chapter 4

9.7K 328 30
                                    

***

Chapter 4 - "The warning"

Kanina pa nagmamasid sa paligid si Ace habang hinihintay ang pakay niya.

She needs to apologize to him. it's her fault anyway. Kung hindi siya lumapit kay ryu ay hindi nito makaka-banga si henry.

Alam niya namang hindi magagawa ni ryu iyon kung hindi pinangunahan ni henry. Ang kinalabasan lang ay mas kinampihan ng school head si henry dahil si ryu ang may police record sa dalawa. Meaning, sa dalawa ay ito ang may tendency na magsimula ng gulo.

She wanted to defend him, kaso tinanong lang siya kung anong nangyari pero hindi pinag-paliwanag. nung tinanong naman si ryu kung anong nangyari ay hindi man lang nito dinipensahan ang sarili. And now henry is suspended for three days while ryu got a week suspension.

Malapit nang mag-dilim pero wala pading ryu na dumadaan. Nasa may bakanteng lote kasi siya naghihintay. Alam niyang dito madalas dumaan si ryu dahil ito lang naman ang tanging daan pauwi sa lugar nila kung maglalakad ka lang galing eskwelahan.

It's a bad idea ace. Her subconscious keep on telling her. You should leave now before it's too late.

Umiling siya. Alam niyang kailangan niya humingi ng sorry dito. Gustuhin man niyang sa bahay nalang mag-hintay dahil magkapit bahay lang naman sila ay hindi pwede. Lagot siya parents niya oras na malaman ng mga ito na nakikipag-usap siya kay ryu.

Sumilip ulit siya sa daan pero wala padin ni anino ni ryu. Parang gusto niya na tuloy sundin ang utos ng subconscious niya. Natatakot na kasi siya baka abutin siya ng dilim sa kakahintay sa wala.

May narinig siyang mga kaluskos at pag-silip niya ulit sa daan ay halos matumba siya sa pagkagulat ng nasa harapan niya na si ryu.

"Ahh!" sigaw niya. Napatakip agad siya ng bibig ng makitang masama na naman ang tingin nito sa kanya. "Oh my God! Bakit ba sumusulpot ka nalang bigla!" bulyaw niya dito

Naningkit ang mga mata nito at akmang lalampasan sana siya nito ng humarang agad siya.

"Wait, gusto kitang makausap." Pigil niya. Sinigurado niya din na hindi niya ito mahahawakan dahil baka itulak na naman siya nito.

Tinanggal nito ang hood ng jacket dahilan para maglaglagan ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha. naka-ponytail padin ang mahaba nitong buhok. Tinanggal din nito ang suot na face mask.

Napalunok tuloy siya ng makita ang buong mukha nito. His aura is really intimidating. Ngyon niya lang natitigan ng mabuti ang mukha ni ryu. Ngayon lang kasi nagkaroon ng lakas ng loob at ngayon niya lang naisip na hindi naman totoo ang sinabi ni kim na panget ito. ayusan lang siguro ito at ngumiti ng kaunti ay baka maka-level na nito si henry.

She mentally shake her head.

You need to apologize to him not evaluate his face! sigaw ng subconscious niya.

"I-I w-wanted to apologize for what happened earlier." Habang nagsasalita siya ay napapa-atras siya dahil humahakbang ito papalapit sa kanya. "Uhm... k-kasalan ko kung bakit ka na suspend... s-sorry."

Nahinto lang siya nang puno na ang nasandalan niya pero hindi padin ito tumigil sa paglapit sa kanya. Huminto lamang ito ng halos dikit na ang katawan nito sa kanya.

She felt like her heart would leap out in her chest any moment because of the situation. Titig na titig lang ito sa kanya na animo'y binabasa ang isip niya.

"R-ryu..."

He smirked. Yumuko ito at inilapit ang mukha sa tainga niya. ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang leeg. She can't move, she felt paralyzed and her mind seems to be blank at the moment. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"I told you to stay away from me." Bulong nito sa kanya. naramdaman niya ang tila ba pag-amoy nito sa buhok niya. She's having a goosebumps at the moment just by hearing his deep soothed voice. "But humans are just so hard headed, eh?"

He sneered. Umangat ang kaliwang kamay nito at pinagapang nito ang hintuturo sa kanyang leeg. "Ace... ace... ace." Banggit nito sa pangalan niya na animo'y nakikipag laro.

Ang kaninang daliri nito ay napalitan ng kamay na gumapos sa leeg niya. Halos manlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagpisil nito sa leeg niya.

"Kayang kaya kitang patayin ngayon, alam mo ba?" Inilayo nito ang mukha sa kanyang leeg at hinarap siya. gahibla lang ang layo ng mukha nito sa kanyang mukha.

Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Siguro nga dapat na nakinig siya sa kanyang subconscious na umalis na kanina. It's a really wrong decision for her to talk to him. Akala niya pa naman may tinatago ding bait ito nang tulungan siya nito... mali pala siya. And now she might die in his hands.

Unti-unting humihigpit ang gapos nito sa kanyang leeg. A tear escaped her eyes. "Ryu... please." Pagmamaka-awa niya. titig na titig siya sa mga mata nito na walang bahid na kahit anong emosyon. takot na takot siya sa mga oras na ito, ang oras ng kamatayan niya.

"Ganyan nga, ace, matakot ka sa akin." Madiin na sabi nito bago binitawan ang kanyang leeg at humakbang palayo sa kanya. "This will be my last warning, stay away from me or I might not control myself next time."

Sunod-sunod na ang bagsak ng mga luha niya. She can't believe that he can really kill her.

"Crybaby." inis na bulong nito pero rinig niya naman. Sa nanlalabong paningin ay nakita niyang luminga linga ito sa paligid na tila may hinahanap.

Hindi padin siya makakilos sa kinatatayuan gawa ng takot sa kakatapos lang na pangyayare.

"Go home!" utos nito.

Nanatili lamang siyang nakatingin dito.

"I said fvcking go home, ace!" sigaw nito nang hindi siya kumilos. Akmang lalapitan siya nito ng napa-atras siya at walang ano-ano'y tumakbo sa direksyon patungo sa bahay niya.

She run as fast as she can. Away from that place, away from him.

***

Lingid sa kaalaman ni ace ay may nagmamatyag sa kanya sa di kalayuan.

Napangiti ito ng makitang mag-isa lang ang pakay na si ace. ito na ang pagkakataon niya para kunin si ace. Pero may dumating na sagabal... si ryu.

hindi nakaligtas sa paningin nito ang biglang pag-sulpot ni ryu sa kung saan.

napangisi ang nilalang.

Hindi nito inaasahan na si ryu cervantes ay kapareho niya din pala. Hindi nito iyon naramdaman noong una dahil marahil ay mahina si ryu hindi kagaya niya.

Ang kaninang ngisi sa labi nito ay nawala ng makita nito ang ginawa ni ryu kay ace.

Napakuyom ang kamao nito at nais nang sugurin si ryu, pero pinigilan nito ang sarili. hindi pa... hindi pa pwedeng malaman ni ace. Mawawalan ito ng pagkakataon na mapasakanya muli ang pakay.

"May araw ka din sa akin waren." Bulong nito sa sarili.

Nakita nito ang pag-linga ni ryu sa paligid na animo'y may hinahanap. sigurado itong naramdaman ni ryu ang presensya niya.

Bago pa siya makita ni ryu ay umalis na ang nilalang

Sa pagdaan ng isang malakas na hangin ang tila bulto ng tao sa dilim ay nawala na parang bula at ni walang bakas na naiwan.

Naiwan si ryu sa bakanteng lote na pinapakiramdaman ang paligid. Ang kaninang presensyang naramdaman niya ay nawala.

Sigurado siya sa naramdaman. pero imbis na matakot ay ising ngisi ang sumilay sa kanyang labi.

****

A/N: Hola! If your imagining what's ryu looks like. Imaginin niyo lang si jiyong sa MV ng bigbang na 'My heaven'... bet ko talaga yung long hair niya.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon