chapter 28

7.4K 271 60
                                        

Pikit matang pinost ito. >__<

***

chapter 28 - "His real identity"

"Saan ba talaga tayo pupunta, Cervantes?"

Napasulyap si Ace sa likuran ng sasakyan kung saan nakaupo si Henry na kanina pa tanong ng tanong kung saan sila pupunta.

Malalim ang mga natamo nitong sugat at sa lugar na kung nasaan sila Cleo ay may manggagamot daw na maaaring makagamot sa mga sugat ni Henry. Hindi lang daw kasi basta basta sugat ang natamo ni Henry kundi may kalakip pang mga lason iyon na maaaring mag-corrupt sa isipan ni Henry at makagawa ng masama.

Kaya kahit wala na ang sumusunod sa kanya ay hindi pa rin nila pinapa-alis si Henry. Kailangan nila itong mapagamot agad.

Hindi ito pinansin ni Ryu at patuloy lang sa pagmamaneho ng sasakyan. Pinatawag din sila ni Cleo dahil may sasabihin daw itong mahalaga sa kanya.

Sana naman ay kilala na ng mga ito kung sino ang gustong kumuha sa kanya para matapos na ang lahat ng ito at wala nang madamay pa ng dahil sa kanya.

Napalingon siya kay Henry nang marinig ang pag-ungol nito. Kitang kita niya ang iniinda nitong sakit na mula sa mga sugat nito.

"Kailangan na natin mapagamot yan." Kumento niya.

"Saang hospital niyo ba ako dadalhin? Hindi ito ang papunta sa bayan."

"Sa kakilala namin."

Hindi na muling nagtanong si Henry, bakas na rin mukha nito ang panghihina kaya kailangan maagapan na nila ito bago pa lumala ang kalagayan.

Inihinto ni Ryu ang sasakyan malapit sa building kung saan nagkukubli sila Cleo. Kung pagmamasdan ay mukha lang talaga itong abandonadong gusali sa labas pero hindi alam ng mga ordinaryong tao na maraming kababalaghan pala ang nangyayari sa loob.

"Keep close." Utos ni Ryu.

Inalalayan niya si Henry sa paglalakad at tinahak ang daan patungo sa building. Kumatok si Ryu bago bumukas ang maliit na bintana ng pinto at may sumilip para tignan sila. Tinanguan lang ni Ryu ang lalake bago bumukas ang pinto.

Sinenyasan sila nito na sumunod.Naunang naglakad si Ryu habang siya ay naka-alalay pa rin kay Henry.

"Anong lugar ito?" Bulong ni Henry sa kanya.

She shrugged. "Nandito ang gagamot sa mga sugat mo."

"What? This is not even a hospital, Ace. Don't tell me, sa albularyo mo ako dadalhin?"

"Shh. Wag ka nang maraming tanong. Just trust me, okay?"

"I trust you, alright. Pero yang si Cervantes ang hindi ko mapagkakatiwalaan."

"Henry." Suway niya rito.

"Tsk."

Umakyat sila hanggang sa ikalawang palapag bago pumasok sa isang kwarto. Katulad lang din ito ng silid na kinalagyan niya noon, tanging higaan at upuan lang ang meron.

"Dito lang muna kayo." Sabi ng lalake na naghatid sa kanila. "Tatawagin ko lang si Aliyah."

"Who's Aliyah?" Tanong ni Henry nang makaalis na ang lalake.

Pinahiga niya si Henry sa kama samantalang nakamasid lamang sa kanila si Ryu.

"Siya ang gagamot sayo." Kapagkuwa'y sabi nito.

"Really huh? Ano bang lugar ito?"

"You don't wanna know."

"The fvck I wanna know! Paano ko masisigurong ligtas ako rito? Baka mamaya ano pa ang gawin mo---oh fvck!" Henry stopped talking and groaned loudly.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon