Chapter 10

8.7K 302 8
                                    

***

Chapter 10 - "confusion"

"R-ryu?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ace nang makumpirmang si ryu nga ang lalaking nasa harap niya. Ang lalaking kinakatakutan niya at siya ring nagligtas sa kanya.

"Ako nga."

"I-ikaw yung lalake kanina? Ikaw yung..." naalala niya ang mga eksena kanina kung saan tinakot siya nito at nasaksak niya ito sa braso. "Oh my God! Ikaw yung nasaksak ko. oh my God, I'm so sorry." Nagpapanic na siya na hindi mawari ang gagawin.

"Stop. saying. His. Name." Madiin na utos ni ryu sa nakangiwing mukha. "Ano bang pinagsasabi mo? Anong nasaksak? ACE!" sumigaw na ito nang hindi pa rin siya kumakalma.

"H-huh?" Wala sa sariling napatanga siya dito.

"Nababaliw ka na ba? Kanina ka pa wala sa sarili."

"Pero, pero. Diba, ikaw yung tumulong sa akin? si... si carl, tsaka si jack! Tinali nila ako tapos dumating ka... tapos nasaksak kita." Hinawakan niya ang braso nito na nasaksak niya pero ni bakas ng dugo ay wala siyang makita. "I stabbed you, i know I did."

"Ace!" tawag ulit ni ryu sa kanya. "Nakita kita sa gitna ng daan at nagdedeliryo kaya naman binuhat kita hanggang dito. What are you talking about?"

"H-huh?" Tumingin siya sa paligid at napansing malapit lang sila sa kanilang mga bahay. wala na ang mga naglalakihang puno at madilim na daan. "Pero, yung nangyari kanina... si jack tapos si carl..." malinaw pa sa isipan niya ang mga nangyari kanina, kung papaano siya itinali ng dalawa, ramdam pa ng kamay niya ang higpit ng tali sa kanya kanina. Namamaga pa ang kanyang mga mata gawa ng pag iyak niya at ganun padin ang bilis ng tibok ng puso niya gawa ng mga kaganapan. Nagkakamali si ryu.

"Umuwi ka na." utos ni ryu.

"Pero ryu, totoo ang mga nangyari, alam ko totoo... Ikaw yung dumating... tapos---"

"STOP!" sumigaw na ito at napapikit na tila nauubusan na ng pasensya. tumingin ito ng deretso sa mga mata niya bago nagsalita. "Lahat ng nangyari kanina ay imahinasyon mo lang, makakalimutan mo din ito bukas. umuwi ka na."

Wala sa sariling napatango siya saka tinalikuran si ryu at naglakad papunta sa bahay niya.

***

Kakamot kamot pa ng ulo si Ace habang naglalakad sa gitna ng hallway ng paaralan. Parang wala siya sa sarili.

Pagkagising niya kasi kaninang umaga ay sobrang sakit ng ulo niya at isa pang pinagtataka niya ay hindi niya maalala ang nangyari kagabi. Nagtataka kasi siya na puro galos ang katawan niya samantalang pagkatapos niya mag stay sa library kahapon ay deretso bahay lang naman siya. Naisip niya tuloy na baka nag i-isleep walk siya kapag gabi.

"Ace!"

Napalingon siya kay kim nang tawagin siya nito.

"Oh bakit?"

"Oh em gi! Have you heard the news?"

She frowned. News? Ni wala na nga siyang time alamin ang mga balita dahil sa mga kakaibang nangyayari sa kanya.

Mukhang nakuha naman ng kaibigan na wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari base na rin sa pagkakakunot ng noo niya.

"May nangyari daw kagabi. Kilala mo si jack diba? yung bestfriend ni henry, tsaka si carl? yung may pagka nerd na classmate natin."

"Huh? Oo bakit?"

"Gosh girl! Natagpuang patay yung dalawa kaninang umaga."

Nanlamig ang buong katawan niya sa narinig na balita.

The Outcast from hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon