Loving someone so hard is a trap. A trap that you can choose whether to do everything in your will to forget or to let the poison consume your entire being and complete you for all that its worth.
Ano ba ang mas mahirap gawin?
Ang piliin ang bagay na alam mong nakakabuti para sayo at sa lahat o ang iwan ang taong mahal mo para sa isang bagay na walang kasiguraduhan?
Oo. Siguro nga mali ang paraan ng pagkakasabi ko kay Apollo. Siguro nga dapat pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Siguro nga dapat wala akong inilihim sa kanya. Siguro nga dapat hindi ako nagsinungaling. Siguro nga hindi siya masasaktan ng gano'n kung ginawa ko ang sa tingin ng iba ay dapat kong ginawa.
Apollo.
Kung ikaw nasa kalagayan ko mahal ko, anong gagawin mo?
Sasaktan mo ba ako katulad ng pananakit ko sayo? Pipiliin mo ba ang mas nararapat na gawin kesa sa bagay na alam mong mas makakatulong sayo? Pipiliin mo ba ako kesa sa sarili mo?
Mas pinili kong saktan ka ng ganito dahil alam kong pag sinabi ko sayo ang totoo ay hihintayin mo ako. Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa mga mata mo para sa panghabambuhay na kasiyahan kasama mo. Hindi ba? Hindi ba't ginagawa ko ito hindi lang para sa ako kundi para rin sa iyo?
Siguro nga maiintindihan mo ako. Siguro nga gagawin mo ang gusto kong mangyari. Pero hanggang kailan? Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito magagawa. Hanggang kailan mo ako hihintayin kung sakali Apollo? Ang desisyon na ito ay para sa sarili ko at hindi ko alam kung sa panahong naayos ko na ang lahat sa buhay ko ay nandyan ka pa din tahimik na naghihintay para mapansin ko. Ayokong saktan ka ng gan'on katagal. Ayokong paghintayin ka dahil ayokong mapagod ka.
I don't want you to stop loving me.
Masakit. Para akong nauubusan ng hininga. Kumikirot ang puso ko sa tuwing naaalala kong nasaktan kita. Alam kong ako na lang nag-iisang nagmamahal sayo pero iniwan kita. Am I selfish my love? Maybe I really am.
6 months.
It took me 6 months to graduate. It took me this long to communicate and repent to my parents, to fix my relationship with my stepsister and myself. Who would've thought that I was the one who made it all so complicated? All of this wouldn't have happened if I forgave and forget. It took me 6 months to finally realize that I deserve a smooth sailing ship. Pinatawad ko ang sarili ko at tinanggap ang mga bagay bagay na hindi ko kontrolado. Inayos ko ang sarili ko para sa ikakabuti ko. Natupad ang mga pangarap ko. Tumuntong ako sa entablado na may ngiti na hindi umaabot sa mata dahil sa wakas, sa wakas nakaabot ako sa taas. Sa wakas natupad na ang mga pinaghirapan ko.
Nakakapagod. Nakakabaliw. Nakakapanikip ng puso.
Pero andito na ako. Sa tuwing nakikita kong maayos na ang lahat sa sarili ko at sa pamilya ko, nagkakaro'n ng saysay ang lahat ng sakripisyo ko. Sa lahat ng bagay na nagpahirap sakin, nagpapasalamat ako dahil naging malakas ako ng ganito.
"Ham and bacon or omelet and hotdog? Alin ang gusto mong lutuin ko?"
Nagkaayos na kami ni Chaos. Ang pagkakamaling nagawa niya noon ay binaon ko sa limot. Nagkabati kami at hindi ko maikakailang tama ang naging desisyon kong patawarin siya. Pinapagaan niya ang lahat ng bagay sa paligid ko sa tuwing bigla kitang maaalala. Sa tuwing nararamdaman kong naiiyak ako dahil hiniwalayan kita.
Apollo, sobrang sakit pa din.
Alam kong ako naghatid nitong sakit sa puso ko at alam kong wala akong karapatan dahil ako ang nakipaghiwalay pero Apollo, ang bigat bigat sa dibdib. Minsan pag hinahayaan kong umiyak sa gabi ang sarili ko, hindi ako makahinga. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing naaalala kong nakangiti ka. Lagi kong hawak hawak ang cellphone ko para sana tawagan ka pero naduduwag ako.
Ayokong sumbatan mo ako. Ayokong magalit ka sakin. Ayokong marinig ang boses mo dahil para akong malalagutan ng hininga pag naaalala kong napaiyak kita. Lahat ng yun ay may karapatan kang gawin at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung sakaling magkaro'n na ako ng lakas ng loob na makipagkita sayo. Baka lumuhod ako sa harap mo para lang mapatawad mo ako kahit alam kong hindi iyon sapat.
Sa loob ng anim na buwan tiniis kong hindi ka hanapin, hindi ka makita, hindi ka maalala dahil nanghihina ang puso ko. Nagawa ko yun pero pagkatapos ng lahat ng pagod ko at nang maabot ko na ang taas ay nagsama-sama ang lahat ng naipong sakit na nagpapaiyak sakin gabi-gabi. Para akong unti-unting pinapatay. Para akong sinasaksak ng kutsilyo at hindi ko alam kung patitigilan ko ba ang pagsaksak nila dahil hindi ko alam kung sapat itong nararamdaman ko kumpara sa pinagdadaanan mo.
Alam ko mahal ko. Alam kong sobrang sakit. Siguro ay kinikimkim mo ang lahat. Siguro ay tinitiis mo ang lahat. Siguro ay kahit nasasaktan ka ay patuloy pa rin ang ina mo sa pagpapahirap sa buhay mo. At sa tuwing naaalala ko ang mga kwento mong nagpapaiyak sa akin noon ay nasasaktan ako ng sobra sobra. Hindi mo dapat nararanasan ang mga ito sa mga taong natitirang dapat magbibigay sayo ng pagmamahal. Nasasaktan ako dahil isa ako sa nagparanas sayo ng sakit na hindi mo alam kung papaano pahihintuin.
Pero tapos na ang paghihintay Apollo King. Naabot ko na ang gusto kong maabot. Handa na akong mahalin ka ng buong-buo. Habambuhay. Handa na akong mahalin mo ng lubos lubos. Gusto ko na ulit makita ang mga mata mo, ang ngiti mo. Gusto ko na ulit marinig ang mga tawa mo, mga pang-aasar mo. Gusto ko na ulit maramdaman kung gaano ka kasarap magmahal. Gusto ko na ulit.
"You're thinking about him again."
Napatingin ako kay Chaos na nakatitig sakin ng malumanay. Nararamdaman kong namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Yung puso kong nahihirapan sa pagtibok dahil sa sobrang bigat na naman ng pakiramdam ko.
Apollo ko....
"We'll find him. I promise Caly. We'll find him. Gagawin at gagamitin ko ang lahat ng resources ko para mahanap si Apollo. The last time I asked the investigator, the night na huli kayong nagkita, nagpunta siya somewhere at North, diba? They went there last week and told me that some citizens told them na may bagong nakatira doon. Baka siya na yun. I also asked them to keep an eye of his step mom pero wala naman daw unusual events na nangyayari sa bahay nila. Parang wala nga lang daw sa kanya na wala ang step son niya for almost 6 months. What a wench. But I promise, gagawin ko ang lahat. Hahanapin ko si Apollo para sayo."
Tumulo ang luha ko. Nasan ka ba Apollo? Mababaliw na ako.