***
Chapter 32 - "Finale"
Isang nakakakilabot na tawa ang kumawala sa nilalang na nasa harap ni Ace. Napahawak pa ito ng tiyan na tila tuwang tuwa sa kanyang kalagayan.
She sobbed quietly. Magulo ang isip niya sa mga oras na ito dahil sa mga pangyayari. Parang kahapon lang ay panatag pa ang kalooban niya sa lugar na ito, pero eto siya ngayon at nakagapos, hindi makawala.
"Sino ka ba talaga?" Tanong niya rito.
Napahinto ito sa pagtawa at muling tumingin sa kanya.
"Ako? Sino nga ba ako? Hmm." Napahawak pa ito sa baba na parang nag-iisip.
Unti-unting napalibutan ang katawan nito ng itim na usok na nagmula sa kung saan. Tumayo ito umikot pa sa harapan niya at nang humarap na ito ay nagbago ang anyo nito. Nakabalot na ang buong katawan nito sa itim na cloak at natatakpan ang mukha nito. May mumunting usok na itim rin sa laylayan ng suot nitong roba na parang parte iyon ng kasuotan nito.
"Ta-da!" Kinaway pa nito ang kamay na parang nasa isang palabas lang. Tumuntong ito sa kamang kinahihigaan niya at tumukod para magkaharap sila. "Gusto mo talagang malaman kung sino ako?"
Hindi siya sumagot at nakatingin lamang sa anyo nito.
Napanganga pa siya ng tanggalin nito ang hood na nakatakip sa mukha.
"R-ryu?"
Tumawa ito ng nakakaloko at nangalumbaba sa harapan niya.
"Why do you look so disappointed? Ahh... don't tell me, you're not expecting it huh? Hindi kaya may gusto ko sa akin? at nasasaktan ka dahil niloko kita?"
Muli itong bumalik sa pagkakaupo sa kanyang tabi. "Tell me, Ace, gusto mo ba ako?"
Sunod sunod ang ginawa niyang pag-iling sa tanong nito.
He snickered. "Sayang naman... o baka naman ako ang gusto mo?"
Kung kanina ay nagulat siya sa nakita, mas nagulat siya nang nag-iba ang mukha nito at naging si Luke.
"Luke? How?" Ngayon ay mas lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari.
"Nagulat ka ba?" Tumawa ito at muling nagbago ang anyo nito. Ngayon ay ang mukha naman ng kanyang ama ang ginaya nito pagkatapos ay ang kanyang ina.
Tila ba tuwang tuwa ito sa nakikitang reaksyon mula sa kanya sa tuwing nagpapalit ito ng mukha.
"So, tingin mo, Ace, sino nga ba ako?"
Si Henry na ang nakikita niyang kaharap ngayon.
"T-tama na, please. Wag mo na akong paglaruan. Bakit hindi mo na lang ako patayin kung gusto mo? Wala na ring kwenta ang buhay ko dahil kinuha mo na ang mga taong mahalaga sa akin." Wika niya rito.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Why would I kill you? You're too precious to me. Kailangan kita, Ace."
"Why? Ano bang nagawa ko sayo para gawin mo sa akin ito?"
"Why? Because you're mine."
"No one owned me. Ang Diyos lang ang nag-mamay ari sa akin at hindi ang kagaya mong demonyo!"
Napapalatak ito. "Too bad. Matagal ka nang akin. Ang bawat dugo na dumadaloy diyan sa katawan mo, bawat paghinga na ginagawa mo, ang bawat tibok ng puso mo, nagagawa mo ang lahat ng iyan dahil sa akin. "
"H-hindi! hindi ako naniniwala sa'yo!"
"Matagal ka na dapat wala sa mundong ito, Ace. Naaalala mo pa ba nang unang beses mong nakita si Waren?"

BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."