34

6.5K 231 101
                                    

"Maupo ka muna."


Ilang buwan na simula nung napunta sa puder ko si Apollo. Sa loob ng mga panahon na 'yon ay hindi rin kumupas ang pagdalaw-dalaw niya. Araw-araw ay nagrereport ako sa kanya ng mga balita tungkol kay Apollo. Mga balita katulad ng hindi na siya ganun kahina.


Di tulad noon na kahit ang paglalakad ay parang nakakapagod para sa kanya. Tulad ng pagkakaroon niya ng mga kaibigan dito sa aming barangay na siyang nagpasigla pa lalo sa kanya. Madali siyang natanggap ng mga tao dito bukod sa isa nga itong maliit na baryo ay ang lahat ng tao talaga dito ay madaling pakisamahan. Tulad ng madalang na rin siyang magtanong kung ano ang nangyari sa kanya noon at bakit wala siyang maalala na pinagpapasalamat ko naman dahil sa wakas hindi ko na kailangang magisip kung ano ang sasabihin. Minsan nga ay napapagsabihan ko siya ng mga salitang hindi ko lubos maisip na kaya kong sabihin pero kinakailangan.


Ang mga gamot na pinapainom ko sa kanya ay bigay ng doktor na pinuntahan namin noong una ko silang nakita. Ayon dito ay isa itong gamit sa pagkalimot. Matinding depresyon raw kasi ang nangyari kay Apollo kaya minabuti nitong bigyan ito ng gamot na ang epekto ay para sa memorya.


Nalulungkot ako para kay Apollo at inisip ko kung paano ang pamilya niya, kung paano yung mga mahihiwalay sa kanya, paano na yung babaeng minamahal niya na naghihintay sa pagbabalik niya, paano na sila kung kailangan niyang inumin ang gamot na iyon para makalimot? Para makalimutan yung sakit na naranasan niya.


Sana.....


Sana matapos na ang lahat ng ito. Bago pa mahuli ang lahat.


-


"Cali," Tawag sakin ni Chaos nang umalis ang doktor. Narito kami sa silid kung nasan naka-confine si Apollo. Kinailangan siyang patulugin dahil sa nangyari kanina. "Tungkol sa pabor na hinihingi ko."


Hindi ko alam pero kinabahan ako. At hindi ko rin alam itong nararamdaman ko pero bakit ganito? Parang lahat ng sasabihin niya ay susundin ko. Hindi ako nagsalita. Nakaupo ako sa isang monoblock habang siya ay nakatayo at nakatingin sa bintana.


"Hihingi ako sayo ng isang pabor na maaari mong tanggihan dahil napakalaking bagay ito. Siguro nagtataka ka ngayon. Siguro iniisip mo kung bakit mo nga naman ako tutulungan gayong hindi mo naman ako ganun kakilala. But I will take my chances because only you can grant me this request. Only you, Cali."


Napalunok ako.


"I want you to take care of him."


Napasinghap ako. "H-ha?"


"I want you to listen. Gusto kong kupkupin mo siya. Itira sa bahay mo. Alagaan mo, bantayan mo. Gusto kong tulungan mo ako hanggang sa maging okay na siya. Hanggang sa dumating ang araw na kukunin ko na siya. Alam ko, alam kong hindi iyon ganun kadali but I will give you anything you want, just name it. Just... do this for me."

No More ApolloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon