Hotel SG
SG (yung branch near sa SM Marikina)
It was Saturday morning nung nag-rides kami papuntang Tanay. Dun kami nag-breakfast and gala-gala. Pumunta pa kung saan saan bago kami nag-check in at around 1 or 2 pm. We decided na mag-check in na lang kasi may pasok pa ako nang gabi that same day na nag-rides kami para mas malapit nalang sa office kapag ihahatid nya ‘ko. Parehas na kami pagod sa byahe kasi kung saan saan na nga kami nag-punta.
Sa Lobby - okay naman. Malinis. Light yung pakiramdam. Not until, sumakay na kami sa elevator para pumunta sa room. Shuta. Dalawa lang kami pero bakit pakiramdam ko ang dami namin sa loob. Ang bigat na ng pakiramdam ko.
Pag labas naman namin ng elevator, parang napunta kami sa ibang dimensyon. Ganun yung nafeel ko. Hindi nalang ako nagsasabi sa bf ko kasi matatakutin sya. Yung ambience sa hallway sobraaaang bigat. Tapos yung lights parang yellowish na brownish yung kulay. Alam nyo yung mga kulay ng mga palabas noon sa tv? Ganon yung itsura. At yung pakiramdam na parang may nakatingin sa inyo at nakasunod habang naglalakad papunta sa room.
Nung nakapasok na kami sa room. Nag-ayos na ko ng mga gamit namin. Hinayaan ko na bf ko na magpahinga kasi nga sya ang nag-drive.
Nag-shower na rin muna kami bago matulog. And after non, wala pa kaming isang oras sa room, inaapoy na ng lagnat bf ko. Parang gusto ko nalang umuwi. Natatakot na talaga ako kasi parang may kasama kami sa room.
Pinunasan ko nalang sya ng basang towel para mabawas-bawasan naman yung init nya. Nanghihina talaga sya and matamlay na that time. Sinubukan ko nalang rin matulog kasi nga may pasok pa ako. Hindi ko na matandaan kung anong oras naputol yung tulog ko at nagising ako, napatingin ako banda sa pintuan ng room. I swear, may nakita akong black shadow sa sulok. Human shaped shadow talaga. Natakot ako kasi iniisip ko pano kung multo nga or paano rin kung tao naman. Like bakit ka nandito sa loob ng room namin? Pinilit kong matulog ulit, parang napagod na lang yung utak ko iprocess yung nakita ko. Sumiksik ako sa bf ko kahit ang init nya. Gusto ko nalang pumasok sa work. Gusto ko nalang bumilis yung oras.
Hanggang sa tumunog na alarm ko kasi nga papasok na ko. Naligo ako nang nakabukas lang yung pintuan sa cr. Nagtataka yung bf ko pero di ko na lang sinabi na natatakot na ko. Pakiramdam ko lagi may tao sa likod ko na nakasunod sakin sa lahat ng kinikilos ko.
Nung pababa na kami sa lobby, nagmamadali na lang ako maglakad, minamadali ko rin bf ko. Sabi ko para makauwi nalang rin sya sa bahay after nya ko ihatid. Thank God nakababa na kami sa lobby. Gumaan na pakiramdam ko. Bright lights at mga tao na nakita ko.
Nung nasa parking naman na kami. Ayaw na umandar ng motor. Like pahirapan na paandarin. Di ko na alam. May mali talaga. Natapos rin yung araw na yun. Nakapasok ako sa work. Nakauwi na ng bahay bf ko at nawala yung lagnat.
Simula nun, sabi ko sa bf ko na kapag nag rides kami at may shift pa ako kinagabihan, umuwi nalang kami sa bahay at never na magch-check in sa sg branch na yun tho first time namin dun.
Dun ko na lang rin bigla naalala yung bagyong Ondoy. Pakiramdam ko ang daming na-trap na spirits dun. Naikwento ko nga agad to sa mga katrabaho ko pag dating ko sa office at sabi nila mas malala daw sa Parking lot ng SM marikina.
-Cee
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
AcakIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...