Chapter 1

24.6K 459 17
                                    

A/N: Before you read this story gusto ko lang po na ipaalam na hindi po ako atheist, theistic or Satanist o ano pa man. Nililinaw ko lang, because there's some part of this story that might show against religion or any beliefs between the concept of heaven and hell. Sana maintindihan niyo na isa lamang itong fictional story at likha lamang ng aking imahinasyon ang mga bagay na mababasa niyo...well mostly. I did some research in some parts. Hindi ko na lang sasabihin kung aling part. Hehe. Wala po akong sinisiraan at balak siraan na ano pa mang paniniwala. Yun lamang po. bow :)

~~~Zee.

***

Chapter 1 - "The neighbor"

"Ace, honey. Kung ganyan ka kabagal kikilos talagang mali-late ka sa school."

Napakagat ng labi si Ace habang hindi magkandaugaga sa paghahanap ng kanyang sapatos na sigurado siyang itinabi niya na kagabi para sa gagamitin niya ngayong araw.

"Ace." tawag ulit ng mommy niya na nakatayo sa pintuan ng kwarto niya.

"I know I'd put it in here." Bulong niya sa sarili. kung kailan naman kasi unang pasukan sa school ay mukhang mali-late pa siya.

"Peace Clemente."

Napahinto siya nang tawagin na ng mom niya ang buong pangalan niya. She knew it's a warning. Tumingin siya sa mommy niya na nakapameywang na.

"What did I told you last night?" tanong nito.

"Ihanda na ang lahat ng gamit?"

"Yes. And now what's happening?"

"But mom, I know I did put my shoes in here." She tried to reason out. Tinaasan na siya ng kilay nito at alam niya na ang ibig sabihin niyon. "Fine, fine. I'll just wear another pair. A pair that doesn't match my outfit." She pouted. Hinablot niya na lang ang sapatos na unang nakita niya sa shoe rack.

If there's one thing she wants about fashion. Everything must go perfectly. And a unmatched shoes is a no no. Pero mukhang wala siyang choice ngayon dahil tinaasan na siya ng kilay ng nanay niya. Her mother is very strict about everything. Pero kahit mataray naman ang mommy niya ay mahal niya naman ito.

"Hi dad." Bati niya sa daddy niya na nasa dining area at hawak ang news paper nito. Hinalikan niya ito sa pisngi at umupo sa tabi nito.

"Hi sweetie." He greeted her.

"Hon, pakibaba muna ang dyaryo mo. We will say our grace first." sabi ng mommy niya na sa harap niya nakaupo.

Nagdasal muna sila bago kumain. It's a first thing before anything else. Religious kasi ang parehong magulang niya.

"Are you excited?" Tanong ng daddy niya na ang tinutukoy ang unang araw niya sa huling ikatlong taon niya sa kolehiyo.

"Dad, its the same faces and environment like last year. Wala namang bago. Paano ako magiging excited?"

"You mean, there's a possibility na maging classmate mo ulit si Ryu?" Halata sa boses ng mommy niya ang pagkadisgusto.

She just shrugged. May posibilidad nga na maging classmate niya si Ryu. Madalas niya kasing classmate ito. Si Waren Ryu Cervantes, ang kapitbahay nila. Her parents don't like him. Well, pati din naman siya. Not that she hate this guy it's just that she doesn't want to be near to him. Pagkatapos kasi ng mga nasaksihan niya sa bahay ng mga Cervantes ay iniwasan niya na ito.

You see, Ryu is not the normal guy like the others. he's weird...really weird. Para itong may sariling mundo na hindi nakikihalubilo kahit kanino. She never seen him talk to anyone unless necessary. Wala din itong kaibigan na nakikita niyang kasama nito. At madami ding kumakalat na mga balita tungkol kay Ryu. Mostly negative. At naniniwala siya sa mga tsismis na iyon dahil saksi siya sa ilan. That's why she never tried to cross his path. Mukhang wala din namang balak itong kausapan siya, as if. nakakapagtaka lang talaga na lagi niya itong classmate. Higher section kasi siya at kung titignan si Ryu ay ito ang tipong hindi nag-aaral ng mabuti.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon