How about 'RACE' for the official couple name of Ryu and Ace?
Thanks to @MajescaShaneZamora
***
Chapter 23 - "Wicked humor"
PAGKATAPOS ng pang limang beses na pagkatok na ginawa ni Ace ay naisipan niya nang buksan ang pinto sa kwarto ni Ryu ng wala pa rin sumasot. Kaya naman pala, walang tao sa loob. Saan naman kaya nagpunta si Ryu? Wala rin kasi ito sa baba.
Kinuha niya ang mga damit na pamalit bago nagtungo sa banyo. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang matino naman ang banyo nito.
The water starts pouring all over her body. Pakiramdam niya kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya pansamantala. If only she could have her mind at ease.
Ilang minuto rin ang tinagal ng paliligo niya at kundi pa halos mangulubot ang balat niya sa kamay ay wala pa siyang balak matapos.
Matapos magbihis ay lumabas na siya ng banyo. Mukhang wala pa rin si Ryu dahil tahimik pa rin ang paligid. Pero naisip niya na tahimik pa rin naman kahit nandyan si Ryu.
Palabas na sana siya ng silid ng makaramdam siya ng malakas na ihip ng hangin sa paligid. Dunako ang paningin niya sa bintana ni Ryu na nakabukas. She felt her skin having a goosebumps. Ito na naman ang pakiramdam na parang may mga matang nakatingin sa kanya.
Marahil tama nga si Ryu na baka nasa paligid lang ang nilalang na sumusunod sa kanya. Sa pag-iisip na ganun ay mas lalo siyang natakot kaya naman agad siyang nagtungo para isara ang bintana sa kwarto ni Ryu. Hindi niya mapigilang mapasulyap sa kabilang bahay kung saan katapat ang kanyang kwarto.
Napailing siya at akmang isasara na ang bintana ng matigilan sa biglang pagliwanag ng ilaw sa kanyang dating silid. Her body froze.
Nakatutok lamang ang mga mata niya sa kabilang silid at pilit inaaninag kung may tao ba sa sa kanyang kwarto. Imposible naman kusa lang bumukas ang ilaw ng kanyang kwarto. Ilang sandali pa ay namatay din ang ilaw. Napakurap siya para siguraduhin kung tama nga ba ang nakita niya. Nakapatay na ang ilaw.
Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw sa kanilang bahay?
Dumungaw siya sa bintana ng may makitang gumalaw na anino sa bintana niya. She wasn't sure though, madilim kasi at hirap siyang tukuyin ang nakita.
Tinaliman niya pa ang paningin at halos ilabas na ang sarili sa labas. And there she saw it. May namumuong moist sa gitnang bahagi ng kanyang glass window na para bang may humihinga doon at kung pagmamasdan nawawala at bumabalik ang buga ng hangin sa bintana.
Bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso lalo na nang may gumuhit na larawan sa moist sa bintana pero walang tao o nilalang na makikita sa kabilang bintana. May gumuhit ang unang imahe na bilog bago sumunod ang dalawang tuldok na parang mata bago ang isang pakurbang linya na nagsisilbing bibig na nakasimangot.
She gasped when suddenly a hand tapped the window. Hindi pa man siya nakakapag react sa sobrang pagkabila ng maramdaman niyang may humila sa kanya palayo mula sa bintana pabalik sa kwarto ni Ryu dahilan para bumagsak siya sa sahig na una ang pang upo.
Nakita niyang nakatayo si Ryu sa tapat ng bintana at pabagsak na sinara iyon, not before showing a dirty finger to the person on the other room.
"Ryu..." Mahinang tawag niya rito at hindi alam kung ano ang unang mararamdaman. Takot, pangamba o galit sa nilalang na ito. Pero sa huli ay nanatili lamang siyang tahimik habang paupong nakasandal sa pader. Napayakap siya sa sarili.
"Stupid humans." Umiling ito at humalukipkip. "Gusto mo ba talagang mapahamak?"
"Sorry..."
"Tsk. Fvcking stupid! How many times do I have to remind you that you should take extra careful on everything you do? Tandaan mo, Ace, hindi na normal ang buhay mo. Kaya bawat kilos na gawin mo maaaring ikapahamak mo. Yung ginawa mo kanina na halos lumabas na sa bintanang iyan pwede mong ikapahamak. Mabuti na lang at dumating ako!" He was angry. Lalong dumilim ang mukha nitn habang sinisigawan siya.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."