***
Chapter 11 - "Wrong turn"
HINDI pa man nakakapag react si Ace sa sinabi ni ryu ay tumawa na ang huli. Samantalang nanatili lamang siyang tulala at pinagmasdan ang binata.
"Your face looks epic." Kumento nito at nginisihan pa siya.
Ngayon lang siya natauhan sa kalokohan nito. "W-wag ka ngang magbiro ng ganyan, hindi ka nakakatawa."
Tumingin ito sa kanya at ang ngisi nito ay lalong lumawak na wari'y natutuwa sa mga reaksyong nakukuha mula sa kanya. Pero kakaibang tuwa ang naglalaro sa mga mata nito.
"Sino bang nagsabing nagbibiro ako?" sumilay ulit ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito na siyang naghahatid ng kilabot sa kanya.
"Pwede ba ryu, tigilan mo na ako sa mga kalokohan mo." Pilit niyang iniiwas ang tingin dito ngunit ramdam niya pa rin ang presensya nito.
She heard him chuckled.
Pinili niya na lang ang manahimik at mag focus sa daan. Kung bakit ba naman kasi naisipan niya pang isabay itong si ryu? Haay. Gusto niyang iwasan ito pero siya rin ang gumagawa ng paraan para mapalapit dito.
"Stop the car ace." basag ni ryu sa katahimikan.
"Huh?"
"You did a wrong turn. Ibang daan na itong tinatahak mo."
Nagtatakang nilingon niya ang paligid ngunit puro malalaking kahoy lamang ang nakikita niya. Tama si ryu hindi nga ito ang daan papunta sa syudad. Pero paano nangyari yun? Tama naman ang nilikuan niya kanina. Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
Malakas pa rin ang ulan kaya makulimlim ang langit. Hirap siyang tanawin ng malinaw ang kalsada.
"Fvck." Mura ni ryu at akmang lalabas ng sasakyan ng pigilan niya ito.
"Saan ka pupunta? Malakas ang ulan."
"Alam ko." Tinanggal nito ang kamay niya sa braso. "Dito ka lang at wag kang lalabas. Hintayin mo akong bumalik."
Bigla siyang kinabahan sa tono ng pananalita nito. "S-sige."
Lumabas na ito ng sasakyan kahit napakalakas pa ng ulan. tinanaw niya ang papalayong imahae ni ryu mula si side mirror. Ano na naman ba itong pinasok niya?
Ilang minuto rin namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at tanging tunog lamang ng malakas ng ulan sa labas ang naririnig niya.
Tsk. mukhang iniwan na siya ni ryu. baka naisipan na naman nito siyang pag tripan kaya sinabing dito lang siya. Ilang ulit siyang napabuntong hininga bago muling binuhay ang sasakyan. Bahala na. Babalik na lang siyang mulit sa daang tinahak niya.
Binaybay niya ulit ang tahimik na kalsada na napapalibutan ng malalaking puno. Kung naglalakad lamang si ryu sa kalsada ay tiyak makikita niya pa ito. Tsk. Bakit nga ba si ryu pa rin ang inaalala niya? Nagawa na nga siya nitong iwan sa lugar na hindi niya alam.
Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya agad nakita ang isang maitim na hayop na bigla na lang tumawid sa harapan niya. Napa break na lang siya ng parang may nasagasaan siya.
"Oh no!"
Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. lagot na! Mukhang naka bangga pa siya ng hayop sa gubat. kahit na sabihing hayop lang iyon ay nakukunsensya pa rin siya.
Pinunasan niya ang pawis na namuo sa noo niya at mailang ulit na huminga ng malalim bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Naramdaman niya agad ang lamig na dulot ng ulan na nagbigay sa kanya ng kakaibang kilabot sa katawan.
"I'm so sorry." Bulong niya sa sarili habang hinahanap ang hayop na nabangga niya. yumuko siya para silipin ang ilalim ng kotse ngunit bigo siyang makita doon ang nasagasaan.
Nagpalinga linga siya sa paligid at hindi alintana ang lakas ng ulan. Basang basa na rin naman siya.
Bigla siyang may narinig na kahol mula sa kanyang likuran at nang lingunin niya iyon ay laking gulat niya ng makakita ng isang malaking itim na aso. Napakalaki nito at aabot sa dibdib niya kung susukatin. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at nakalabas ang mga pangil nito. Humakbang ito papalapit at siya namang ginawa niyang pag atras.
"Nice doggy." Paos na turan niya dito. The beast in front of her just growl. mukhang wala itong balak na maging mabait sa kanya.
Napahinto lang siya sa pag-atras ng maramdaman ang lamig ng kanyang kotse. sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse niya pero ayaw bumukas nito. Hindi niya alam kung dahil nagpapanic siya o sadyang na-ilock niya lang kanina kaya ayaw bumukas ng pinto ng kotse niya.
ilang dipa na lang ang layo nito sa kanya ng makarinig siya ng kaluskos mula sa kagubatan at tunog ng sipol na pakanta. Parang pamilyar sa kanya ang tunog na yun pero hindi niya matandaan kung saan niya narinig.
Nakita niyang pati ang hayop sa harapan niya ay napalingon sa kagubatan at lalong nanggigil sa galit ng sumulpot sa harapn nila ang nakangising mukha ni ryu.
"R-ryu." Mahinang tawag niya dito, takot na baka tignan ulit siya ng aso. mabuti nang kay ryu ito nakatingin.
"Sinabi ko nang wag kang lalabas diba? Ang tigas ng ulo mo, Ace." Humakbang papalapit dito ang malaking aso. "Woah, don't try to do something stupid. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo. Tandaan mo, mag isa ka lang ngayon. hindi mo ako kaya."
Parang kausap nito ang hayop at nagulat naman siya ng napaatras ang malaking nilalang. Ang kaninang mabagsik nitong mukha ay tila naging maamong tupa. Umatras itong nakayuko at ng ilang dipa na ang layo sa kanila ay nagmamadali itong tumakbo.
"Duwag." Bulong ni ryu.
Nang mawala na ang nilalang ay saka niya naramdaman ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Muntikan na siyang matumba, mabuti na lang ay napahawak agad siya sa sasakyan.
"Get in." utos ni ryu ng lumapit sa kanya. "Ako na ang mag ddrive."
Siguro ay dahil sa takot kanina ay hinayaan niya na lang ito. Tulala pa rin siya at parang wala sa sarili ng sumakay sa passenger's seat. Si ryu naman ay pumasok na rin at binuhay na ang makina.
Tinahak nila ang daan pabalik sa kanila. Tahimik lang ang katabi niya samantalang ang malalalim na paghinga niya lang ang maririnig sa loob ng sasakyan. Basang basa ang damit niya kaya ramdam niya ang lamig.
"Fvck!" Mura ni ryu at biglang inihinto ang sasakyan dahilan para muntikan na siyang mapasubsob sa harapan. Napasuntok ito sa manibela.
Tinignan niya ang nakakunot nitong noo bago tumingin sa harapan nila. At laking gulat niya ng makita ang aso kanina... pero hindi na ito nag iisa ngayon. may tatlo pa itong kasama na itim na mga aso rin at mas malaki pa rito. naloko na.
"Ryu, anong gagawin natin?" Bumaling ang tingin niya kay ryu at nakita niyang nakasalampak ito ng upo habang hinihimas himas ang labi nito na tila ba nag-iisip.
Sumilay ang ngiti sa labi nito at tumingin sa kanya. "Gusto nilang maglaro, Ace, kaya makikipag laro tayo. But the consequences is...mamamatay ang matatalo."
***
A/N: lame, sorry. Gets niyo ba ang story na ito? haha. Ako kasi gulong gulo na. Ang totoo Bipolar talaga si ryu kaya ganyan siya. haha, de joke. basta magegets niyo rin sa mga following chapters.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasi"He tried to rape me once, I almost kill him twice."
![The Outcast from hell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/41495661-64-k150813.jpg)