chapter 22

7.6K 255 28
                                    

I looked my demon in the eye
Laid bare my chest and said
Do your best to destroy me
I've been to hell and back
So many times, I must admit
You kinda bore me.

***

Chapter 22 - "Cookie monster"

"Tara na, uuwi na tayo."

Napaangat si Ace ng tingin kay Ryu na kakapasok lang sa kwarto na kinaroroonan niya. Hindi katulad kanina na mukhang wala pa ito sa tamang huwisyo ngayon ay maayos na ito tignan. Nakasuot na ito ng itim na jacket at nakatali na rin ang buhok kaya kita niya na ang kabuuhan ng mukha nito.

Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito na nakatingin sa kanya.

"Uuwi na tayo?" ulit niya sa sinabi nito.

"Kakasabi ko lang hindi ba?" Sinabayan pa nito ng irap. Bumabalik na naman ang masungit na Ryu na kilala niya... paiba iba talaga ito ng mood pero pure negatibo naman. Hindi nga niya ito maimagine na naka smile ng todo at tatawa dahil lang sa isang simpleng bagay. Ryu speaks full of negativity. Pero hindi niya naman talaga kilala ang totoong Ryu.

Ang alam niya lang, ito ang kapitbahay niya na laging nasasangkot ang pangalan sa mga krimen sa lugar nila at ito rin ang kapitbahay niya na nakita niyang walang awang---

"Tatayo ka na lang ba diyan o aalis na? Hindi ako magdadalawang isip na iwan ka rito." Inip na tanong ni Ryu. He crossed his arms.

"Oo na." Inirapan niya rin ito at inayos ang sarili.

Nauna na itong lumabas ng kwarto at sumunod siya. Iilang palapag din ang dinaanan nila bago makarating sa pinakababa. Kung bakit kasi hindi gumagana ang elevator sa building na ito? Tsk. Sabagay sa kakayahan nila ni Black at Cleo na sumusulpot na lang kung saan saan hindi na nila kailangan pang gumamit ng elevator.

Hinihingal pa siya ng makarating sila sa pinaka unang palapag, hindi katulad ni Ryu na parang isang hakbang lang ang ginawa. Nagtaka rin siya kung bakit hindi na lang nag teleport ito kagaya ng ginagawa nila Cleo.

Naabutan nilang naghihintay si Cleo at Black sa baba.

"Kailangan niyo pa ring mag doble ingat dahil hindi pa natin kilala kung sino ang gumagawa nito kay Ace. Bantayan mo siyang mabuti Ryu, paniguradong maging ikaw ay pupuntiryahin din niya dahil sa ginagawa mong pagtulong kay Ace. Mag iingat kayo dahil hindi biro ang kalaban niyo." Paalala ni Cleo.

Sunod sunod ang ginawa niyang pagtango samantalang nagkibit balikat lamang si Ryu.

"Magmamatyag din ako sa paligid kapag may pagkakataon." Sabi ni Black na tinapik pa ang ulo niya. "I'll be seeing you more often, princess."

"Salamat." Iyon lang ang nasabi niya. Kahit papano ay napanatag siya na handang tumulong ang mga ito sa kanya.

"Tara na." Hinila na siya ni Ryu palabas.

Nasilaw pa siya ng tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Sa ilang araw ba naman na pananatili sa lugar na iyon na hindi napapasukan ng sinag ng araw, pakiramdam niya nasanay na rin siya sa dilim.

She wonder how those people survived in this place? Kung sila Black lang ay halatang sanay ang mga ito, pero sila Aera at ang iba pang tao ang naroon, halatang mga nakakulong sila. Pinagdudusahan ang mga pagkakamaling nagawa na paglapit sa mga kagaya nila Cleo.

Hindi niya alam ang konsepto ng kung sino ang makakapunta sa langit at impyerno. Sabi nga ni Black, hindi lahat ng napupunta sa impyerno ay purong masasama. May mga bagay lang na nagawa ang mga taong ito kaya sila napunta sa lugar na iyon.

Pero hindi niya rin lubos maisip na may mga taong handang ialay ang kaluluwa makamit lang ang hangarin. Pero sino nga ba siya para husgahan ang mga ito? Katulad lang din niya ang mga ito na naghahangad ng mga makamundong bagay. Hindi nga lang siya ang tipo na lalapit sa demonyo para humingi ng tulong... pero nakakatawa dahil iyon ang nangyayari sa kanya ngayon. Lumapit at nakipagkasundo sa isang demonyo para lang sa kaligtasan. How ironic right?

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon