chapter 18

7.9K 303 19
                                    

We are dying from overthinking. We are slowly killing ourselves by thinking about everything. Think. Think. Think. You can never trust the human mind anyway. It's a death trap.

--- Anthony Hopkins

***

Chapter 18 - "Pure Soul"

"Kahit anong mangyari wag kang titingin ng direkta sa mga mata niya." Muling paalala ni Cleo kay Ace nang huminto sila sa tapat ng isang pinto.

Pagkatapos ng mga pangyayari kanina ay dinala sila ni Cleo dito at may titingin daw sa kanya. Nalilito pa rin talaga siya sa mga pangyayari at kahit gusto niyang magtanong ay tiyak na wala namang sasagot sa kanya.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong niya. Sino ba ang tinutukoy ni Cleo na si Luna? Hindi kaya doctor ito at ito ang gagamot sa kanya? "Katulad ba siya ni medusa na kapag tumingin ako sa mga mata niya ay magiging bato ako? O may nakakahawa siyang sakit at bawal ang eye contact?" She tried to joke around to ease the tension she's feeling.

Wala namang natawa sa mga ito at seryoso lang nakatingin sa kanya. Si white lang ata ang nag react dahil tumahol ito. Though, hindi niya alam kung natuwa ba ito o nainis.

Tsk. Nasisiraan nga nga yata ako. pati reaksyon ng aso iniisip ko.

"Mas malala pa ang pwedeng mangyari sa'yo." kumento ni Black na kampanteng nakasandal sa pader.

Cleo just glared at him. Hinawakan ni Cleo ang braso niya at iginaya siya sa tapat ng pinto. Ito na rin mismo ang nag bukas ng pintuan at pinapasok siya bago nito sinara ang pinto.

Naiwan siyang mag-isa sa loob. Madilim din sa loob ng silid kagaya sa silid na pinanggalingan niya. Kakaunting liwanag lang ang meron na galing sa lampshade sa gilid. Tanging dalawang upuan na magkatapat ang nakikita niya sa silid na iyon.

"Maupo ka." Isang tinig ng babae ang narinig niya mula sa madilim na sulok ng silid.

Kinakabahan man ay umupo na rin siya sa isang silya katapat ng isa pa. Napatingin siya sa kanyang gilid ng makarinig ng mahihinang kaluskos kasunod niyon ay mahinang tinig na humuhuni.

"Peace Clemente?" Tanong pa rin ng babae.

"O-opo."

Tumawa ito. Naramdaman niya na lang ang isang kamay sa kanyang balikat. Muntikan na siyang mapatalon sa gulat kung hindi pa siya pinigilan nitong makatayo. On her peripheral view she saw her hand with sharp claws touching her. Kakaibang kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na ito. Naramdaman niya ang paglapit ng mukha nito sa kanyang buhok at inamoy iyon.

Ano bang meron at bakit ang hilig nilang amuyin ang buhok niya? Now that she thought about it. Halos tatlong araw na pala siyang hindi naliligo. She grimaced in disgust. Pero mukhang bangong bango naman sa kanya ang mga ito.

"Pure soul." Banggit ng babae.

Naalala niya ang sinabi rin ni Black. Something about pure soul.

Lumipat ito sa harapan niya. Natulala siya sa itsura nito. Mahaba ang itim na damit nito at nakatakip din na itim na belo ang mukha nito. Hinimas nito ang pisngi niya at unti unting inilapit ang mukha sa kanya.

'Wag kang titingin ng direkta sa mga mata niya.' Naalala niya ang sinabi ni Cleo. Kaya bago pa nito matanggal ang belong nakatakip sa mukha nito ay napapikit agad siya.

Kakaibang katahimikan ang namayani. Kung hindi pa niya ito nakita at hindi nito hawak ang mukha niya ay baka iisipin niyang mag-isa lang siya sa kwartong iyon.

She was breathing heavily. Nag-umpisa itong mag salita pero wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. She was chanting incoherent words. Humigpit din ang hawak nito sa mukha niya. May naririnig din siyang tunog na hangin na tila ba may ipo ipo sa loob ng silid na iyon. The woman screamed then stop. Pagkatapos niyon ay biglang tumahimik ang buong paligid.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon