"Don't ever try to get inside my head...it's too dark for you." --anonymous
***
Chapter 17 - "Black and White"
NAPABALIKWAS ng bangon si Ace sa kinahihigaan, Hapong hapo at namumuo ang pawis sa kanyang mukha. Kakaiba na naman ang panaginip niya, kung saan may isang nilalang na may pakpak at sungay ang pilit na nagdadala sa kanya sa kadiliman. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang panaginip niya.
Hindi kaya may kinalaman ang pagkakamatay ng magulang niya at ang sinasabi ni Ryu tungkol sa demonyong naglalaro sa kanya kaya ganoon na lamang ang kanyang mga napapanaginipan?
Naramdaman niya na naman ang pagkirot ng kanyang mga pasa. Minasahe niya ang kanyang braso para maibsan kahit papaano ang sakit na kanyang nararamdaman.
Inilibot niya ang paningin sa lugar kung nasaan siya. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lamang ay ang lampshade sa tabi ng hinihigaan niyang kama.
Nasaan kaya siya? Tsaka nasaan si Ryu? Bakit wala ito?
"R-ryu..." tawag niya. Pero pakiramdam niya ay walang lumalabas na tinig mula sa kanya. tuyong tuyo ang lalamunan niya. "Ryu." Tawag niya ulit at pinilit bumangon.
Hindi pa man siya nakakatapak sa sahig ay bumukas ang pinto. Nanlalaki ang mata niya ng pumasok ang isang malaking aso. Kamukha ito ng mga asong humabol sa kanila noon.
Napaatras siya nang tuloy tuloy ang lapit nito sa kanya.
"Ahh!" She screamed when the dog jumped in the bed. Hinirang niya ang mga kamay para maging proteksyon kung sakaling sugurin siya nito.
Ilang segundo rin ang lumipas pero wala pa siyang nararamdaman na kahit anong pag atake sa katawan. Unti unti niyang iminulat ang mga mata. She gasped when she saw the dog just staring at her.
Magkatapat lang ang mukha nila at tumutulo pa ang laway nito sa kanya. Nanlilisik din ang mga mata nito at nakalabas ang mga pangil. The dog growled.
"Wag please." Sunod sunod ang pagpatak ng mga luha niya.
She heard someone whistle.
"White! Come here, boy."
Biglang umamo ang mukha ng aso at umalis sa harapan niya. Lumapit ito sa lalaking nakatayo sa may pintuan. She heard something click and then the light turned on.
Napapikit pa siya bago rumehistro ang mukha ng lalake sa harapan niya. He is tall, probably six foot taller. Bahagyang magulo ang kulay brown na buhok nito na animo'y hindi sinuklay pero bagay dito. Nakatingin sa kanya ang mga mata nitong malalalim na parang malulunod ka kapag tinitigan mo ng matagal. Katulad ni Ryu ay itim din ang kabuuan ng suot nito. From his leather jacket down to his ripped jeans.
Tinapik nito ang aso bago muling tumingin muli sa kanya.
"S-sino ka?" Tanong niya rito. Naramdaman niya ulit ang sakit ng lalamunan. She badly needed some water. Napakainit din kasi ng lugar.
Hindi ito nagsalita at lumapit sa kanya. kinuha nito ang braso niya at ininspeksyon. Ang pasa niyang hugis kamay ay wala na, naging itim na iyon at kumalat, may mga ugat din sa braso niya na nangingitim. Maging sa kabila niyang braso ay ganoon din.
"Anong gagawin mo?" Gulat na tanong niya nang maglabas ito ng patalim. Sinubukan niyang hilain ang braso niya pero mahigpit ang hawak ng lalake sa kanya.
She winced when she felt the sharpness of the knife in her skin. Hiniwa nito ang parte kung saan ang itim niyang pasa. She sobbed. Isang matalim na tingin lang ang natanggap niya mula rito.
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasía"He tried to rape me once, I almost kill him twice."