***
Chapter 3 - "outburst"
"What! He did that?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niyang si kim nang ikinwento niya dito ang nangyari kagabi.
"Shhh." suway niya dito ng maagaw nito ang atensyon ng nadadaanan nilang mga tao. sabay kasi silang naglalakad papasok ng building ng school. "Yes, hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nagawa niya iyon. Sinira niya ang tiwala ko."
"That jerk! lagot talaga sa akin yun Ace pag nakita ko siya! urgh. You should break up with him."
Hindi agad siya nakasagot. Actually that was her plan. hindi nga lang niya alam kung papaano gagawin. Sa ngayon kasi ay ayaw pa niyang makita ito. Naiinis kasi talaga siya kapag naaalala ang ginawa nito sa kanya.
Akala pa naman niya mabait ito, may kademonyohan din palang tinatago.
"Mabuti nalang hindi mo pa napapakilala sa parents mo. For sure baka hindi na iyon sikatan ng araw kapag nalaman ni tito ang ginawa sa iyo, naku mabuti nalang talaga nakauwi ka ng ligtas."
"Right, buti nalang nandoon si Ryu." Nakalimutan niya palang magpasalamat kay Ryu kagabi. paano ba naman sa haba ng nilakad nila ay napatakbo agad siya sa bahay nila ng makauwi siya at hindi man lang nagawa pang mag paalam dito,
"Tsk... naku buti nalang nga kamo nakauwi ka nang hindi pinahamak ni ryu. Next time ace ha, wag na wag ka nang magpadala sa kamandag ng kahit sinong lalake na gwapo, wag ka ding magtiwala lalo na kay ryu kahit hindi siya gwapo! Kilala mo naman iyon. Ewan ko ba sa iyo, kung kani-kanino nalang nagtitiwala..."
napakamot nalang siya ng ulo ng hindi tumigil sa panenermon si kim sa kanya. dinaig pa nito ang mommy niya. pero tama nga naman ito, hindi na nga talaga siya dapat basta-basta magtitiwala sa isang tao.
"Aww." sa sobra ata niyang engrossed sa pakikinig kay kim ay hindi niya namalayan na may tao sa pagliko niya sa pasilyo.
"Oops, sorry. You okay?--- hey, I know you... you're Ace right?"
Natulala siya ng masilayan ang gwapong mukha ni Luke na nakabanggaan niya.
"I--ah-- yeah... y-yes I'm ace and you know me. You're Luke. Uhmm..." she mentally face palm herself. what was that? Para siyang nawala sa sarili ng makita ang gwapong mukha nito.
"Yes, I'm Luke." He said amused while smiling. Naramdaman niya nalang ang pag-init ng mga pisngi niya. "Classmates tayo diba?"
"Yes!" She exclaimed like she won in the lottery. "I mean, yes." hininaan niya na ang boses niya ng mapatingin sa kanila ang ilang estudyanteng dumadaan. Binibigyan din siya ng matatalim na tingin ng mga kababaihan.
Nakakahiya talaga! baka mamaya isipin nito na isa din siya sa mga umuusbong nitong fangirls sa eskwelahan. Pangalawang araw palang kasi ni luke ay pinag-kakaguluhan na ito.
He chuckled. "Well, I hate to admit. But I think I'm lost." napakamot ito ng ulo na animo'y nahihiya. "Pwede bang makisabay?"
"Oo naman!" Mabilis pa sa alas kwatro na sagot niya.
shoot! Kalma lang ace! Sermon niya sa sarili.
"Great."
"Ahem." Tumikhim si kim sa tabi niya na nakalimutan niya palang kasama niya. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa classmate mo, ace?" siniko pa siya nito.
"Ahh... kim si luke nga pala. Transfer siya dito. luke si kim, bestfriend ko."
"Hi, nice to meet you kim." inabot ni luke ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasia"He tried to rape me once, I almost kill him twice."