***
Matagal nang panahon ang lumipas simula nang mangyari ang mga bagay na iyon kay Ace. Pakiramdam niya ay isa lamang iyong panaginip at hindi nangyari. Lumipas ang panahon at tanging maliliit na alaala na lamang ang natatandaan niya.
Ang huling pangyayare bago sila naghiwalay. Kung saan nagpaalam na ito ng tuluyan sa kanyang buhay. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ito muling nagapkita pa sa kanya. Pero alam niyang may naiwan itong malaking parte sa kanyang pagkatao.
Ang pagkatao nito na dumadaloy sa katawan niya. Ang dugong dumadaloy sa kanya ay alam niyang hindi na purong sa kanya.
"Ace, pakidala nga itong papers na kailangan pirmahan ni boss."
She groaned. Padabog na kinuha niya ang papeles na hawak ng kasama niya. Nakita pa niyang napa-ismid ito nang daanan niya. She didn't care.
Agad siyang nagtungo sa opisina ng boss nila. She's the assistant of the marketing head. Sa syudad na siya nakatira ngayon. Malayo sa buhay na kinalakihan niya. Inalis ang mga bagay na nakasanayan niya. She's a different person now... totally different.
Nakakatatlong katok pa lang siya at nang walang sumagot ay binuksan niya na ang pinto. Nagulat pa ang boss niya at ang babaeng nakakandong dito ng pumasok siya. It's none other than his boss secretary.
Napangisi siya at napailing.
Mukhang napahiya ang sekretarya nito at agad na umalis. Tinitigan naman siya ng kanyang boss. Walang bakas sa mukha nito ang pagkapahiya at wari'y nag-eenjoy pa.
"Paper works." Tipid niyang salita.
Tumayo ito at nilapitan siya. Hindi siya umatras at nanatili sa kinakatayuan niya.
"Peace Clemente. Nabitin ako, alam mo ba? At ayoko sa lahat ang nabibitin." Hinawakan nito ang baba niya.
She didn't flinch. Nang unti-unting lumapit ang mukha nito ay umatras siya bago lumipad ang kamao niya sa ilong nito. He screamed painfully after the blow.
"At ayaw ko rin ng hinahawakan ako."
"Putang ina!"She smirked upon seeing him suffered. She just love the scene in front of her.
Nang pumasok ang sekretarya nito ay siya naman ang lumabas. Hindi niya pinansin ang mga tingin na binibigay sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho.
Hindi niya na tinapos ang trabaho niya at napagdesisyonan na umuwi na. She knew they will fire her eventually. Pang ilang beses na bang nangyayari ito sa kanya?
Napapikit siya ng makapasok sa condo unit na tinitirhan niya. The place was exceedingly dark. Hindi niya na inabala ang sarili na paandarin ang ilaw sa sala. She grabbed a glass of water in her fridge.
Papunta na sana siya ng kwarto ng makita ang anino sa labas ng kanyang condo. Dahil walang ilaw ang bahay niya ay ang ilaw lang sa labas na pumapasok sa siwang ng pinto ang nakikita niya. Kaya kitang kita niya ang paggalaw ng anino na para bang may tao sa labas.
She paused for a moment.
Nagdadalawang isip kung sisilipin ang labas. But her nerves keep on tingling. Napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib kung nasaan nakaukit ang peklat niya.
Nang mawala bigla ang anino ay saka naman siya nagmadali tunguin ang pinto.
But when she opened the door there was no one. Nilibot niya ang paningin sa hallway pero wala ni isang tao. Pero nang tumingin siya sa kanyang baba ay napangiti siya.
What she saw is a Cookie Jar.
--END---
***
If you have questions left unanswered, paki comment lang po at sasagutin ko sa author's note na ipopost ko next :)
Magtatampo talaga ako kung hindi niyo na gets ang ending. haha.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasia"He tried to rape me once, I almost kill him twice."