chapter 9

7.8K 327 6
                                    

***

Chapter 9 - "The playful side"

"Nice work carl."

Hindi makapaniwala si ace nang makilala ang tao sa harapan niya.Malaki ang ngisi sa mukha ni jack nang lumapit ito sa kanila.

Si jack ang lagi niyang nakikita na kasa kasama ni henry sa school. Hindi siya gaanong malapit dito dahil tahimik lang ito. Ibang iba ang jack na nasa harap niya at ang jack na nakilala niya. bakit ito nandito at anong plano nito sa kanya? Si henry ba ang may pakana nito?

Sinubukan niyang gumalaw pero mahigpit ang kapit sa kanya ni carl. Lagot na! ano ba itong pinasok niya? At si carl na akala niyang tutulong sa kanya ay siya pa palang magpapahamak sa kanya.

Nag-uumpisa nang mag unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. She just wanted to get out of this place so badly.

"Oh poor Ace, don't cry, wala kaming gagawing masama sayo... unless maisipan ko." Jack winked at her. May nilabas itong tali at sinenyasan si carl kaya naman binitawan siya nito.

"B-bakit niyo ginagawa ito? Please, maawa kayo... pakawalan niyo na ako." Pagmamakaawa niya ng umpisahan na siyang itali ng dalawa. Kahit subukan niyang kumawala ay mas malakas sa kanya ang dalawa.

Pakiramdam niya ay naubusan siya ng lakas ng dahil sa takot na nararamdaman. Ayaw niya pang dito magwakas ang kanyang buhay. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay... pero mukhang ito na ang magiging katapusan niya.

Parang wala sa katinuan na tumawa si jack na sinundan din ni carl. Masakit sa kanyang pandinig ang tawa ng mga ito na tila ba sinapian na ng mga demonyo.

"Carl please, wag niyong gawin to. Hindi ako magsusumbong, pakawalan niyo lang ako." Pagsusumamo niya pero parang wala itong narinig.

Pagkatapos matalian ang kanyang mga paa at kamay ay saka naman tinakpan ang kanyang bibig. Patuloy pa din ang pag-agos ng kanyang mga luha at panay ang dasal niya na may tumulong sa kanya sa mga oras na ito. Pero sino bang niloloko niya? Wala nang makakatulong sa kanya.

"siguraduhin mong mahigpit yan bago siya dumating." utos ni jack kay carl.

Dumating? may hinihintay pa ang mga ito?

Isang tao lang ang sumagi sa isip niya. Si henry. Si henry lang ang maaaring gumawa nito sa kanya. Ilang araw na nitong tinangka siyang kausapin ngunit hindi niya ito ni minsan pinansin. pero hindi niya naisip na aabos sa ganito ang kayang gawin ni henry sa kanya.

Naramdaman niya ang paglamig ng paligid na siyang nagpatayo sa kanyang mga balahibo. gusto niya na talagang makaalis dito. Naalala niya ang kanyang mga magulang. Tiyak na masasaktan ang mga ito kapag may nangyaring masama sa kanya.

Isang sipol ang narinig niya pero hindi tiyak kung saan nagmumula. Nakita niyang napahinto din ang dalawa at lumingon sa paligid.

"Narinig mo yun?" tanong ni carl kay jack.

"Oo, siya na kaya yan?"

"P*tang ina, malay ko ba. Ikaw ang huli niyang nakausap diba?"

Lumakas ang ihip ng hangin bago nawala ang tunog ng mga insekto sa paligid. Ito na naman ang nakakabinging katahimikan.

Ang kaninang sipol ay naging tunog na tila ba kumakanta ang may likha noon.

"Ikaw na ba yan?!" sigaw ni jack sa madilim na bahagi ng kagubatan. "Sumagot ka!"

Narinig niyang pagtawa ng kung sino.

"Nah-ah." Isang boses ng lalake ang nagsalita pero ni anino ng tao na iyon ay hindi niya maaninag. "Guess who?"

"G*go! wala kaming panahon makipaglaro sa iyo!" Galit na sigaw ni jack dito.

"Aww... well, I have all the time in the world to play," tumawa ulit ito. hindi niya mapakiwari kung saan banda nagmumula ang tinig dahil parang kahit saang sulok ng kagubatan ay maririnig ang tinig ng taong hindi nila makita. "Mag bibilang ako ng sampo at dapat nakatago na kayo..." sumipol ulit ito.

"Gago! Lumabas ka kung sino ka man!" Sigaw ni carl.

Isa

"Ahh!"

Nanlaki ang mata niya ng makitang napayuko si carl na tila may iniindang sakit.

"Anong nangyari sayo?" tanong ni jack dito. "

Dalawa

Sa pagkakataong ito ay si jack naman ang napahiyaw sa sakit.

Takbo na... tatlo!

Lumingon lingon sa paligid ang dalawang lalaki bago nag umpisang tumakbo.

Apat

Naghihiyaw na si Ace dahil sa takot pero kaunitng ingay lang ang nalilikha niya gawa ng naka takip sa kanyang bibig.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa paligid. Takot. takot ang nangingibabaw sa kanya ngayon.

Kahit hirap ay sinubukan niyang gumapang maka alis lang sa lugar na iyon. hindi niya na marinig ang dalawang lalaking may gawa nito sa kanya at ang tinig kanina. naiwan na lamang siyang mag-isa sa lugar na iyon. Helpless and weak.

Bumilis ang tibok ng puso niya ng makarinig ng kaluskos sa damuhan kasunod ng pagsipol ulit. Bumalik ang lalaki kanina.

Please God help me. Dasal niya.

Tumawa ito. Unti unting may rebulto ng tao na papalapit sa kanya. Yumuko ito sa harapan niya. at dahil madilim ang paligid ay hindi niya maaninag ang mukha nito pero sigurado siyang nakatitig lang ito sa kanya.

Tinanggal nito ang tali sa bibig niya.

"HELP!" Malakas na sigaw niya nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Pero agad din siyang napahinto ng ibalik nito ang takip sa bibig niya.

"Tsk, you're so loud."

Humagulgol na siya ng makitang naglabas ito ng patalim mula sa pantalon na naaninag niya ang talim dahil sa kaunting liwanag na binibigay ng buwan.

"Alam mo ba kung gaano katalim ito? Gusto mong malaman? Pwede nating subukan sa balat mo." tumawa ito at pinadaanan ang dulo ng patalim sa kanyang pisnge na puno ng luha. "Wag kang gagalaw kung ayaw mong masubukan ito."

Humalakhak ulit ito bago isa isang hiniwa ang mga tali sa kanyang kamay. Hindi niya alam kung ano ang sumagi sa isip niya at nang tuluyang makalas ang tali sa kanyang kamay ay lakas loob niyang inagaw ang patalim dito.

"Woah, fast hands aren't we?" He said surprisingly amazed.

Tinutok niya dito ang patalim na himalang naagaw niya mula dito. Tinanggal niya ang tali sa bibig.

"Wag kang lalapit kundi gagamitin ko sayo ito." kahit na nanginginig ang mga kamay niya ay nilakasan niya pa rin ang loob.

"Talaga? Sige nga." humakbang ito papalapit kaya napa atras siya.

"Please wag ka nang lumapit." Pagmamaka awa niya. Never in her wildest dreams that she will stab someone. kaya hanggat hindi hinihingi ng pagkakataon ay ayaw niya gamitin ang patalim na hawak.

"Crybaby." Mabilis itong humakbang palapit sa kanya dahil para mag panic siya at maitarak ang patalim na hawak sa braso nito. "Ahh. Fvck, Ace!" He groaned.

She cried harder. Nanginig ang katawan niyang napaupo sa damuhan. "Parang awa mo na, don't kill me. Please."

The man groaned again.

"Ace!" Lumapit ito at yinugyog ang braso niya. "Hey! For pete sake, stop crying."

"Please... please, don't kill me."

Naramdaman niya na lang ang pag-angat ng katawan niya mula sa lupa. Binuhat siya nito at nagumpisa nang maglakad samantalang parang wala naman siya sa sarili na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Hey." Dahan dahan siyang nilapag nito at naramdaman niyang nasa kunkretong daan na siya at wala sa kagubatan. "Hey." This time his voice was smoother.

Dinilat niya ang mata niya at ang unang bumungad sa kanyang paniningin ay ang mukha ni ryu.

"R-ryu?"

***

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon