Hindi ko kayo matiis kaya nag-update ako. Alalalala.
***
Chapter 30 - "The Chase"
Payapa na ang gabi at tanging mga tunog ng mga kulilig na lang ang maririnig sa paligid pero hindi pa rin madalaw dalaw ng antok si Ace kahit na anong pwesto ang gawin niya sa kamang hinihigaan.
Pilit pumapasok sa kanyang isipan ang mga nangyaring daan sa buhay niya. Kahit tapos na ang lahat ay hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa puso niya ang pagkabahala. Pakiramdam niya ay may nagmamasid pa rin sa bawat kilos na ginagawa niya.
Natatakot pa rin siya lalo na't mag-isa na lang siya sa bahay. May pagkakataong hinahanap niya ang presensya ni Ryu na nagbibigay sa kanya ng proteksyon sa pagtulog.
Pero wala na. Tapos na ang lahat. Dapat niya nang iwaksi sa isipan ang mga bagay na iyon.
Naisip niya na rin ang mga plano sa buhay. Pagkatapos niya sa kolehiyo ay tutungo siya sa maynila para pumunta sa malapit na kamag-anak at para makapag simula muli sa kanyang buhay. Hindi niya lang alam kung papaano ipapaliwanag sa mga kamag-anak ang nangyari sa kanyang mga magulang.
She sighed.
Umayos siya ng pwesto at humarap sa bintana. Nakatitig lamang siya sa gawing iyon... matagal at malalim ang iniisip.
Naramdaman niya ang paglamig ng hangin kasabay ng paggalaw ng kurtina na tumatabing sa bintana.
She frowned. Hindi niya natatandaang binuksan ang bintana. Paranoid na siya kaya naman halos lahat ng bintana sa bahay ay naka-lock, takot na may makapasok mula sa labas.
Nag-umpisang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya nagdalawang isip na tumayo at isara ang nakabukas na bintana.
Bago pa man niya naisara iyon ay may nahagip ang mata niya na anino sa kabilang bahay. Lalo siyang kinabahan. Wala nang tao sa bahay ni Ryu. Sino iyon? O baka guni guni niya lamang.
Sinara niya ang bintana pati na rin ang kurtina saka binuksan ang ilaw ng kanyang silid.
Ilang beses siyang nagpaikot ikot sa kanyang silid at nag-iisip kung ano ang dapat gawin. Praning na kung praning pero alam niyang hindi na naman ligtas ang buhay niya.
Binalikan ba siya ni Ryu? Tatapusin na ba nito ang naudlot nitong plano sa kanya?
Napailing siya bago napabuntong hininga. Pinikit niya ang mata niya at naupo sa kama.
Black! I need you, please.
She called his name in her mind. Sabi nito ay darating ito kapag kailangan niya. Ngayon niya ito tiyak na kailangan.
"Why?"
Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ni Black pero nakakapagtakang wala naman tao sa paligid.
"Princess, I'm talking to you in your mind. Why do you need me?"
"Nakakausap mo ako sa isipan?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito gamit din ang isipan.
"Yeah, anong nangyayari? May problema ba?"
"I think, binalikana ako ni Ryu para kunin. I'm scared."
"What? Nandito kami sa baba at nililitis si Ryu. Hindi pwedeng mabalikan ka niya."
"Pero, Black! Nararamdaman ko, nandito ulit siya."
Naluha na siya. Nararamdaman niya na naman ang presensya na parang may nagmamasid sa kanya.
"Black, hindi kaya nagkamali kayo ng inakala? What if hindi si Ryu ang gustong kumuha sa akin? What if iba pala ang---"
Natigil siya ng may marinig na tunog sa bintana niya. Parang may bumato doon kaya mas lalo siyang kinabahan.
Hindi niya na muli pang narinig ang boses ni Black sa kanyang isipan.
Maliliit na hakbang ang ginawa niya patungo sa bintana. Napatalon pa siya ng muling marinig ang bagay na pagtama sa kanyang bintana. Nanginginig na ang kamay niya na inabot ang kurtinang nakaharang sa pagitan niya at sa bintana.
Stop! Pigil ng utak niya pero parang may sariling buhay ang kamay niya na humawi sa kurtina.
Nagimbal siya sa nakita na nakadungaw sa kanyang harapan. May taong nakatayo sa labas ng kanyang bintana na wala namang pinapatungan. Natatakpan ang buong katawan nito ng itim na roba at maski ang mukha nito ay hindi niya maaninag na para bang itim lamang iyon sa loob ng roba na kung ipapasok ang kamay mo ay wala kang mahahawakan.
Muling tumunog ang kanyang bintana at ang naglilika ng tunog na iyon ay ang hawak nitong nakausling patalim na nakalagay sa mahabang kahayo o scythe na tawag ng karamihan. Tumatama ang dulo ng patalim sa kanyang bintana.
Napaatras siya ng lumikha ng ingay ang palad nitong tumama sa kanyang bintana.
"No..." Halos pabulong niyang usal.
He tapped the window again. Isa, dalawa, at sa ikatlo ay nabasag na ang bintana niya.
Napanganga siya at nanigas sa kanyang kinatatayuan nang maging itim na usok ang nilalang at pumasok ang usok sa basag na parte ng kanyang bintana.
Nakakabinging sigaw ang kumawala sa kanyang lalamunan bago pa nagawang kumilos ng kanyang katawan. Mabilis siyang lumabas ng kanyang silid. Walang lingon lingon siyang tumakbo palayo sa nilalang na iyon.
"Princess! Wait for me!"
Narinig niya ang tinig ni Black. At ang huling sinabi nito ay ang nagpagimbal sa kanyang katauhan.
"Nakatakas si Ryu, your life is in danger. Tumakbo ka lang para hindi ka niya makuha. Hintayin mo ako."
Hindi niya na inisip ang maaaring pwedeng mangyari. Kailangan niyang makalayo sa nilalang na iyon... kay Ryu. Ngayon sigurado na siya na si Ryu nga iyon.
Kung ano man ang dahilan nito para kunin siya ay ayaw niya nang isipin pa sa ngayon. Ang mahalaga ay makalayo siya rito hanggang sa dumating ang tulong niya.
Wala na siyang pakealam sa suot niyang nang lumabas ng bahay na iyon. Nakasando lamang siya at walang bra, dagdagan pa na maikli ang short niya at wala pang sapin ang kanyang mga paa. Kung may makakita man sa kanya, its either, pagsasamantalahan siya o pagkakamaling baliw.
Iyak pa rin siya ng iyak habang tumatakbo. Iniinda niya na lang ang sakit ng paa niya dahil sa mga batong naapakan.
Narinig niya ang pasipol na kanta na umaalingawngaw sa buong paligid. Mahilig itong gawin ni Ryu... kapag nakikipag laro ito sa kanyang biktima.
Malayo layo na ang tinakbo niya at hindi na siya sigurado kung saang lugar na ba siya dahil balot na ng kadiliman ang paligid. Tanging daan na lamang ang naaninag ng kanyang mga mata.
"Ace... ace... " tawag ng ito na hindi niya mapagtanto kung nasaan. Humalakhak pa ito na tila tuwang tuwa sa kalagayan niya. "Tumakbo ka hanggat kaya mo, pero sigurado akong maabutan pa rin kita."
"Tama na!" Naluluhang sigaw niya. Nararamdaman niya na rin ang panghihina ng kanyang katawan.
"Ace... sa akin ka lang."
"No! Parang awa mo na! tigilan mo na ako."
"Sa akin ka lang, Ace, matagal ka nang akin. Wala ka nang kawala."
Hindi niya na alam ang gagawin. Bakit ba nangyayari sa kanya ito? Normal na buhay lang ang gusto niya, pero iba ang nakalaan sa kanya. Makakawala pa ba siya sa lugar na ito? Lugar ng kawalan?
"ACE!"
Isa pang tinig ang narinig niya mula sa kung saan bago tuluyang nagdilim ang buong paligid. Kasunod niyon ay ang tuluyang panghihina ng kanyang katawan pero bago siya tuluyang bumagsak ay naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso sa kanya bago ang pag-angat niya sa lupa.
"Ace...nandito na ako." Tawag sa kanya ng nilalang na may hawak sa kanya bago tuluyang nagdilim ang paningin niya.
***
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."
![The Outcast from hell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/41495661-64-k150813.jpg)