Lumang Bahay

9 1 0
                                    

Mahilig ako sa lumang bahay at talagang namamangha ako pag nakakakita ako nito. Pero iba ang lumang bahay na nilipatan namin sa Nabua Camarines Sur napakalaki at malawak ang bakuran nito, matibay talaga ang sahig at pondasyon nito sa una natural lang ito pero nag iba habang tumatagal. Dalawang palapag ang bahay nato at sa baba ang medyo magulo kahit linisan mo dahil sa mga lumang gamit ng nakatira dito, sabi ng pinagbilhan namin dina daw nila yun kukunin at puno na ang lilipatan nila kung gusto daw namin ipagbili nalang pero tumanggi ako at mahilig ako sa mga antique na bagay.

Pero wala akong alam na dito pala mag sisimula ang kababalaghan sa bahay. Minsan naglilinis kami ng girlfriend ko sa baba ng bahay dahil sa sobrang pagod nakatulog kami sa maliit na kama sa baba. Habang natutulog kami nagising bigla ang diwa ko dahil ramdam na ramdam ko ang pag dagan ng kung anong mabigat na bagay sa dibdib ko at panay ang bukas sara ng pintuan so nagdasal nalang ako baka simpleng bangungot lang. At dahil nasa labas ang hagdanan (na natural sa mga lumang bahay) makikita o maririnig mo talaga kung sino ang aakyat. Naririnig ko na may nagtatakbuhan sa taas at sa hagdanan dahil sa kahoy ito, wala naman kaming kasamang bata at wala naman kaming anak (pareho kaming girl) kaya ginising ko ang partner ko para tingnan kung sino yun. Alas 4 palang nun ng hapon pero wala namang tao so hinayaan nalang namin dahil baka sa imagination ko lang yun at kakagising ko palang.

Hanggang sa naulit ito ng naulit to the point na pati gf ko nakakarinig na pero hinayaan lang namin. Isang gabi natutulog na kami, bukas lang ang bitana dahil sa summer mainit para pumasok sa bintana ang sariwang hangin habang mahimbing na ang tulog ko nagising ako bigla dahil nakita kong nakaupo sa gilid ang gf ko, tinanong ko kung bat di pa sya natutulog. Bigla lang syang sumenyas na wag daw akong maingay at pakinggan ko lang ang paligid. Naririnig namin ang umiiyak na babae sa sala, nakakatakot ang iyak nito di mo maintindihan kung dahil sa galit o lungkot. Dahil nadin sa kyoryusidad sinilip namin sa siwang kung sino yun kahit nanginginig na kami sa takot. Isang babae nakaupo habang nagsusulat, di natagal tumayo ito at bumaba sa hagdanan. Dahil sa takot napagdesisyonan nalang namin na matulog ulit. Pero bigla nalang kaming nagulat dahil kitang kita namin sa bintana na nakasilip ang babae saamin pero bigla nalang itong naglaho.

Kinaumagahan tinawagan namin ang dating may ari kung ano ba talaga ang kwento sa bahay na yun at ang sabi nya, 1903 daw tinayo ang bahay na yun pag mamay ari ng isang mayamang mag asawa. Umalis daw ng ibang bansa ang lalaki at ilang taong hindi umuwi hanggang sa dumating ang sulat na nakikipaghiwalay na ang lalaki dahil may pamilya na itong bago, hindi daw kasi mabigyan ng anak yung lalaki kaya ito nakipaghiwalay kaya panay ang sulat ng babae sa lalaki para lang bumalik ito haggang sa dina kaya ng babae ang lungkot at galit nagpakamatay ito sa baba. Nilaslas ito ang kanyang pulso, kaya pala ganun nalang ang presensya sa baba. Inamin din ng unang bumili ng bahay na lahat ng gamit sa baba at gamit ng pinakaunang tumira dito, at mukhang ayaw ipatapon dahil minamalas daw sila pag sinusubukan yun.

Kaya tiningnan ulit namin ng partner ko ang mga gamit dun, may mga lumang aparador, salamin, upuan, plato at baso pero ang nakaakit saamin ng partner ko ay ang nakita naming maraming litrato na talagang namangha kami sa ganda ng babae, di ako nakapaniwala na ganun lang ang ginawa nya sa buhay nya. Hanggang sa nakita namin ang pinakahuling litrato sa kahon. Litrato ito ng mag asawa habang tinitingnan namin tumindig bigla ang balahibo namin ng biglang may nagsalitang "Masaya na sana kaming dalawa kaso hindi ko sya mabigyan bigyan ng anak."

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon