Chapter dedicated to @dianareign20 enjoy reading :)
****
Chapter 8 - "Lost"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ace bago tumayo sa kinauupuan. Madilim na sa labas at eto pa rin siya sa school library na pilit tinatapos ang kanyang research papers. Kung bakit ba naman kasi ang sisipag magbigay ng kanilang mga prof ng mga assignment.
Sa sobrang abala niya sa ginagawa ay ginabi na tuloy siya. kung hindi pa siya pinaalis ng nagbabantay sa library ay hindi niya mamamalayan ang oras.
Ayan tuloy, mag-isa na lang siyang uuwi dahil wala na ang school service. At iilang estudyante na lang din ang papaalis ng school.
Naisipan niyang maglakad lakad muna hanggang sa maka-tyempo siya ng sasakyan. pag ganitong oras kasi ay madalang na ang sasakyan sa lugar nila. Panatag naman siya dahil may mga kasabayan naman siyang iilang estudyante na naglalakad rin.
Gustong gusto na niyang makauwi at makapag pahinga. ilang araw na din siyang hindi makatulog ng maayos gawa ng madaming ginagawa sa eskwelahan at madalas din pumasok sa kanyang isipan ang mga kakaibang panaginip niya.
Pssst.
Napahinto siya sa paglalakad ng makarinig ng pag-puswit. Luminga linga siya sa paligid para hanapin kung saan nagmumula ang tunog na iyon ngunit bigo siyang makita.
Marahil ay mga walang magawa na tao at gustong mang trip. sa isip niya.
Pinagpatuloy niya ang paglalakad, hindi alintana na bahagya nang dumidilim sa parte ng lugar na iyon dahil hindi na nasasakupan ng ilaw na nasa poste.
PSSST!
Sa pagkakataong ito ay mas lumakas pa ang tunog.
"Sino yan?" tanong niya kahit wala namang nakikitang tao. bahagya din siyang kinilabutan, takot na baka bigla na lang may sumulpot sa kanyang harapan.
Tsk. Kailangan ko na talagang bilisan.
Nagmamadali na siyang naglakad para agad nang maka-alis sa lugar na iyon. kung bakit naman kasing hindi siya sumabay sa uwi ng mga kaibigan niya kanina, ito tuloy ang inabot niya.
Bigla siyang napahinto nang mapansing wala na siyang natatanaw na ilaw ng poste at kaunting liwanag lamang ang naibibigay ng buwan. Lagot na! takot pa naman din siya sa dilim. doon niya lang din napansin na wala na ang mga kasabayan niyang naglalakad kani-kanina lang.
She frowned. Alam niyang may mga kasabay siya kanina, pero nasaan na sila? Masyado bang malalim ang iniisip niya at hindi niya namalayan ang pagkawala ng mga tao sa paligid?
Aish!
Lumingon siya sa pinanggalinan niya. wala na ring katao tao. siya na lang ang mag-isa sa madilim na lugar na iyon. kinuha niya ang cellphone niya at minamalas namang lowbat siya.
Kahit natatakot ay nagsimula na siyang maglakad. Wala nang atrasan ito. Hindi rin naman siya makakauwi kuog tatangkain pa niyang bumalik. This is her only way.
Binilisan niya na ang paglalakad sa madilim na lugar na iyon. bakit parang ang tagal niya nang naglalakad ay wala pa rin siyang maaninag na ilaw? Sa totoo lang parang naninibago siya sa lugar kahit na madalas niya namang daanan iyon. napakatahimik ng paligid na tila ba ang paghinga niya lang ang maririnig.
Parang may mali. Hindi na talaga siya mapalagay sa lugar na iyon.
PSSSSST!
Sa pagkakataong ito ay napatakbo na siya ng marinig ulit iyon. Pero hindi inaasahan ang pagbangga niya sa isang bagay... o tao?
Madilim ang paligid at nakumpirma niya lang na tao nga iyon ng magsalita ito.
"Ok ka lang?" tanong nito.
"O-okey lang." Pilit niyang inaaninag ang mukha ng taong nasa kanyang harapan ngunit bigo siya dahil bulto lang ng katawan nito ang nakikita niya.
"Ace?"
"H-huh?" Kilala siya nito?
"Si carl ito." Nakumpirma niya lang na si carl ito ng lumapit ito sa kanya at inilawan ang mukha gamit ang cellphone nito.
Si carl nga! Classmate niya ito dati sa Ecology. Hindi naman sila close pero nakakausap niya ito minsan. mabait naman si carl kaya nakahinga siya ng maluwang. At least may kasama na siya.
"Akala ko kung sino na. Kanina pa ako naglalakad dito at ang dilim ng paligid."
"Mabuti na lang pala at ako ang nasalubong mo. Pauwi na din ako niyan, hindi kasi ako nakahabol sa bus kay eto at naglalakad. Ikaw, bakit mag isa ka lang? "
"Naiwanan din ako ng bus eh." Paliwanag niya. "Teka carl, ikaw ba yung sumisitsit kanina? May narinig kasi ako eh."
"Huh? Hindi Ace. Kanina pa ako naglalakad dito. nagulat nga ako at bigla mo na lang akong binangga."
Nangunot ang noo. sigurado siyang may narinig siya! Pero sino naman kaya iyon?
***
"Sure ka bang alam mo ang daan? Parang napalayo ata tayo eh." Tanong niya kay carl. hindi na kasi siya familiar sa lugar na ito. Sa ibang ruta kasi sila dumaan dahil may alam daw na shortcut si carl, nagprisnta kasi itong ihahatid siya. Pero mukhang lalo lang silang naligaw.
"Trust me, Ace. Alam ko."
Mabuti na lang at kahit papaano ay maliwanag na ang buwan hindi kagaya kanina na nauna nilang dinaanan.
"Carl, narinig mo ba iyon?" Tanong niya ng may marinig na tila ba kaluskos sa kung saan. wala naman sigurong gumagalang mga wild animals sa lugar nila dito diba? Wala din sanang mga masasamang loob na magtangka sa kanila. mabuti nalang talaga at may kasama siya kahit papano.
"Ace, tara."
"Huh?"
"May sumusunod sa atin. Wag kang lilingon."
Sa sinabi ni carl ay napahawak siya sa braso nito. May sumusunod sa kanila? Bakit?
"Wag kang magbiro ng ganyan." lalo niyang isiniksik ang sarili dito.
"Follow me." Bulong nito. Inakay siya nito papunta sa may mga puno para ata makapag tago sila sa kung sino man ang sumusunod sa kanila.
"Carl, saan ba tayo pupunta?" tanong niya dito habang patuloy lang ito sa paghila sa kanya papasok sa kagubatan. "C-carl?" Sa totoo lang kinakabahan na talaga siya. bakit ba dito sila pumunta?
"Dito na tayo." Huminto bigla si carl at binitawan ang kamay niya.
Nagtatakang inilibot niya ang paningin sa paligid. ano bang sinasabi nito? ni wala nga siyang makita kundi naglalakihang mga kahoy na nakapalibot sa kanila.
Nagulat siya na may sumulpot na tao sa harapan nila.
"Ahh!" Tili niya pero agad ding napatigil siya ng takpan ni carl ang bibig niya.
"Shhh." Bulong nito sa tenga niya.
Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni carl pero lalo siyang kinabahan ng humigpit lalo iyon, kasunod ng pagpulupot ng isa pa nitong kamay sa bewang niya.
"Nice work, carl." sabi ng lalaking nasa harapan niya.
***
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."