This is a work of fiction. All of the characters, places and events portrayed in this novel are either products of the author's imagination or are used fictitiously.
Copyright © 2015 ZeeDee
***
Parang wala sa sarili ang babae habang patuloy sa pagtakbo sa kawalan. Ilang ulit na siyang nadapa pero pilit bumabangon para lang makalayo sa lugar na iyon... lugar kung saan ay hindi niya alam.
Nababalot ng kadiliman ang buong paligid at tanging ang mahabang daan lamang ang naaninag niya.
"Ace... ace... " tawag ng isang nilalang na hindi niya alam kung sino at saan nagmula. Humalakhak pa ito na tila tuwang tuwa sa kalagayan niya. "tumakbo ka hanggat kaya mo, pero sigurado akong maabutan pa rin kita."
"Tama na!" Naluluhang sigaw niya. Nararamdaman niya na din ang panghihina ng kanyang katawan.
"Ace... sa akin ka lang."
"No! Parang awa mo na! tigilan mo na ako."
"Sa akin ka lang, Ace, matagal ka nang akin. Wala ka nang kawala."
Hindi niya na alam ang gagawin. Bakit ba nangyayari sa kanya ito? Normal na buhay lang ang gusto niya, pero iba ang nakalaan sa kanya. Makakawala pa ba siya sa lugar na ito? Lugar ng kawalan?
"ACE!"
Isa pang tinig ang narinig niya mula sa kung saan bago tuluyang nagdilim ang buong paligid. Kasunod niyon ay ang tuluyang panghihina ng kanyang katawan pero bago siya tuluyang bumagsak ay naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso sa kanya bago ang pag-angat niya sa lupa.
"Ace...andito na ako." tawag sa kanya ng nilalang na may hawak sa kanya bago tuluyang nagdilim ang paningin niya.
***
Date started: June 5, 2015
Date finished: December 20, 2015
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasía"He tried to rape me once, I almost kill him twice."