chapter 27

7.3K 321 26
                                    

Do not trust the devil, they are deceitful and evil. Do not let them control your mind and play with your feelings.

***

Chapter 27 "the sweet side?"

Mapusok ang naging pagkilos ni Ryu na siyang nakapag patigil kay Ace. Ilang segundo rin siyang nabato dahil sa hindi inaasahang ginawa nito bago siya natauhan at sinubukang itulak ito para lamang mabigo.

Mas lalong humigpit ang kapit ni Ryu sa kanyang bewang at lumalim ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya at inipit sa kanyang gilid bago siya sinandal sa pader.

She gasped for air when he finally released her mouth. He took this chance to devour her mouth again and shove his tongue inside her open mouth. Nanlalaki ang mga mata niya ng maramdaman ang paggalaw ng mapusok nitong dila sa loob ng bibig niya.

Naging mapusok ang mga pagkilos ni Ryu at napaungol na lamang siya ng mahina ng lalo nitong idikit ang katawan para maramdaman niya ang nabubuhay nitong pagnanasa para sa kanya.

She felt heat. Pero alam niyang hindi pwedeng pagsamantalahan ni Ryu ang pagiging mahina niya. Sinubukan niya ulit pigilan ito para lamang mas lalo itong maging agresibo.

Mas lalo nitong pinanggigilan ang labi niya kaya naman nalasahan niya na ang dugo ng kagatin nito ang ibabang labi niya.

Hindi niya na namalayan ang pagtulo ng luha niya. Kung bakit siya naiiyak ay hindi siya sigurado. Hindi siya santa para sabihing hindi siya nakakaramdam ng kakaiba sa ginagawa ni Ryu sa kanya.

When a soft sob escape her mouth he stopped. Malalim ang ginawa nitong paghinga ng maghiwalay ang mga labi nila. Nanatiling magkadikit ang mga noo nila habang mataman itong nakatingin sa mga mata niya.

Binitawan na nito ang mga kamay niya at gumapang ang kaliwang kamay nito sa likuran niya para hapitin ang katawan niya.

Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi nito bago muling halikan ang gilid ng labi niya. Naglakbay ang mainit na mga labi nito sa gilid ng kanyang mukha at naramdaman niya pa ang bahagyang pagdila nito sa bakas ng mga luha niya hanggang padampi nitong halikan ang mukha niya patungo sa kanyang tenga. Ramdam niya ang init ng hininga nito na siyang nagbibigay sa kanya ng kakaibang kilabot sa katawan.

"Crybaby." Bulong nito sa tenga niya. Binitawan na nito ang katawan niya at humakbang ng dalawa palayo ra kanya. His face still clouded with lust.

Hindi naman siya makapagsalita at nakatingin lamang sa mga mata nito. She wanted to say something but she can't form form the right words to say.

"Matulog ka na." Utos nito bago pumasok sa kwarto ng hindi sinasara ang pinto. Lumingon muli ito ng hindi pa siya kumikilos. "Sleep, Ace, or do you want me to continue were I left?

Wala sa sariling napatango siya at nang ma-realized ang ginawa ay sunod sunod ang iling niya.

He smirked. There's a malicious grin on his face. Lalo namang namula ang mukha niya.

"M-matutulog na ako." Sa wakas ay nasabi niya. Pumasok siya sa kwarto at nilampasan ito. Naalala niya bigla si Henry na nasa baba pa. "Si Henry, hindi pa siya magaling."

"Makaka-alis lang siya kapag wala na sa labas ang sumusunod sayo. For now, I'll let him stay here."

"Thank you."

Instead of answering back he just rolled his eyes. Napailing pa ito bago pumasok rin at isinara ang pinto. Kinabahan siya bigla ng mapagtanto na nasa iisang silid lang sila matutulog ngayong gabi. But she felt safer here compared outside.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon