Ang kwento ng aking Lolong Sundalo
Kwento ito sa akin ng lolo ko noong nasa college palang ako.Kinuwento nya sa akin ang experience nya noong sundalo pa sya.Matanda na si lolo ngayon at retired na mahina narin kaya lagi nang nasa bahay.
Nadestino si Lolo sa Mindanao. Ang kampo nina lolo ay nasa ibaba o paahan ng bundok.Gabi na raw noon at handa na silang matulog nang napansin nila ang mga lalaking nakaitim at may hawak na lampara.Nakapila raw ang mga ito habang nag lalakad papunta sa itaas ng bundok.Nag senyasan silang wag maingay at sundan ang mga nakaitim dahil kahinahinala ang ginawa ng mga ito .Dala dala ang kanilang mga baril ay dahan dahan nilang sinundan ang mga ito.Maingat talaga silang sumusunod dito at kahit isang ingay ay hindi sila lumilikha.
Isang oras nilang sinusundan ang mga ito at nakarating raw sila sa isang malaking kubo.Nakatago sila sa mga malalaking puno.Bale anim silang sundalo na sumunod doon.Kita raw ni lolo kung paano inihanda ng mga lalaki ang malaking mesa at may inilabas na babae na nakatali sa kulungan ng aso.Kinaladkad daw ng mga lalaki ang babae tsaka inihiga.Kitang kita nila kung paano raw gahasain ng isang lalaki ang babae .Hindi na nakapag pigil sina lolo kaya nag paputok na sila paitaas hudyat para tumigil ang mga ito sa ginagawa nila at mapansin sila.Pinalibutan ng mga ito ang mga lalaki habang nakatutok ang mga baril.Hindi alam nina lolo na may mga kasamahan papala ang mga ito na nasa likod ni lolo kaya nataga si lolo sa braso.Pinaputukan sa paa ng kasamahan ni lolo ang lalaking tumaga kay lolo.Kaya natumba ito.At ang 3 na lalaki na may hawak sa babae at ang tumaga ay hindi na nakalapag kaya naman dinala ito nina lolo sa kampo nila at itinali ang babae naman ay pinatakas na nina lolo.
Habang nakatali ang 4 na lalaki sa kampo nila ay hindi nila napigilan ang galit kaya nasuntok raw ng mga ito ang 4 na lalaki.
Nag paalam raw si lolo na iihi lang at tatambay sa labas sa may puno ng 1 oras .Pag kabalik ni lolo wala na ang apat na lalaki.Kita niya ang mga kasamahan nya na tulala na parang wala sa sarili.Pinag susuntok nya raw ang mga kasamahan para bumalik sa realidad.
Bumalik naman ang mga ito sa dati at kinausap ni lolo ang mgaito kung bakit wala na ang apat.Hindi raw nakasagot ang mga sundalo agad sa palagay nila ay dinasalan sila ng kakaiba ng apat na lalaki na pinaghihinalaan nilang kulto.Habang binabantayan raw kasi ng mga ito ang apat na lalaki biglang nagdilim ang paningin nila at wala na silang maalala.
Hinde rin raw nakita ni lolo kung saan dumaan ang mga ito.Pero pinasasalamat nila na walang nangyari sa kanilang masama at ginamot lang ni lolo ang sugat nya sa braso ng nginuyang dahon ng bayabas.
- Troy
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...