chapter 20

8.4K 285 33
                                    

The roses have wilted
The violets are dead
The demons run circles,
Round and round in my head.

***

Chapter 20 - "The Black Market"

"D-demons?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ace matapos marinig ang sinabi ni Black. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang pares ng mga mata na nakatingin ng seryoso sa kanya. "H-hahaha. Nagbibiro ka l-lang diba?" Sinubukan niyang tumawa sa kabila ng tensyong nararamdaman.

Black snickered.

"Who says I'm kidding?"

"Ahh!" Napatili siya ng biglang sumulpot sa tabi niya si Black na kanina lang ay nasa harapan niya.

Tumawa ito ng nakakaloko bago siya inakbayan. Umusog pa siya palayo rito pero pinigilan lang siya nito.

"Scared, princess?"

Kung nung unang beses niyang nakita si Black ay normal lang ang dating ng mga ngiti nito sa kanya pero ngayon ay kakaibang kilabot ang dulot niyon sa kanya.

Hindi na talaga normal ang lahat! Demonyo ang mga ito? At pati si Ryu? Ang lalaking tumutulong sa kanya para hanapin ang Demonyong naglalaro sa kanya ay kapareho rin pala nito.

"Kung d-demonyo kayo... ibig sabihin, n-nasa impyerno na ba ako? Patay na ba ako?" Naluluha niyang tanong kay Black.

Bigla na lang itong natawa at napahawak pa sa tiyan. Samantalang si Cleo ay napailing at sinamaan ng tingin si Black.

"Impyerno? You think nasa impyerno ka na?" Hinaplos nito ang kanyang mukha na may mga luha. "Ibang iba ang impyerno dito, Ace. ibang-iba."

"Kung ganun, ano ang lugar na ito?"

He smirked before standing up. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Gusto mo talagang malaman? I'll take you to another tour... a tour to paradise."

Napatingin siya kay Cleo at kay Ryu kasunod kay Black. Tama pa ba itong ginagawa niyang pananatili pa sa lugar na ito? Kasama ng mga demonyong ito?

"Come on, princess."

Hindi agad siya makatayo dahil sa natamong injury sa nangyare kanina kaya naman inalalayan siya ni Black. Ayaw man niya pero mukhang wala siyang choice. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon ay uuwi na siya sa kanila at kakalimutan na lang ang lahat ng nangyari.

"Close your eyes."

"Huh?" Hindi pa man niya naitatanong kay Black kung bakit nang may maramdaman siyang pwersa na humihila sa kanya. At sa isang iglap ay nag-iba ang paligid. Wala na sila sa kwarto kung nasaan sila kanina kundi nasa isang hallway sila. Did...did they just teleport?

"Para mabilis." Kibit balikat na turan ni Black at binitawan siya.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari! Totoo nga ang sinasabi ni Black! Hindi sila ordinaryong mga tao kundi mga Demonyo.

Paikaika niyang sinundan ito. Bigla siyang may naalala nang mapansing mag-isa lang ito. "Nasaan ang aso mo?"

Huminto si Black at nilingon siya. Nawala ang mga ngiti sa labi nito. "Wala na. Ryu killed him."

"H-ha?"

"Hindi na nakontrol ni Waren ang sarili dahil sa pagkuha niya ng mga itim na kaluluwa. Hindi niya naman kasi kaya pero pinilit niya ang gusto para lang mailigtas ang buhay ng isang kagaya mo. Nakakatawa diba?"

"S-sorry" Hinginp paumanhin niya dito.

"It's fine. I can get another one."

Isang katahimikan ang namayani bago ulit siya nagtanong dito.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon