10-31-23
BULONG
Sa bahay ni tita sa Marinduque.
11pm na non nung naisipan ko na matulog gawa na rin baga ng pagod. Nung nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ko, narinig ko yun pinto na bumubukas ng mahina kaya medyo naistorbo ako. Pero hindi ko nalang pinansin kasi baka yun pinsan ko lang yun na kumukuha lang ng unan sa may lamesa. After 5 mins lang siguro non ay may naririnig akong hangin na napasok sa tenga ko at may naririnig din ako na tumatawa kasama ng hangin na napasok sa tenga ko, kaya medyo nakaramdam na ako ng takot, kase ganung oras talaga ang mangyayari at hindi maiiwasan, tas may narinig akong binulong sakin na "tabi lang ako sayo ha?" Nung narinig ko yun binulong sakin, naramdaman ko din na parang may tumabi nga sa akin, pero naglakas loob akong kapain kung tao ba talaga yun pero walang tao. Kaya ang ginawa ko, hinayaan ko nalang at pinilit kong matulog kahit nakakatakot na.
Nung pauwi na ako papuntang QC, doon ko lang kinwento kay tita yun nangyari sa kwarto nila. Sinabi niya sakin na meron talagang nagpaparamdam dun lalo na pag mga bagong dating lang.
- MGR
II
2016, mahilig akong mag puyat noon, halos gabi gabi nag se-cellphone ako habang nanonood ng tv. May inaabangan akong isang show every midnight. Start yung palabas nang saktong 12am at magtatapos 1:00 am.
May mga time na natutulog kami sa bahay ng pinsan ko dahil wala yung parents nya (nasa trabaho sila).
Ako, ayun nood lang ng tv. Nung nag start na yung show, exactly midnight, may naririnig akong inagay sa roof ng garage. Medyo mahina lang sya kaya akala ko nung una ay pusa lang (dahil nga madaming pusa na gumagala samin)Pero napansin ko hindi tumitigil yung ingay at habang tumatagal ay lalong lumalakas. After 20 minutes meron na din sa gawing likod ng bahay akong naririnig na papalakas nang papalakas. Yung tunog nya ay parang mga bakal pero wala namang bakal na nakatambak dun dahil malinis na yung gawing likod, at kahit dirty kitchen yun ay sementado na din naman saka walang madaming kalat.
Nung patapos na yung show at nag papaalam na yung mga host, unti-unti humihina at nababawasan yung ingay. Pero sa pag hina ng ingay na yon, isang panibagong tunog yung narinig ko.
May naririnig akong parang matanda na bumubulong sa bintana na katabi ko, pero di ko maintindihan yung sinasabi. At habang humihina ang ingay, unti-unting lumalakas yung bulong na parang papalapit sakin. Di ako makakilos at di ko alam gagawin ko. Parang naninigas na ako at iniisip kung pano akong tatakbo...Simula nun hindi na ako nag puyat na mag isa lang ako.
At konting back story lang din. Yung bahay na yon madami na kinukwento samin yung tita ko at tatay ko. Minsan nakakarinig si tatay ng parang umu-ubo na kaboses ng lolo ko(na matagal na din patay) at mga bakal gaya ng naririnig ko. Yung likod kasi na yun tambakan nya ng mga gamit dati pag gawa ng mga poso at bahay. Kaya sobrang natakot talaga ako nung narinig ko din yun...Elle
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...