November 2014. Sembreak namin nangyare ito, gabi na kasi nun, di ako makatulog. Mga 10 o 11 na ng gabi. Nandito kame ni ate sa kwarto ko nun tas naisipan kong makinig ng music sa radio dahil sa music lover ako at tsaka wala na ring akong magawa. Ayun nagscan ako ng channel. May nagstop na channel sa FM ko, pinakinggan ko, sakto naman yung ate ko nakikinig din ng radio, same station. Di ko alam na nakakatakot pala yung usapan dun sa station na yun (PURO SPOOKY STORIES).Sa kalagitnaan ng pakikinig ko ng spooky story na yun, biglang lumamig, di sya yung ordinaryong lamig lang. Kakaiba sya tas parang maiihi ka sa takot. Tapos biglang nagstatic yung station at namatay yung cp ko, samantalang full battery naman sya at bago lang yung cp ko. Imposibleng masira agad sya. Sa sobrang takot ko na rin dahil sadyang matatakutin din ako, hinatak ko yung headset ni ate. Nakatikod sya sa akin at busying busy na nakikinig tas tinanung ko sya kung:
""Ate, nagstatic ba yung station na pinapakinggan mo?"" sabi ko
""Hindi naman, baket? Ang ganda nga nung story e nakakatakot""
""Eh kasi biglang namatay yung CP ko tas nagstatic yung station"" mangiyak iyak kong sabi sa kanya.
""Naku tigil tigilan mo ako dyan aa."" Nahalata ko na rin si ate na parang kinakabahan na rin sya. Nagulat na lang kame ni ate na biglang nagbukas ng kusa yung Cp ko. Kinabahan na kame ni ate nun kaya tinago ko na lang din yung Cp ko tas di na ako nakinig ng mga Spooky stories.-Ms.May
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
CasualeIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...