown out na yun lagi na siyang nagpapakita sa akin tuwing gabi sa may hagdanan.

Ano ba dapat gawin ko para di na siya magpakita?

-Zaniel

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon