chapter 24

6.9K 265 11
                                    

***

Chapter 24 - "black cloak"

Sa dinami dami ng mga nangyari kay Ace nitong mga nakaraang araw, ni hindi niya na inisip na kung darating pa ang araw na babalik sa normal ang lahat.

At hindi niya rin naisip na tatapak siyang muli sa lugar na ito na parang normal lang ang lahat.

Nakadungaw siya mula sa sasakyan at tanaw ang malawak na lugar na nasasakupan ng paaralang pinapasukan. Pakiramdam niya tuloy matagal na nung huli siyang nagtungo sa lugar na ito kahit halos dalawang linggo pa lang naman siyang lumiliban sa klase.

"Sigurado ka ba rito?" She asked Ryu for the countless of time.

"I told you, mas magiging madali kung siya mismo ang lalapit sa'yo. At hindi mangyayari iyon kung mananatili kang nakakulong sa bahay ko. This is the faster way." Paliwanag nito habang tinatapik ng manibela.

"Paano ka nakasisiguro na isa siya sa mga tao diyan?" Tukoy niya sa mga taong nakikita niyang papasok ng paaralan.

"I can feel his presence. Matagal na. Kaya alam kong isa siya sa mga iyan." Kampanteng sagot nito.

"Kung ganun bakit hindi mo na lang tukuyin kung sino sa kanila? Diba nararamdaman mo naman ang aura niya? It will save us a lot of time looking for that devil."

"It's not easy as you think it is. Pwedeng diversion lang ang nararamdaman ko."

She gave him a questioning look.

"I mean," patuloy nito. "Alam niya nang tinutulungan kita kaya maaari niyang manipulahin ang kakayahan ko. Pwedeng ibaling niya sa iba ang enerhiya na nase-sense ko at iyon ang mapagkamalan natin. We can't make drastic measures. Kung magaling siyang makipaglaro, mas magaling dapat tayo."

Napabuntong hininga siya. Mukhang mas mahirap pa pala ito sa inaasahan niya.

"Hindi ka pa ba papasok?" Tanong nito.

Sinulyapan niya ito at nakita niyang inaayos na nito ang outfit nito. Meaning; with the hood and the mask, which she find weird by the way.

"Why do you always wear those? Tsaka bakit pumapasok ka pa sa school? Mukha namang hindi mo na kailangan mag-aral." Curious na tanong niya.

He remained silent for a moment before taking his gaze off her.

"It's the only normal thing I have in my life." He said with pure of hatred in his voice.

Hindi niya mapigilang makaramdam ng awa rito. He doesn't really have a normal life compared to her. Mukhang ngang mas marami itong pinagdadaanan kumpara sa kanya.

"And you know why I kept my face looking at people?" Tanong nito. "Because I hate to see people's emotion. Especially when they're happy. It always makes me wanna puke." Umiling pa ito at puno ng disgusto ang mukha.

Ibig ba nitong sabihin na mas gusto nitong nakikitang naghihirap ang mga tao kesa maging masaya? Tsk. He really is a devil.

"Remember to trust no one." Paalala nito bago binuksan ang pinto.

Nauna na itong bumaba ng sasakyan at ilang minuto rin ang hinintay niya bago sumunod dito. People may get shock if they see them together. Baka kung ano pa ang isipin nila.

"ACE!"

Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hallway ng marinig ang pamilyar na boses. She turned around to face the person.

"H-henry,"

Hindi niya inaasahan ng bigla siya nitong yakapin. "Ace, what happened to you? Ang tagal mong nawala. I've missed you. Pumunta ako sa inyo pero walang tao sa inyo, you're not even answering my calls. Tell me, where have you been?"

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon