Vote.Comment.fan :)
***
Chapter 14 - "The game."
BALISA pa rin si Ace habang naka upo sa sofa na nasa sala ng bahay ni Ryu. Hindi pa rin siya umaalis dito dahil takot sa maaaring mangyare sa kanya oras na lumabas siya sa bahay na ito.
Nakita niyang pababa ng hagdan si Ryu at nag tungo sa kusina kaya naman sinundan niya ito.
"Ryu, sa tingin mo sino ang may gawa nito kay mommy? You said she's possessed? Bakit siya pa?"
He looked at for a second before sitting in the chair. Nagkibit balikat pa ito. "I told you, I don't know. pero one thing for sure, the person whose responsible for this is playing a game."
"Game? anong klaseng laro?" umupo siya sa harapan nito at magkatapat na sila.
"Laro kung saan siya ang taya at ikaw ang magtatago." Ngumisi ito. "At kapag nakita ka niya," tinuro nito ang leeg at sumenyas na parang gigilitan. "Your dead."
Magulo pa rin sa kanya ang lahat. "Yung taong tinutukoy mo... t-tao ba siya o..." hindi niya maituloy ang sasabihin. Maging siya ay nag aalangan kung tama ba ang nasa isip niya.
"O?"
"Hindi ba siya tao? I mean, I don't believe in elements or ghosts, pero malabong tao ang may gawa nito sa mommy ko. You should have seen her." Naluluha na naman siya.
"No, Ace... hindi magagawa ng ordinaryong tao ang mga nakita mo."
"Kung ganoon, ano?"
"A Demon."
Nanlalaki ang mga mata. Demonyo? Paano?... ibig sabihin totoong may mga ganoong nilalang?
"S-sigurado ka ba?"
Tumango ito bago sinubo ang pagkaen. He's eating a cookies again.
"Pero bakit ako ang napili niyang paglaruan? Hindi ko maintindihan! Wala akong naagrabyadong tao, mabait ako, sinusunod ko ang mga magulang ko, I never cheated in any exams, I---"
Hindi pa niya natapos ang sinasabi ng sumabat si Ryu.
"You're annoying, maybe that's why."
"What?! Napaka babaw naman kung iyon ang dahilan. Ano bang kailangan kong gawin para matigil na ito? Tulungan mo ako Ryu."
His brow quirk. "Hahanapin natin kung sino ang may gawa nito. kapag nangyari yun pwede nang matigil ang lahat ng nangyayaring ito sa'yo."
"Paano natin siya mahahanap? You said it's a demon. Imposible nating makita yun."
"Trust me, mahahanap natin. But don't forget, you have to pay me after all of this."
Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. But still there's a little doubt she felt. Tama ba itong desisyon niya na kay Ryu humingi ng tulong? pero mukhang wala naman siyang choice kundi humingi dito ng tulong... mukha namang maraming alam ito. Saka niya na lang din aalalahanin ang bayad na sinasabi nito. Ang mahalaga ay matapos na itong lahat.
"Tell me, Ryu, bakit alam mo ang mga bagay na ito?" Hindi niya mapigilang itanong dito.
Napahinto ito sa pagsubo at tumingin sa kanya. "Let's just say... I know things people like you doesn't know. And stop asking so many questions, Ace, Your starting to annoy me."
"Naguguluhan lang kasi ako."
He smirked. "Gusto mo'ng matapos na ang lahat ng ito?"
Tumango agad siya bilang sagot. Sino ba namang tao ang nanaisin maipit sa ganitong sitwasyon?
"The solution is simple ace, go kill yourself."
She got shocked from what he said. Bakit ba ganito si ryu? Like killing someone is a normal thing for him... well, maybe.
Magsasalita pa sana siya ng may marinig siyang makina ng sasakyan. Oh no! Her dad is here!
Agad siyang pumunta sa bintana at sinilip ang bahay nila. She saw her dad walked out of the car. Mukha namang normal ito hindi kagaya ng mommy niya.
"Dad..." she wanted to call him pero natatakot siyang lumabas. Naramdaman niya ang presensya ni ryu sa likuran niya kaya nilingon niya ito. Nakasandal lang ito sa pader habang nakahalukipkip at nakatingin sa kanya.
Binalik niya agad ang tingin sa labas. Nakita niyang lumabas ang mommy niya at sinalubong ang daddy niya. Her mom looks normal again. Iba na rin ang damit nito at wala ni bakas ng dugo. Her mom hugged her dad. Mukhang nag-uusap ang mga ito. Mukhang normal ang lahat, hindi kaya normal na ulit ang mommy niya at wala na ang sumasapi rito o nag kokontrol?
"Ryu, bumalik na ba sa normal ang mommy ko?"
Lumapit si ryu sa tabi niya at sumilip din sa bintana.
Nag-uusap pa rin ang mga magulang niya. Nakita niyang unang pumasok ang daddy niya at napa singhap siya ng makitang may nilabas na kutsilyo ang mommy niya. Tumingin muna ito sa gawi nila at kumaway gamit ang kutsilyo bago pumasok sa loob ng bahay nila.
"Oh my God..." she whispered. "R-ryu... she's going to kill my dad. Oh no. K-kailangan ko siyang pigilan." Sunod sunod ang patak ng luha niya bago humakbang palayo pero agad siyang pinigilan ni Ryu. "Bitiwan mo ako! I need to stop her. Papatayin niya ang daddy ko."
"Stop ace, wala ka nang magagawa."
"No! I need to stop her! Let go of me!"
Lalong humigpit ang hawak nito sa kamay niya at hinila siya pabalik sa bintana. He harshly opened the curtains. Halos magimbal siya sa nakita niya.
Nasa may bintana ang daddy niya na katapat nila mismo. Nakatingin lang sa kanila ito pero walang buhay ang mga mata. Duguan ang damit nito. Napaiyak na siya at tinatawag ang pangalan ng ama.
"No!"
Lumabas mula sa tabi nito ang mommy niya na nakangiti pa rin. Hawak nito ang patalim. Kumaway ulit ito bago itinutok ang patilim sa sariling leeg.
"NO!" She gasped as her mother cut her own neck. Sumirit pa ang dugo nito sa bintana bago parehong natumba ang katawan ng kanyang ina at ama.
halos manlabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang lumalandas sa kanyang mga mata. Her mother just killed herself in front of her.
Sunod sunod ang iling na ginawa niya. "No...no...hindi pwede ito! HINDI! Mom! Dad!" Nawalan na siya ng lakas at napa upo sa sahig. She wailed in pain. Masakit ang mga pangyayaring nasaksihan niya. Of all the people na pwedeng kunin ng maaga, bakit ang mga magulang niya pa? Bakit siya pa ang napag laruan ng demonyo? Ano ba ang nagawa niyang mali? Walang kasalanan ang mga magulang niya pero ang mga buhay nila ang kinuha.
***
Nakatayo lamang si Ryu habang pinag mamasdan ang babae sa harapan niya na walang tigil sa pag-iyak. He's somewhat fascinated by her tormented pain. Kakaiba talaga masaktan ang mga tao.
Bumalik ang tingin niya sa kabilang bahay kung saan bakas pa rin ang mga nangyari.
Lame. Yun lang ang pumasok sa isip niya matapos masaksihan ang ginawa ng nilalang na hindi pa niya kilala kung sino. Wala ang larong ginawa nito sa mga larong alam niya.
Napangisi siya.
Hindi niya maintindihan kung bakit habol nito si Ace. Wala siyang makitang espesyal kay Ace para pag laruan ito ng nilalang na iyon.
Tinignan niya ulit si Ace na patuloy sa pag-iyak. He shook his head. Naglakad na siya paakyat sa silid niya at iniwan ito.
Alam niya sa sarili niyang hindi niya dapat tulungan si Ace. But he's bored, panahon na siguro para mag enjoy ulit siya... isa pa, maganda ang magiging kapalit nito pagkatapos.
He can't help the wicked grin forming on his face. Tama na siguro ang pagtatago at panahon na para mag laro.
***
A/N: sorry lame, haha. geh. First time ko mag sulat ng ganitong genre, pagbigyan niyo na ako kung hindi maganda. xD
BINABASA MO ANG
The Outcast from hell [COMPLETED]
Fantasy"He tried to rape me once, I almost kill him twice."