chapter 13

7.9K 374 15
                                        

Hello kay @kira_izumi @sunlightning16 at @miss_misha enjoy reading! ^^

Chapter 13 - "The deal"

WALANG tigil ang pag sigaw ni Ace habang unti unting lumalapit sa kanya ang mommy niya na ganoon pa rin ang mukha. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan, pakiramdam niya ay napako siya.

"Ilang ulit ko na bang sinabi na diyan ka lang! Ang tigas ng ulo mo! diyan ka lang at darating na siya para kunin ka!" Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng mommy niya. Unti-unting nagiging pangil ang mga ngipin nito na nagbigay sa kanya ng kakaibang kilabot.

Hindi ito ang mommy niya! Hindi pwedeng ito ang mommy niya.

Halos manlabo na ang paningin niya dahil sa mga luha na umaagos sa mga mata niya. Nanlalamig ang buong katawan niya at nanginginig na siya sa takot.

"Wag kang lumapit, please." pakiusap niya sa nilalang na nasa harapan niya.

Mabilis na gumalaw ang ulo nito pakaliwa at pakanan habang ang mga paa ay lumalapit pa rin sa kanya. Tumawa ito bigla at nang tumingin ulit sa kanya ay pula na ang mga mata nito.

Napaatras siya pero lamesa na ang nasa likuran niya. Tumawa ulit ito. Rinig na rinig sa buong bahay nila ang malaking tinig nito na parang sinapian ng malaking tao. Mayamaya pa ay bigla itong umubo at napahawak sa leeg. Tumatawa pa rin ito habang umuubo. Nagulat na lang siya ng sumuka ito at dahil ilang pulgada lang ang layo niya rito ay sa kanya tumama ang likidong nilabas nito...Dugo!

Nanlalaki ang mga mata niya na napatingin sa mga kamay niya at katawan na puno ng Dugo. She screamed and without thinking she run. Halos madapa pa siya sa pagktakbo maka labas lang sa bahay nila.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari at bakit nagkaganoon ang mommy niya... o kung mommy nga ba niya talaga iyon.

Dinala siya ng mga paa niya sa bahay ng taong tingin niya ay makakatulong sa kanya.

"RYU! HELP! PLEASE OPEN THE DOOR!" kinalampag niya ang pintuan nito at halos gibain niya na iyon sa sobrang takot. "Ryu!"

Napatingin siya sa bahay nila at nakita pa niya ang mommy niya na kumakaway sa kanya mula sa bintana ng kusina. Kagaya niya ay duguan na rin ang katawan nito at bahagi ng mukha.

"Ryu! Please!"

Nang bumukas ang pinto ay hindi na siya nagdalawang isip na pumasok. She immediately closed the door behind her.

"What---"

"Ryu!" Hindi niya pinatapos itong magsalita ng yakapin niya agad ito dahil sa takot. Hindi niya na mapigilang mapahagulgol at ngayon niya lang naramdaman ang panghihina.

"Si m-mommy... may nangyari... hindi ko alam kung b-bakit siya nagkaganoon." She said between sob. Nakayakap pa rin siya dito pero hindi man lang ito kumilos at nanatiling nakatayo. She doesn't even care if she's hugging the infamous and dangerous Warren Ryu Cervantes. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa poder ni Ryu.

Naramdaman niya ang paghawak ni Ryu sa kanyang mga balikat at itinulak siya ng bahagya. Nang mag angat siya ng mukha ay nakita niyang nakatingin lamang ito ng mariin sa kanya. He looked at her deeply with his shallow depth set of eye.

Kumunot ang noo nito bago siya binitawan at walang salitang iniwan at nagtungo sa sofa. He turned on the tv and watch like nothing weird around them is going on.

"Ryu!" Tawag niya rito at nilapitan ito. Hindi man lang siya nito nilingon. "Ano ba ang nangyayare? Naguguluhan na ako. Kahapon lang may mga malalaking aso ang humabol sa atin, and now my mom is acting like she's possessed! Tell me what's happening. Mababaliw na ako!"

"You remembered what happened yesterday?" Tanong nito.

"What? Malamang naalala ko. Sino ba naman ang makakalimot kung habulin ka ng naglalakihang aso? Tell me what's happening. please." Pakiusap niya rito. She knows that ryu might somehow know something about what's going on. base na rin sa kilos nito.

He cursed silently. Pinatay nito ang TV at tumayo. Kahit maliwanag sa labas ay madilim naman sa bahay ni ryu. Pumunta ito sa may kurtina at sumilip doon. Lumapit na rin siya at halos maiyak ulit siya ng makita niya ang mommy niya na naroon pa rin sa pwesto nito. Akala niya ay matatakot din si ryu pero nakita niyang ngumisi pa ito.

"Anong nangyari sa mommy ko?"

Tumingin lang ito sa kanya at mukhang wala pang balak mag salita kaya pinakiusapan niya ulit.

"Please, Ryu, mababaliw na ako sa mga nangyayari sa akin."

He sighed before answering. "She's possessed."

"Possessed? By what? Bakit si mommy pa? Mabait ang mommy ko. She's religious."

He clicked his tongue. "You people are so narrow minded. Mukha ngang relihiyoso ang mommy mo at sa sobrang relihiyoso niya ay hindi niya namalayan na iba na pala ang sinasamba niya."

"What do you mean?"

"You won't understand, Ace."

"Naguguluhan na ako Ryu. Yung nangyari kahapon, bakit hinahabol nila tayo?"

He shrugged. "Why don't you asked yourself? Ikaw ang gusto nila."

"A-ako?" Itinuro niya ang sarili niya. "Bakit ako?"

"I don't know. Just fvcking ask them."

"What! Are you out of your mind? Bakit ba napaka kaswal mo sa mga bagay na ganito? H-hindi kaya ikaw ang may kagagawan nito sa akin?! Are you somehow a cult and put a curse in me?"

Natawa ito bigla bago bumalik sa sofa. "A cult? You're so funny babe, I wanna slit your throat."

Napahawak bigla siya sa kanyang leeg sa sinabi ni Ryu. Nagsitayuan na naman ang kanyang mga balahibo.

Napailing ito bago muling mag salita. "Bumalik ka na sa bahay niyo."

"W-what?" Nahihibang ba ang isang ito? Pababalikin siya sa bahay nito kung nandoon pa ang mommy niya who is possessed by a spirit she doesn't know what. "No! Hindi ako pwedeng bumalik doon. My mom might kill me."

"So am I."

Mukhang masisiraan na talaga siya dahil sa mga nangyayari. her mom is possessed and seems want to kill her and then there's crazy dogs that wanted to kill her also and here she is in his house... another person who might kill her also. Kailan ba magiging ligtas ang buhay niya?

Naalala niya bigla ang sinabi ng mommy niya.

"Sabi ni mommy may kukuha raw sa akin... natatakot ako ryu. Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong... ikaw lang ang pwede kong lapitan."

"Ako? Tutulungan ka?" Tumawa ito. "Fvck! Didn't see that one coming."

Naningkit ang mga mata niya. Eto na nga siya at nanganganib ang buhay pero nagagawa pa siyang pagtawanan ni Ryu. Alam niyang wala na siyang choice kundi ang humingi ng tulong dito.

She don't know what's happening now. Ang natitiyak niya lang ay nanganganib ang buhay niya. What in the world is happening? Parang kailan lang normal pa ang buhay niya pero ngayon hindi na.

Tumigil na rin ito sa pagtawa at tumingin sa mga mata niya. "Do you really want my help, Ace?"

She nodded.

"Fine. But you have to pay me."

"W-what? Magkano? wala pa akong pera sa ngayon."

Umiling ito. "Not with money, Ace."

Kung ganoon ano? "Ano?"

"Malalaman mo, Ace, sa tamang panahon."

***

A/N: fan si Ryu ng kalyeserye eh. nakikitamang panahon. haha. chos!

Lots of questions left unanswered. Abangan ang mga susunod na chapters at marami pang magaganap! :)

Hellanatics daw ang tawag sa mga readers ng story na to. haha inimbento ng pinsan ko eh. La lang.
Vote kung Hellanatics ka! muah!

~~~Zee.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon