***
Chapter 29 - "A life for a life."
Mapaglinlang ang mga Demonyo, at mahilig paglaruan ang isip ng mga tao. Wag kang basta basta magtitiwala sa kanila.
Napahawak si Ace sa singsing na suot na bigay ni Ryu sa kanya nang muling nagpanumbalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Aera sa kanya.
'Simbolo iyan ng kamatayan at pag-aangkin. Simbolo ng Demonyo. At oras na markahan ka nila katulad ng pagbibigay ng singsing na iyan ay pagmamay-ari ka na nila.'
Hindi! Nagkakamali lang sila Cleo! Alam niyang hindi si Ryu. Hindi pwedeng si Ryu ang gustong kumuha sa kanya.
'I only have two choices I can get from you.. your body or your soul.'
'You're mine. Only mine.'
Mapanlinlang ang mga Demonyo.
Let's play a game, Ace. You're mine once I catch you.
Let's play a game,
A game,
Parang bombang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari.
A game? Laro lang ba ang lahat ng nga mga nangyari sa kanya. Laro lang ba ang lahat ng ito para kay Ryu? Pero bakit? Bakit siya.
"Peace."
Parang bumalik siya sa realidad ng marinig ang pagtawag ni Cleo sa pangalan niya. Muli siyang napatingin sa pwesto kung saan kanina ay nakatayo pa si Ryu doon. Wala na nga ang nilalang na gustong kumuha sa kanya, kasabay din noon ang pagkawala ni Ryu. Dahil iisang katauhan lang ito na nasa isang katawan.
Masakit sa kanya na mapaglaruan ng hindi niya namamalayan. Sa taong hindi pa niya inaasahan. Bakit hindi niya nakita iyon sa umpisa pa lang? Masyado siyang naloko ni Ryu.
"Wala nang gagambala pa sa'yo. Pwede nang bumalik sa normal ang lahat."
"Normal?!" She snapped. "Sa tingin mo ba magagawa ko pang bumalik sa normal pagkatapos ng lahat?! My parents died! At ang taong tumutulong sa akin ay siya lang din pa lang nanloloko sa akin. Alam niyo ba kung gaano kasakit iyon?"
Wala siyang nakitang awa sa mga mukha ng mga ito. They just look at him like she was nothing but a piece of art that is intriguing. Lalo siyang napaiyak.
Ano pa bang inaasahan niya? They're demons who felt nothing including pity. Ang lugar pa lang na kinatatayuan niya ay isang ebidensya na walang awa ang mga ito lalo na sa nilalang na kagaya niya.
"We could erase your memory if you want." Wika pa ni Cleo na parang isang normal lamang na gawin iyon.
"Hindi! Ayoko! Ayaw ko nang mabuhay nang hindi alam ang nangyayari sa paligid ko. Ayoko ko nang maging mahina."
"Take a rest, princess."
Umiling siya. "Paliwanag niyo sa akin. Bakit nagawa ni Ryu sa akin iyon? Ganun ba talaga kayo kasama para paglaruan ang kagaya kong mahina?"
Mukhang magsasalita pa sana si Black nang senyasan ito ni Cleo na iwanan muna sila. Pinaupo siya ni Cleo sa mahabang sofa samantalagang ito ay naupo sa pang ihasahang upuan.
Nang umalis na si Black at iwan silang dalawa ay hinirap siya ni Cleo.
"Waren is different from the rest of us." Wika nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Isa siyang 'Orinia'."
Narinig niya na ang salitang iyon at hindi pa rin malinaw sa kanya iyon.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."
![The Outcast from hell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/41495661-64-k150813.jpg)