***
Chapter 6 - "first visit"Tahimik lang at nakayuko si Ace habang sumusunod kay ryu na mabilis ang lakad. Malalaking hakbang na ang ginagawa niya pero sadya atang mas mahahaba ang mga binti nito kumpara sa kanya kaya naman nahuhuli pa din siya.
Isa pa, kailangan niya ding magtago dahil baka makita siya ng mga magulang niya na kasama si ryu. tiyak na malalagot talaga siya, lalo na sa mommy niya.
Lalong lumakas ang kaba niya ng papalapit na sila sa bahay ni ryu... at sa bahay niya.
Oh God! This is it. wala na talagang atrasan ito.
Napasulyap siya sa bahay nila at kahit papaano ay nakahinga ng maluwang ng hindi makita ang sasakyan ng daddy niya.
At least. wala pa ang daddy niya at tiyak na abala ang mommy niya sa panunuod ng paborito nitong drama. hindi siya mapapansin na nasa katabing bahay lang pala siya. Itetext niya nalang ang mga ito para magpa-alam na gabi na makakauwi.
Oh great!
Gagabihin siya sa bahay ni ryu, sa nakakatakot at lumang bahay ng lalaking kinatatakutan niya.
Pakiramdam pa niya ay nasa tapat siya ng horror house ng huminto sila sa gate nitong kinakalawang na at may mga halamang gumagapang na din.
hindi agad binuksan ni ryu ang gate at lumingon pa ito sa kanya.
Napaka seryoso ng mukha nito pero nawala din iyon ng ngumisi ito.
"Welcome, neighbor." sabi nito bago buksan ang kinakalawang na gate.
Damn! It sounds so creepy as hell. Parang iniimbita lang siya nito sa kanyang huling destinasyon.
Nauna na ito at parang gusto niya kunin ang pagkakataong iyon na kumaripas ng takbo papunta sa bahay nila at magsisisigaw ng saklolo... pero magmukha lang siyang baliw kung nagkataon.
Sandali lang to ace! Kaya mo ito, kapag may ginawa siyang hindi maganda, lumaban ka! Her subconscious told her.
Tama, kaya niya ito.
Binuksan nito ang pintuan ng bahay at tumabi sa daan para paunahin siyang pumasok. Pakiramdam niya tuloy ay nanunuyo't na ang kanyang lalamunan at tagaktak na ang pawis niya sa kaba. Dagdagan pa ang nangangapanlandig balahibo na atmospera sa loob ng pumasok siya.
Madilim pa at napakurap siya ng sindihan nito ang ilaw kasunod ng pag sara ng pinto.
Hindi agad siya nakakilos at pinagmasdan ang paligid. Pakiramdam niya ata ay nalaglag ang panga niya sa nakita.
Ibang-iba...
Kung anong kilabot niya sa labas ay halos magsitayuan na talaga ang mga balahibo niya nang mapag-masdan ang loob.
She can see red and black everywhere. Ang buong pader ay may mga graffiti ng iba't ibang imahe ng tao. Pero ang nakakakilabot ay ang pagkakaguhit ng mga ito na ginamitan ng itim at pula lamang. Dagdagan pa na ang mga imahe ay mga taong may kakaibang anyo...may mga buntot at sungay, ang iba ay may pakpak. Ang ilan naman ay mga kalansax. may mga babae ding hubo't hubad at tila naliligo sa dugo... punong puno ang mga dingding ng bahay ni ryun ng ganoong mga imahe.
Wala ding halos gamit ang sala ni ryu kundi isang t.v at couch at sa gilid ay nagkalat na ang mga painting materials nito.
Naramdaman niya ang presensya ni ryu sa kanyang likuran.
Napalunok ulit siya.
Bad idea ace... bad idea.
***
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasia"He tried to rape me once, I almost kill him twice."